Chapter 8- Start of being his Tutor

24 1 0
                                    

Start of being his Tutor

Karen's POV

Nagkasakit si mommy. Pumayag na ko sa offer nung bryan. No choice.

Ganto kasi yun....

*flashback*

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom. Actually, maaga pa eh kaso baka andun na yung dalawa.

Habang naglalakad ako, biglang may humatak sakin.

"Bitiwan mo nga ako!!!" Sigaw ko. Kinakaladkad na ko nito eh.

"HOYY!! SABI KO BITAWAN MO KO!!"

Napalingon naman siya.

"Wag mo na kong pinilitin. Payag na ko."

"Psh. Papayag rin pala eh." Sabi niya.

"Nagkasakit kasi si mommy kaya ako pumayag."

"Ok. Tara na." Sabi niya.

Sumunod naman ako sa kanya. Pumunta kami dun sa black door kung san niya ko pinapunta after ko siyang masukahan.

Binuksan niya yung pinto.

Andun yung dalawa pa niyang kasama.

"Pare. Diba siya yung babae nung isang araw. Girlfriend mo na?" Sabi nung lawrence.

"Shut up."-bryan

Kinuha niya yung folder at inabot sakin.

"Pirmahan mo yan." Sabi niya.

"Ano toh?"-ako

"Folder."-siya

"Pipirmahan ko yung folder?"-ako

"Tignan mo kasi yung laman. Tsk." -siya.

Binuksan ko yung folder at may papel.

Nakasulat sa papel...

           
Bryan Samuel Sy will pay Karen Naomi Yoo 5000 pesos a day. Karen is going to be Bryan's tutor until the end of this school year. Every dismissal time, 4:15 pm, thats the time that Karen will going to teach Bryan. There is a punishment if Karen will be late in her work as bryan's tutor.

______________
Signature

"Pasensya na kung may maling grammar."-bryan

"Ikaw gumawa nito?"-ako

"Malamang. Sino pa ba? Tch."-bryan

Pinirmahan ko na yun tsaka inabot sa kanya.

"Bukas ang simula."-bryan

"Ahh. Ano nga pala yung punishment pag nalate ako?"-ako

"Depende. Kung ano gusto kong iparusa Sayo."

"Ahh. Ok."-ako

"Ibalik mo na yan dun sa room."-bryan

Pumunta na ko dun sa room tapos binalik ko na yung folder.

May mga pictures dun. Pictures nilang tatlo. May iba din na solo lang ni Bryan.

Tiningnan ko saglit yun. Parang ang saya-saya nilang magkakaibigan. May mga pictures pa nga dito na bata pa sila eh.

Pagkatapos nun. Lumabas na ko.

At eto na yung part na andito sila sandra at dianne

*end of flashback* 

At ngayon, dismissal na. Hayyy. Sana naman madaling turuan yun -.-

"Goodluck Karen" sabi ni Dianne.

"Goodluck nalang din." Sabi naman ni Sandra.

Pumunta na ko dito sa library dahil sabi niya dito daw ako pumunta.

Time Check: 4:10 pm

Di naman ako late.

Nakita ko ngang andun na siya.

"Start na." Sabi ko tsaka ko nilabas yung notebook ko.

Nagsulat ako sa yellow pad tsaka inabot sa kanya.

"Try mo munang isolve yan tas ieexplain ko sayo yung mali mo at di naiintindihan." Sabi ko.

"Hirap naman nito." Reklamo niya.

"Isolve mo nalang. Daming reklamo."

Sinolve na niya na.

"Ayan na oh." Binigay na niya yung yellow pad.

"Mali."

"Tch."-siya

"Ganto kasi yun..."

Inexplain ko sa kanya kung panu yun isosolve. Ganito, ganyan.

Dun lang ako sa yellow pad nakatingin. Pinopoint ko nalang ng ballpen sa paper para malaman niya kung sang part siya mali.

"Gets mo na?" Tumingin na ko sa kanya.

(_ _")  ("_ _) 

*iwas tingin

Sakin nakatingin at di dun sa papel?!

Awkward.

"Ah eh. G-gets mo na ba?" Sabi ko para di naman masyadong awkward -.-

"Gets ko na."-siya

Gumawa pa ko ng problems para isolve niya.

"Ayan. Solve mo yan lahat." Sabi ko.

"Ano?! Andami kaya nito!" Reklamo na na naman niya -_-

"Reklamo ka dyan ng reklamo. Sagutan mo nalang."

"Gusto ko may prize pag naperfect ko toh." Sabi niya

"Anung prize?"

"Libre mo ko ng ice cream mamaya ^_^" sabi niya.

Ice cream? Parang bata.

"Anung flavor?"

"Cookies and Cream. Fave ko yun." Sabi niya.

"Favorite ko din yun. Sige." Sabi ko.

Nagsimula na siyang magsagot at ganadong ganado.

Pagkatapos niyang sagutan, binigay na niya sakin yung yellow pad.

Aba! Tama lahat ah. Ibig sabihin lilibre ko siya ng ice cream -_-

"Perfect."

"Oh yeah!! Lilibre mo ko ng ice cream."-siya na tuwang tuwa

"Kelan ba?"

"Bukas."-siya

"Ahh ok. Sa history naman tayo mag-aral."

Tinuruan ko na siya ng kung anu-ano about history. At ayun bored na bored.

"Sa wakas. Tapos na din ang history." Sabi niya.

Nireview na namin yung iba pang subject.

"Karen."-siya

"Ano"

"Cellphone number mo."-siya.

"Bakit?"

"Eh pano kita makocontact. Baka mamaya takasan mo ko. Mas ok na yung sigurado."-siya

"Oh. 09*********"

"Ok. Nakasave na."-siya   

Nagreview lang kami nung mga quizzes bukas.

After nun, binigay na niya sakin ung 5000 na sweldo ko at nagcommute na ko pauwi.

                                          
Di naman pala mahirap maging tutor ng isang tulad niya.

The Famous Guy and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon