CHAPTER 21

65 31 32
                                    

"Leo?" Gulat na tanong ko sa taong nakatayo sa gilid namin pero hindi nya ko pinansin nakangisi lang syang nakatingin kay Trayvon na ngayon ay pinag papatuloy ang pagkaen.
Nakasuot sya ng black pants and navy blue casual polo shirt nakatali din pataas ang buhok nya dahil pagkakaalala ko laging hanggang balikat ang buhok nya.

"Ilang beses akong nag request for lunch or dinner with you but you always ignored and canceled it dahil sabe ng secretary ng Daddy mo busy ka .. tapos makikita kita nakikipag lunch at tawanan sa lalakeng to? The Fuck!" Nagulat ako ng mag taas sya ng boses kaya napatingin samen ang mga tao sa loob nitong restaurant.

"Leo please, hindi mo kailangan mag taas ng boses nakakahiya sa mga tao."Mahinang sabe ko sakanya nanatili parin akong nakaupo ganun din si Trayvon na kumakaen parin parang walang naririnig.

"And so? Ano naman kung marinig nila totoo naman ang sinasabe ko, tinatanggihan moko dahil sabe mo wala kang time sa relationship o makipag date!" Nakangising sabe nya saka bumaling kay Trayvon "Ano brad? Paano mo sinuyo ang isang pakipot na babae at napapayag syang makipag lunch sayo?" Mayabang at malakas nyang tanong.

Nag init naman agad ang ulo ko sa sinabe naikuyom ko ang dalawang kamay pero hindi ko magawang sagutin o murahin sya dahil nasa public place kame at kasama ko si Trayvon kaya hindi ako pwedeng basta basta nalang gumawa ng maling bagay. Tatayo na sana ako ng hawakan ni Trayvon ang nakakuyom kong kamay na nakapatong sa mesa kaya napatingin ako sakanya ganun din si Leo na narinig ko pang matunog na ngumisi. Nakangiti saken si Trayvon na para bang sinasabe nyang wag kong pansinin ang gagong lalakeng nanggugulo samen at sya na bahala.

"Hindi ko naman kailangan pang SUYUIN ang ASAWA KO para lang pumayag na makipag lunch date o dinner date saken dahil ASAWA KO naman sya, hindi BRAD?" Medyo malakas at madiin nyang sagot sabay angat ng tingin kay Leo na natigilan at bakas ang gulat sa muhka saka sya bumaling saken na bakas ang galit.

Asawa ko .. ang lakas ng tibok ng puso ko ng marinig sakanya ang salitang yan.

"Asawa? So it's true, nag pakasal ka na nga talaga. Kung sana sinabe mo na kasal agad ang gusto mo edi sana pinakasalanan kita agad at napunta ka saken! Hindi yung pinag mumuhka mo akong TANGA kakahabol sayo! Isa ka din palang maharot eh gusto mo yung deretso honeym—-" Nag taas nanaman sya ng boses saken kaya hindi kona napigilan ang sarili ko at tumayo ako saka sya sinampal ng ubod ng lakas bumakat ang kamay ko sa pisngi nya narinig ko din ang pag singhap ng mga tao napatayo na din si Trayvon saka lumapit saken para hawakan ako sa isang braso medyo humarang din sya sa harap ko na para bang pinoprotektahan ako pero bahagya akong umabante.

"Sino nag sabe sayong pinaasa kita? Sino nag sabe sayong umasa ka? Hindi ba't sarili mo lang? Una palang tayong nagkita tinapat na kita na HINDI KITA GUSTO! pinag bigyan ko lang mommy mo na makipag kita sayo dahil nakikiusap sya saken na kahit isang beses lang, so I did! Pero after that nilinaw ko sayo na hindi na mauulit yun at sige aamin ko na nag sinungaling ako sa sinabe kong busy akong tao kaya wala akong panahon sa pakikipag date well, it's actually half true, alam mo kung ano yung PINAKA RASON kung baket ayaw ko sayo?!" Nang gigigil at hinihingal kong asik sakanya. Samantalang sya ay bakas parin ang galit sa muhka. Ramdam ko din ng pag pulupot ng braso ni Trayvon sa bewang ko habang hawak parin ng isang kamay nya ang braso ko pero ako, hindi ko maalis ang tingin kay Leo ramdam ko din ang pag inet ng sulok ng mata ko.Hindi dahil sa naiiyak ako takot o pang hihina, kundo dahil sa gigil sakanya na pinipigilan ko.

"Dahil mayabang ka at ubod ka ng kamanyakan! Akala mo hindi ko nakikita ang pansimple mong pag hagod ng tingin sa kabuoan ko?Hinding hindi kita magugustohan!" kahit gusto kong sumigaw ay pinanatili kong hindi ganun kataas at pinipili ko ang nga salitang sasabihin ko. Kung hindi lang ako ang mahinang Leigh Ann ngayon at kung di ko kasama si Trayvon baka hindi kona napigilan ang sarili at ihampas sakanya ang upuan!

