Kabanata 3
Game
“Ano mayroon? Ba't ka pinatawag ni Sir?” salubong ni Arri pagdating ko sa cafeteria.
Lunch break na at nauna silang dalawa ni Zyrill na tumungo sa akin dito dahil pinatawag pa ako ng adviser namin. Lau was not around due to her student council duty. Binaba ko ang pagkain bago maupo.
“Kung sasali raw ba ako sa quizbee sabi ni Sir,” sagot ko.
“Ah, 'yung gaganapin sa RU? Kayong dalawa ni Teijan ang ilalaban? Narinig ko nagkwento 'yun kanina,” Zy said while munching her food.
I shrugged.
“Apat daw ang representative kada school. Ewan ko kung sino pa.”
“Sasali ka? Kailan daw?” usisa ni Arri.
“Wala pang sabi si Sir. I-me-meeting pa lang 'yung mga isasali.”
Ever since I was kid, I'm used with school competition. Maraming papuri na ang natanggap ko ukol sa kakayahan ko sa akademya. Some even suggested me to join pageants because I have the potential to win such title. Hindi ko alam kung nasasabi nila iyon dahil lang sa matalino ako.
But I wasn't interested.
Mas nakatutok ang mata ko sa school contest. Nakauwi ako nang ilang certificate at medalya sa mga sinalihan ko, simula pa nang sa Manila kami tumira hanggang sa lumipat kami rito. Kadalasang pagmay mga ganito ay sa akin lumalapit ang teacher.
I don't really know what they see on me nor what potential I have. Only thing I have is the determination to win in every competition. They said, being competitive will develop so much disadvantages but it's not the case for me. It's different. My competitive side makes me win and it define me.
Nagsimula kaming kumain habang pinag-uusapan ang palapit na final exam. Puro reklamo lang naman si Zy dahil wala pa raw siyang na-re-review at nanganganib raw ang grades niya. Pero hindi rin naman siya nag-aaral. I ended up suggesting that she should balance her time or we could have a group study so I can help.
Habang kumakain ay niligid ko ang aking mata. My eyes keep looking for him, but it seems like Tristan's group is not around. Napaisip ako kung bakit wala sila ngayon dito gayong nauuna pa sila sa amin lagi sa cafeteria. Hindi ko rin alam kung bakit hinahanap ko na naman siya. Parang pagkatapos nang interaksyon namin sa party ay lagi ko na siyang napapansin. Kahit saan ay nakikita ko siya.
And I can't even stop watching him and be amazed. People seems so fond of him because of his skills and genius. At parang wala lang 'yun sa kaniya. He seemed to be used to these compliments. Kahit sa malayo ay ramdam ko ang dilim at lamig ng bawat galaw niya. I barely see him talk. Minsan ko lang din siyang makita na nakangiti. Lagi lang siyang nag-aaral.
It feels like he is isolating himself and only serve his self on studying. Parang lagi siyang may sariling mundo. And what amazed me, how he keeps distance with people. It's a mystery.
Iilan lamang iyon sa napapansin ko sa kaniya. Minsan, halata rin na wala siyang pakialam sa paligid niya. As if, he has mature thinking compared to his friends. Hindi sila pareho ng pag-isip at interes. Parang may pinaglalaanan lang siya ng atensyon. Is he that mature? It made me wonder why he is bothered by what I did? Paanong mature kung gaanon siya ka-petty? Did I caught his attention?
Nang matanto kong wala talaga siya ay nagpatuloy ako sa pagkain. Patapos na kaming kumain nang dumating si Lau. Medyo pawis pa siya dahil sa init sa labas at halatang hingal. She sitted beside me, panting.
“Oh, ano balita? Ang tagal niyo, ah!” si Zy.
“Mabilis lang natapos 'yung meeting kaso sina Carlo nag-aaway naman sa likod ng school. Ang hirap awatin,” she grunted.
BINABASA MO ANG
Admiring the Scintillating Sunshine (Isla Lavinia Series 1)
RomanceLeighton Yanira Fernandez used to be a great academic achiever through out her life. Anak ng isa sa mga magagaling sa negosyo at matalino sa eskwela, kilalang siyang tuso at magaling magdesisyon. In her young age, she knows how to calculate the cir...