CHAPTER 14

74 43 4
                                    

Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga naba ang nagawa ko habang pinag mamasdan ang pagkaen na niluto ko simula kaninang 5am.
Wala manlang bawas halatang hindi manlang ginalaw.

"Tsk! Hindi manlang tumikim kahit konte hindi na talaga ko mag luluto!"
Nakasimangot kong nilagay sa loob ng ref ang fried rice ham at itlog na niluto ko madaling araw palang gising na ko lagi para lang mag luto dahil inaabot ako lagi ng dalawang oras bago maka perfect ng hindi sunog o kaya walang kasamang egg shell sa itlog then sa fried rice naman pasado naman sa panlasa ko kahit medyo nadamihan ko ng asin tapos hindi manlang tinikman.

Baket ba kase nag luluto pa ko kahit naman alam kong hindi naman talaga sya kakaen..

Sa loob ng isang linggo naming magkasama sa iisang bahay laging ganito ang senaryo, ni isang beses ay hindi kame nagkasabay sa pagkaen kahit sa breakfast manlang o dinner kase halos madaling araw na sya kung umuwi dahil nagigising ako sa tuwing maririnig ang sasakyan nya at ang pag bukas ng pinto sa guestroom kung saan sya tumutuloy.
Yes, hindi kame magkatabeng matulog mas pinili nya sa guestroom kesa sa master's bedroom kung saan kwarto namin mas pabor din naman saken yun dahil hindi pa ko handang makatabe sya kahit sa pag tulog lang.

Sa umaga naman tanghali na sya kung magising minsan kaya nakakatulog ulet ako pagkatapos kong mag luto at pag gising wala na sya nakaalis na.
Ganun lagi ang senaryo namin araw araw kaya hindi ako nagkakaron ng pagkakataon na makausap sya about sa pakikipag hiwalay.. simula din kase ng matapos ang kasal namin ni hindi kame nag iimikan kahit sa reception mag uusap lang kame sa tuwing kaharap ang parents namin.

Ni hindi nga nya ko magawang tingnan.. Tiningnan lang nya ko ng sabihin ni father na 'You may now kiss the bride' pero tanging sa gilid ng labi nya lang ako hinalikan.

"Tsk! Kung natatandaan nya lang sana nung gabeng hinalikan nya ko na halos ayaw na nyang bitawan ang labi ko." Napangisi ako dahil sa naalala at nauwi yun sa pag tawa napailing nalang ako saka umakyat sa kwarto namin para matulog ulet maghapon mamayang gabe balak kong mag relax at pag sinabe kong mg Relax, Bar ang ibig sabihin nun. Buryong buryo na ko mag isa dito sa bahay siguro naman hindi sya maagang uuwi dahil palagi naman syang madaling araw kung umuwi. Hindi din naman siguro nya ko hahanapin kaya mag liliwaliw nalang ako.

Bago mag 7pm nag punta muna ko sa penthouse ko para magpalet at mag ayos pagka pasok ko palang niyakap ko agad ang mga damet ko.

"Waaaah! Sobrang namiss kayo ni Mommy namiss nyo ba ko?"
Parang tangang kausap ko sakanila.
Ang huling punta ko kase dito nung nag inuman kame ni Antonette pagkatapos kong malaman na si Trayvon ang fiance ko.

Nakaligo at nakapag bihis na ko napili kong suotin ang Black Two Piece Cami High waisted Bodycon Dress saka ko tinernohan ng Black Strappy High Heels at gaya ng nakasanayan ko nakalugay lang din ang buhok ko. nang makuntento ay saka ko naisipang umalis.
Hindi ko ginamet ang kotseng dala ko. Meron akong isa pang kotse na nakapark lang sa private parking lot ng Hotel at yun ang ginagamet ko ngayon papuntang SweetWild.

Pagkababa na pagkababa ko palang ay nakahakot na agad ako ng atensyon lalo na sa mga kalalakihan sanay na ko mga tingin nila na akala mo gigil na mahawakan kahit dulo ng buhok ko pero sorry sila.. kilala na nila ko,
Hindi basta basta nakukuha ang atensyon ko.

Derederetso na din akong pumasok sa loob hindi na ko pinigilan ng bouncer dahil kilala naman na nila ko. Bumungad nanaman saken ang madilim at maingay na paligid na sobrang kinatuwa ng puso ko sobrang namiss ko ang ganito kaya halos bilisan ko ang pag lalakad para marating ang counter nakita ko agad si Macky at Jeff na naka upo sa couch na pwesto namin sa gilid ng counter kaya dun ako pumunta.

Tumayo ako sa harap nila ng naka crossed arms pareho silang nag angat ng tingin na may gulat sa muhka.

"Leigh Ann?" Si Jeff.

The Imperfect Heiress ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon