CHAPTER 2

143 70 31
                                    

Bumungad saken ang madilim at tanging Dark blue na ilaw sa buong lugar maingay dahil sa lakas ng music,magulo dahil sa mga taong nag sasayawan at nag kakasiyahan.
Dumiretso agad ako sa counter saka naupo kung saan palagi ang pwesto ko.

"Hello sexy Leigh Ann, same order?" I nodded.

"Hi jeff, where's Macky?" Tanong ko sakanya nilapag nya sa harap ko ang Vodka na lagi kong inoorder kinuha ko agad at walang kurap na ininom sumenyas ako kay Jeff na isa pa ngumisi at napailing nalang sya.

"May kausap lang sa VIP room bumalik na kase yung dati naming VIP customer."

"Oh, okay." nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy nya kahit kase VIP customer ako dito mas pinipili kong dito sa labas tumambay at magsaya kesa sa VIP room boring.

"Hi miss, Can I buy you a drink?"
Sinulyapan ko ang lalakeng naupo sa gilid ko. Inangat ko ang basong hawak ko bago sumagot.

"No thanks. I can buy my own drink."
napailing lang ito saka umalis. Binalik ko ang tingin sa basong hawak saka pinaikot ng marahan ang laman nag papakundisyon pa ko para mamaya.

"Hey angel.. want to join me in heaven tonight?" Napairap ako sa kawalan ng may umupo nanaman sa gilid ko at sumubok na landiin ako pang anim na to simula ng dumating ako. Humarap ako sakanya medyo natigilan ako dahil hindi ko ipagkakailang gwapo sya at may sinabe sa buhay dahil sa Rolex na relo, branded na polo, makinis at mamula mulang muhka dahil na din sa alak halatang kanina pa to dito. Bahagyang kong nilapit ang muhka sakanya na kinangisi nya saka nilapit din ang muhka nya saken at tangkang hahalikan ako pero mabilis kong nilapat ang pointed finger ko sa labi nya saka sya nginisian.

"Sorry to disappoint you Mister, mas gusto ko sa impyerno dahil masusunog ako sa langit and..," Nilapit ko sa tenga nya ang bibig ko "You're not my type." lumayo ako ng may ngisi sa labi saka sya tiningnan kitang kita ko ang pagkapahiya sa muhka nya at kamot batok na umalis.

"Ano nanamang sinabe mo dun?Pulang pula muhka nun ah."

Nabaling ang tingin ko sa counter napangisi lalo ng makita ko si Macky ang may ari ng Bar kung saan ako ngayon. Nag mimix nanaman sya ng kung anong alak habang naiiling na nakatingin saken.

"Samahan ko daw sya sa langit akala ata Anghel ako na bumaba sa lupa.. Eh pinatalsik nga ako dun."
natatawang sagot ko na kinangisi nya.

"Same old Bitch."

bumalik ang ngisi sa labi ko tinaasan ko sya ng kilay at nag crossed arms pinanood sya sa ginagawa. Kumuha sya ng panibagong baso para salinan ng minixed nya saka nilagay sa harap ko.

"Try that bitch, Gusto kong ilagay sa menu pero kailangan ko ng opinyon ng mga katulad mong suki ng bar at alak." Kinuha ko naman saka tinikman napatango ako at nag thumbs up sakanya inubos ko ang laman dahil nasarapan talaga ako.

"Wow! Perfect! May pangalan na yan?Available ang name ko,Baka lang naman." nakangising biro ko. Totoong nagustuhan ko, bukod kase sa medyo matapang ay sakto ang tamis nito na para ka lang umiinom ng strawberry juice pero may hagod at isa pa Favorite ko ang strawberry lalo na ang sa cake pati nga pabango at matte lipstick ko ay may mixed ng strawberry.

"Sure!" Nakangiting sagot nya kaya excited akong nag isip.. nang may maisip Napa palakpak pa ko.

"Leighberry .. Leigh, Of course that's my name, Berry for Strawberry. Sa huli kase malalasahan mo yung strawberry kasabay ng hagod."

"Yeah.. yan nga din ang sinabe ni Jeff kaya naisip kong ipatry sayo panigurado kaseng pasok sa panlasa mo." nakangising sagot nya.

Madrama kong tinakip sa bibig ang isang kamay ko at ang isa ay kunwari nag pupunas ng luha habang nakatingin sakanya.
"Ow..Thank you!Thank you!" Natawa ko ng napapastikuhang tingnan nya ko at nakangiwi pa.

The Imperfect Heiress ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon