Chapter 12- New Friend

32 0 0
                                    

Dianne's POV
"Dianne, sayo nalang toh. Salamat sa advice."

Kinausap ako? Ni Zion? Na isang snobber? Bakit?

Anong... anong advice?

"Anong advice yung si-"

"Bye. May pupuntahan lang ako."

"Uy. Wait lang. Sandali lang!!"

Sinundan ko siya pero ang bilis maglakad.

"Uy!! Bilis mo namang maglakad!! Wait nga lang!!"

Halos tumakbo na ko dito para maabutan siya. Ang laki kasi ng steps niya tas ang bilis maglakad.

"Wait lang!! Hoy!!"

Sinundan ko pa rin siya hanggang sa makapunta kami sa parking lot.

Halos tumakbo na ko dito. Ang bilis naman netong maglakad.

"Aray!!!"

Awww. Ang sakit. Nadapa nako dito kakatakbo =_= ang lampa ko.

Di ko na siya naabutan. Kainis naman oh.

Tiningnan ko yung tuhod ko... may dugo.

"Ok ka lang?"

Pagtingin ko kung sino yun nagsalita.... si Zion.

"Aling advice ba yung sinasabi mo?"

"Basta.. tara na nga."

Anung tara?

"Ha? Bakit? San tayo pupunta?"

Hindi siya nagsalita. Bigla nalang niyang hinawakan kamay ko at naglakad.

Alam niyo ba yung feeling na parang nakukuryenta ka? Sakit ba yun sa balat? Aish. Nvm na nga.

"San tayo pupunta?"

Snob na naman.

"Hoy!! San tayo pupunta?!"

Bigla kaming tumigil sa tapat ng black na kotse.

"Sakay."

"Eh san ba tayo pupunta?"

Hindi siya nagsalita at pumunta na agad sa driver's seat.

"Sakay." This time masama na yung tingin niya sakin kaya no choice ako kundi sumakay.

"Oh." may binigay siya sakin na betadine, alcohol, bulak tsaka band-aid.

"Para san yan?"

"Sa sugat mo." Sabi niya.

"Ahh salamat."

Mabait din pala itong nilalang na toh XD

Kinuha ko na yung inaabot niya at nilinis ko na yung sugat ko gamit yung alcohol. Sakit ha. Niglagyan ko na ng betadine tsaka ko pinunasan ng bulak tsaka nilagyan ko na ng band-aid.

Drive lang siya ng drive. Walang nagsasalita. Nangingibaw katahimikan.

"San ba tayo pupunta?"

Biglang tumigil yung kotse sa tapat ng isang...

Isang gate na napakadumi at parang junk shop.

"Uy, bat tayo andito?"

Nako!! Baka patayin ako neto. Baka idouble dead ako dahil makulit ako. Juice colored, sana naman po di po ako maging botcha.

Naglakad lang siya papunta sa tapat ng gate tsaka may kinuha siyang susi sa bulsa niya tapos binuksan na niya yung gate.

"Tara. Wag kang matakot."

The Famous Guy and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon