Chapter 10- Groupings

23 0 0
                                    

Groupings

Dianne's POV

Dalawang subject na nakakalipas wala pa si Karen. Cutting nayun ha or baka umabsent lang. Break time na ngayon.

"May sinabi ba sayo si Karen na aabsent siya?"

"Wala. Di yun absent nakita ko nga kanina eh kaso biglang tumakbo. May kasama pa ga eh."

"Uy sandra, feeling ko nasa-"

"Alam ko. Sa black door. Tss."

"Badtrip ka?" Tanong ko.

"Oo. Nagugutom na ko eh" Sabi ni Sandra.

"Yun lang pala eh. Tara puntahan na natin si Karen."

Bumababa na kami sa ground floor.

Buuksan na sana ni Sandra yung pinto pero pinigilan ko siya.

"Sandra. Kakatok muna dapat. Padalus-dalos ka dyan. Mapapahamak si Karen sayo eh."

"Tsk. Whatever." Sabi niya.

Kumatok na ko sa pinto.

"Sino yan?!" May sumigaw sa loob.

"Kaibigan po ni Karen. Si Dianne at Sandra."

"May po dapat? Magkaka-age lang naman tayo ha." Bulong ni Sandra.

Binuksan na nila yung pinto.

"Nasan si Karen?" Tanong ni Sandra dun sa Lawrence.

"Bakit?"

"Kakain kami." -sandra

"Kakatapos lang niya gumawa ng project ni Bryan." -lawrence

"What?! Bakit naman siya gumawa? Tutor siya at hindi siya slave." -sandra

"Tinulong lang niya si Bryan. Di siya gumawa ng project mag-isa." -lawrence

"Ahh. Nasan na si Karen?" -sandra

"Di ka yata masungit ngayon?" -lawrence na nakasmirk

"Gutom na kasi ako. Di ako nagbreakfast. Wala ako sa mood makipag-away. Kaya pwede ba? Manahimik ka nalang diyan." -sandra

Buti naman at wala sa mood makipag-away si Sandra. Lagi nalang nakikipag-away yan eh. Walang ginawa kundi mang-away.

"Oh? Bat kayo andito?" Biglang sumulpot si Karen sa harap namin.

"Tara na. Kain na tayo. Gutom na ko." Sabi ni Sandra.

"Wait lang. Magpapaalam lang ako."

Nagpaalam na si Karen kay Bryan. Tutor pala siya nung lagay na yan? Slave na ata siya eh.

*****
At the Canteen...

Naka-order na kami ng food at nakahanap na kami ng table.

Obvious na obvious na gutom si Sandra. Daming inorder.

"Karen, tutor ka pa ni Bryan nung lagay na yan?"

"Oo. Weird ng tanong mo." Sabi niya sakin.

"Eh napansin ko lang na parang di ka na tutor ni Bryan. Parang slave ka na niya."

"Hindi." Sabi niya.

"Eh bakit nagpapaalam ka pa sa kanya?"

"Napakabig Deal naman syo non, Dianne. Malamang baka magalit yon pag umalis nalang ako bigla. Tsaka hindi naman ako nagi-"

*ching

Biglang may tumunog na parang message ringtone.

"Narinig niyo yon?"

The Famous Guy and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon