Kabanata 9
Comfort
“Pati 'yung isa sa section diyan sa kabila, may crush din sa 'yo, Ri.” Tumawa ako habang nag-aayos ng gamit.
Kaalis lamang ng aming teacher at pinauulanan na ng pang-aasar si Arri. Hindi lang naman kasi ang kaibigan pala ni Claire ang nagkakagusto sa kaniya'ng babae. Disgust immediately paint on his face.
"Wow. Campus heartthrob ka pala,” si Zy.
Lau smiled in amusement. “Ayaw mo noon? Pogi ka.”
Ngumiwi ang lalaki. Halata ang pagkasuya niya. Inasar pa siya nina Zy.
“They're not my taste, shut up. I mean, girls are not that bad! Nagkakagusto rin naman ako sa babae, but I prefer the opposite... I mean, I am more attracted...” pagpapaliwanag niya na parang naiintindihan nina Zy.
Mas lalo tuloy siyang inasar. Tumawa lamang ako at tinuon ang aking atensyon sa aking gamit. Sinukbit ang aking bag upang umalis dahil kailangan kong mag-aral sa library.
“Hoy, una na ako. Puntahan ko na lang kayo caf.”
Tumango si Lau. Sinulyapan ako nina Arri.
“Go, Leya. Hindi na kami mag-aaral para sa exam, punong puno naman na utak mo.”
Umiling ako sa kanilang biro. Dumiretso kaagad ako pagkatapos doon sa library. I prefer studying at library, quiet and full of books. Mas nakakaintindi ako pag wala ako halos nakikitang tao.
Dahil hindi nga talaga sumisipot si Tristan sa aming last sessions ay ako na lang mag-isa nag-aaral. Ayos lang naman sa akin. Ang iniisip ko lamang ay kung nakapag-aaral pa siya kung ang dami niyang sinasalihang activities.
Hindi naman siya sumasali sa ganoon noon. Hindi nga kami nagtatagpo ng landas dahil laman ako ng mga activities sa campus. Nitong nakaraan lamang siya sumasali sa mga extracurricular activities. I had in the side of my mind that he's just doing it to avoid me.
Ganoon ba siya kagalit?
Huminga ako nang malalim at nagsimulang mag-aral. I don't want to think about the issue between us that much since I might be bothered more. Baka maging maayos din kami sa susunod.
I spent almost of my whole day studying. Halos wala nang pumapasok na teacher dahil binibigay sa aming oras upang mag-aral. It was in favor of me, I felt so drain after all this studying. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko habang naglalakad palabas ng gate.
Nauna sa akin sina Zy dahil tinapos ko pa ang isang lesson ngayon. Kung kasabay ko si Tristan ay siguro natapos na namin naaral iyong dalawang lessons. Tulong kasi kami at kung hindi naiintindihan ng isa ay pinapaliwanag naman ng isa.
I was waiting for my driver when I saw him with his group, heading out of the campus. Naka t-shirt silang pareho ni Cyrus ng sa organizer para sa event ngayon. Kaya wala rin kaming pasok dahil student's day.
There's a lot activities for students but I can't join since I have pile of things to do. Tahimik siyang tumatawa sa sinasabi ni Aiden. Binatukan nga iyon ni Dylan at mukhang nagbangayan sila. My eyes went to Tristan.
He looks fine... I mean, he looks happy with his friends. I couldn't really see the happiness in his eyes that I usually see to the other of people. But given he's secretive and denial of his own feelings, I think that's how he shows happiness. Nakikita ko lang talaga iyon kapag kasama niya ang mga kaibigan.
He is usually cold to other people. Particularly to me. Kung minsan ay masungit at suplado. Funny how I memorize all of things about him. Ganoon ko ba siya ino-observe? Siguro dahil curios ako?
BINABASA MO ANG
Admiring the Scintillating Sunshine (Isla Lavinia Series 1)
RomanceLeighton Yanira Fernandez used to be a great academic achiever through out her life. Anak ng isa sa mga magagaling sa negosyo at matalino sa eskwela, kilalang siyang tuso at magaling magdesisyon. In her young age, she knows how to calculate the cir...