"So what? Pasalamat ka nga kahit ganyan ka may nag nanasa parin sayo. Kase napaka ganda mo nga at halata din naman na maganda ang katawan lalo na yang hinaharap mo pero napaka BORING mo naman!" Nakangising sagot nito napaawang naman ang bibig ko "buti na din siguro at hindi naging tayo, kase mas gusto ko yung wild hindi tulad mo Boring sa pananamit at baka boring din bilang asawa at sa kama." Nakangisi nyang dagdag. Nagulat ako ng isahing hakbang ni Trayvon ang paglapit sakanya saka sya sinakal sa leeg gamit ang isang kamay at ang isa mahigpit na pinang hawak sa kwelyo nito hindi agad ako nakapag react sa gulat at nang matauhan ay natatarantang hinawakan ko sya sa braso para hilahin pero mahigpit ang kapit nya sa leeg ni Leo na kahit ito ay hindi maalis ng dalawang kamay kaya halos mag violet ang muhak nila malake din ang agwat ng height nilang dalawa dahil matangkad si Trayvon.

"Trayvon please!" Naluluhang saway ko sakanya dahil sa kaba baka matuluyan nya si Leo. Tumulong na din ang guard at para awatin si Trayon.

"Fuck off!" Sigaw nya sa guard na kinagulat namin.
"You son of bitch! Hindi ginaganyan ang mga katulad na babae ni Leigh Ann and you dare talk to her like that infront of me?! You fucker!" Gigil na sabe nya kitang kita ko ang pag igting ng panga nya "putangina ka!"

Dear myself, wag na wag gagalitin ang isang Trayvon Lavin.

"Tray please .. please! Tama na, umalis na tayo PLEASE!" Tumaas na ang boses ko dahil ayaw parin nyang bitawan kaya niyakap ko nalang sya mula sa likod "please .. please .." naiiyak na sabe ko ramdam ko din ng nanginginig na ang katawan ko. Naramdaman ko naman na nag relax ang katawan nya at alam ko ding pabalya nyang binitawan si Leo kaya patingin ako dun nasa sahig na sya at nag hahabol ng hininga tinulungan din syang tumayo ng security guard at manager ng restaurant.

"calm down." Masuyong sabe ko sakanya dahil masama parin ang tingin nya kay Leo. Humarap naman sya saken naramdaman ko din ang isang braso nyang pumulupot sa bewang ko saka inalis ang ilang hibla ng buhok ko sa muhka.

"Come on, baka makapatay pa ko dito." mabibigat ang pag hinga nyang sabe. Nag lapag sya sa mesa ng pera saka ako hinila palabas hanggang sa makarating kame ng sasakyan nya. Pinag buksan nya ko agad ng pinto saka pinasakay, sya naman umikot para makasakay na din saka pinaharuruot ang sasakyan kaya mabilis kameng nakarating sa bahay.
Pasalampak syang naupo sa couch saka pinikit ang mga mata habang ako Kinakabahan na kausapin sya pero naglakas loob parin ako.

"I'm sorry.." mahinang sabe ko. Dumilat naman sya saka hinanap ang mga mata ko at kunot noo na nag tanong.

"For what?" Para bang pagod na pagod ang boses nya.

"Yung kanina, hindi ko akalain na ganun si Leo. Isang beses ko palang kase syang nakasama kaya hindi ko alam na.." hindi matuloy ang sinasabe ko dahil ramdam ko din ang pag init ng ulo kapag naaalala ko ang mga sinabe nya saken kanina. Huminga ako ng malamin "I'm really sorry."

That jerk!!! Hindi ko tuloy nakaen yung Strawberry Triffle na inorder ko!

"Thank you .." nagugulat na nag angat ako ng tingin sakanya nakakunot ang noo ko sa pag tataka muhkang nabasa naman nya kaya tipid syang ngumiti "thank you kase una palang inayawan mo na ang gagong yun, and ..," tumingin sya saken ng seryoso "sa pag papakalma mo saken kanina, kung hindi mo siguro ginawa yun baka.." pumikit sya ng mariin saka pahilot sa sentido. Namula naman ako dahil naalala ko ang pag yakap ko sakanya kanina. Wala na kase akong ibang maisip dahil natatakot akong baka kung anong mangyare sa gagong Leo na yun.

Naupo ako sa couch katabi nya nakita ko din sa peripheral vision na lumingon sya saken "Kahit naman kase ubod ng bastos at sama ang lalakeng yun hindi parin sya worthy para makagawa ka ng seryosong kasalanan sa batas at Diyos," tumingin ako sakanya seryoso syang nakatingin saken "wag mo na sana ulitin yung kanina." Seryosong sabe ko habang nakatingin sa mga mata nya, mula sa pagkakaseryoso napalitan ng walang emosyon ang muhka nya maging ang kulay asul nyang mga mata bumalik sa dating lamig nung unang makita ko sya nung first time namin nagkilala bilang mag fiance.

"I can't promise you that .. lalo na kung asawa ko ang babastusin sa harapan ko." Sabe nya gamit ang malamig na boses samantalang natulala naman ako dahil sa sinabe nya. Ilang beses nyang inulit ang salitang Asawa ko ngayong araw na to at tulad kanina ..

Wala akong ibang marinig kundi ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko..

————

I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

The Imperfect Heiress ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon