CHAPTER 20

70 32 7
                                    

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok kaya binaba ko ang laptop at dali daling nag bihis ng pajama at shirt naka bra at panty lang kase ako.
Saka ko binuksan ang pinto at bumungad saken napaka gwapong nilalang na araw araw ko naman ng nakikita pero parang hindi parin ako nasasanay. Naka suot sya ng cargo short at plain black shirt na medyo tuyong buhok halatang bagong ligo.

"I just wanna ask if do you want to come with me, mag grocery ako. Ubos na stocks naten sa ref." Napangiti ako saka sunod sunod na tumango.

"Sure! Wait mag bibihis lang ako!" Tipid syang ngumiti saka tumango.

"Okay I'll wait for you downstairs."
I nodded saka sinara ang pinto at excited na kumuha ng denim skinny jeans at white fitted shirt puro ganito ka boring lang kase ng mga damet ang dala ko dito at ang iba mga boring dress din. Tinali ko ng maayos ang buhok at nag powder lang para mas mabilis nakakahiya kung pag antayin ko sya ng matagal.

Excited akong sumama kase naman ilang araw na din akong nakatengga dito sa bahay dahil nga minsan lang naman ako kung pumasok sa Office tapos hindi din ako makagala busy si Antonette sa mga bagong mga tela na dumating from abroad.
Mas lalong hindi din ako makapunta ng Bar dahil baka mag taka sya kung baket ko pa gustong mag sleep over sa mga kaibigan ko eh may kasama naman na ko dito sa bahay.

"Baket kase yun ang nirason mo Leigh Ann tsk!" Pagkausap ko sa sarili habang nakatingin sa salamin at nag lagay ng konting lip gloss.

"Sorry, natagalan. Tara na?" Nakangiti kong sabe sakanya naabutan ko syang nakasandal sa main door at naka crossed arms.

"Nah, it's okay." Tipid syang ngumiti saka kame sabay na naglakad papuntang garahe sa sobrang sabik kong makaalis dumiretso ako papunta sa kotse ko at bubuksan ko sana para sumakay ng mag salita sya.

"Baket nandyan ka?" Napalingon ako sakanya bakas ang pagtataka sa muhka nya habang nakatingin saken ako naman tumingin sandali sa kotse ko saka nag balik ng tingin sakanya.

"Sasakay?" Hindi siguradong sagot ko.
Kumunot naman ang noo ko ng mahina syang natawa saka napailing.

"Isang kotse lang ang gagamitin naten, dito kana sumakay." Natatawang sabe nya natigilan naman ako saka napapahiyang nag lakad papunta sa kotse nya pinag buksan nya ko ng pinto kaya sumakay na ko sinara naman nya ang pinto.

"Nakakahiya." Nakangusong sabe ko saka nilibot ang tingin sa loob ng sasakyan nyan "amoy trayvon at ang linis din." komento ko.
Umayos ako ng upo ng buksan nya ang pinto ng driver's seat at naupo dun. "Sorry, akala ko kase magkabukod tayo ng sasakyan na gagamitin." Nahihiyang paliwanag ko.

"It's okay, wag ka nang mahiya sobrang pula ng muhka mo." Nakangisi nyang sagot kaya mas lalong namula ang muhka ko tumagilid nalang ako at humarap sa bintana. Napapikit ako ng marinig syang natawa saka pinaandar ang sasakyan.

"Saan nga pala tayo mag grocery?" Maya mayang tanong ko saka sya nilingon. Saglit syang sumulyap saken saka tumingin ulet sa daan.

"Mall? I'm not sure, hindi na din kase ako pamilyar." Nakangiwi nyang sagot mahina naman akong natawa.

"Sige sa mall nalang, mas malapet pati yun." Sagot ko.

"Alright." Nakangiti syang tumango.

Hindi din nag tagal nakarating din kame sa Mall pinark nya sandali ang sasakyan saka kame sabay na pumasok at nag punta sa Grocery Market. Sya na din ang kumuha ng cart namin at nag tulak napapansin ko din ang mga kababaihan na panay ang lingon at titig sakanya ang iba pa nga halatang kinikilig kaya pasimple ko silang tinititigan ng masama at iniirapan na nakukuha naman nila agad dahil umiiwas sila ng tingin.

The Imperfect Heiress ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon