Simula

31 8 0
                                    

Simula

It's been three days.

Tatlong araw nang nawawala si papa at walang sinoman ang makapagsabi sa amin kung nasaan siya.

"Sir, ang sabi ay huli daw siyang nakita na pumalaot," Rodolfo said.

I didn't look at him. My eyes darted at the ocean in front of us. It looks so calm that it made me think of the real reason why my father isn't here yet.

"Hanggang saan na ba ang naabot ng search and rescue?" tanong ko.

"Hanggang sa kadalasang pinakamalayong pinalalautan ng mga mangingisda dito sir," he answered

"Wala pa rin?"

"Wala pa ring nakikita sir. Ang bangka na ginamit ng inyong ama ay natagpuang nakataob malapit sa isang isla ngayon-ngayon lang."

Napatingin kaagad ako sa kaniya. Bakit ngayon niya lang ito sinabi? Hindi ba't dapat ay doon mismo sila naghahanap kung saan natagpuan ang bangka ni papa? Bakit ang tagal na ay hindi pa rin nila nakikita?

Anger consumed me thinking that the rescuers are not searching thoroughly.

"Tutulong ako! Saan maaaring makakuha ng bangka?" I asked angrily.

Rodolfo looked at me hesitantly. "Sir, ginagawa na po ng mga-"

"I don't care! Kailangan kong hanapin si papa! Tutulong ako!"

I can see his fear because of my sudden outburst. Looks like he couldn't do anything but to lead me to where the boats were.

"Sir, mag-iingat ho kayo." Rodolfo said as he went back to the shore alone.

I can drive boats. My father used to teach me with these kinds of stuff. I pulled the rope that started the boat's engine. The boat moves faster than I expected. I stood as I looked around the sea searching for a possible sign of my father's disappearance. Rescue boats were there but it seemed like they were just roaming around.

Minaniobra ko ang makina para mas mabilis ang maging pag-andar ng bangka. Kalmado ang tubig na sinasalamin ang kahel na kulay ng papalubog na araw. Habang palalim ng palalim ang paglubog ng araw ay lalong tumitindi ang nararamdaman kong pag-aalala para kay papa.

Lumayo pa ako ng lumayo hanggang lumiit na ang baryo na pinagmulan ko. Halos hindi ko na rin makita ang ilaw na ginagamit ng mga rescuer.

"Pa!" I shouted hoping that he could hear me. "Papa!"

I got no answers but the echoes of my screams. Pinatay ko ang makina. Wala na akong makita kung hindi ang tubig ng dagat. Darkness won against the light brought by the sun. Now, I couldn't see anything. Wala na ang mga ilaw ng naninirahan sa maliit na baryo. Wala na ang mga ilaw na nanggagaling sa mga rescuer.

Ilang sigaw pa ang pinakawalan ko bago ako nagdesisyon na iliko pabalik ang bangka. Sobrang dilim ng paligid. Wala akong dalang ilaw kaya hindi ko makita ang nasa harapan ko. Pinaandar kong muli ang makina.

Halos isang oras na akong nagpapaandar pero parang mali ang daang tinatahak ko dahil puro dilim pa rin ang nakikita ko. Umikot ako at sinubukang tumahak sa ibang direksyon pero parang walang hanggang kadiliman lamang ang naroroon.

"Tulong!" sigaw ko para marinig man lang ng kung sino.

Naupo ako saglit para makapagpahinga. I took my phone out of my pocket. No service. Alas nueve na ng gabi at hindi pa rin ako nakakabalik. Siguro naman ay may mga dadating din para hanapin ako.

I opened my phone's flashlight para magsilbing tanda kung sakaling hinahanap nga nila ako. Tumayo ako at itinaas pa ang cellphone ko. My forehead creased when the engine started making unpleasant sounds. Mabilis iyon hanggang sa bumagal hanggang sa unti-unting nawala.

"Fuck!" I hissed.

Wala nang gasolina. Lumipat ako sa unahan ng bangka. Wala ring sagwan na pwede ko sanang magamit para umandar kahit papaano.

A strong lighting striked followed by a loud thunder. Napailing na lang ako nang maramdaman ko ang mumunting pagpatak ng ambon hanggang sa tuluyan 'yong naging ulan. Muling dumaan ang kidlat at sumunod ang dumadagundong na kulog. Ang alon ay nagsisimula na ring magngalit kasabay ng malakas na ihip ng hangin.

"Tulong!" patuloy ako sa pagsigaw.

Alam kong kailangan ko nang makabalik dahil mapanganib ang nagtataasang alon. Sunod sunod na rin ang kidlat na sumasalamin sa tubig dagat.

Humigpit ang hawak ko sa gilid ng bangka dahil patuloy ang pag-uga no'n na para bang sinasadiya akong ihulog. Basang basa na ako. Ang liwanag na dala ng kidlat ay nagbibigay sa akin ng kakaibang takot. Binalot ng lamig ang aking buong katawan.

Pinipilit kong balansehin ang bangka dahil alam kong anomang oras ay maaari itong tumagilid at tumaob pero hindi ako nagtagumpay. Parang nagsanib ang alon at hangin sa pagpapataob sa bangka na sinasakyan ko. Kumapit ako sa bangka pero masiyadong malakas ang bawat hampas ng alon sa akin. Hindi ko magawang idilat ng maayos ang mata ko dahil sa malakas na ulan.

I shouted as loud as I could so anyone could hear me, but nobody was there. Waves hit my body continuously that it made me loosen my grip on the upside down boat.

I lost my hold and the waves continued hitting me. My body felt so cold. I am afraid that the lightning might strike on me so I tried my best to swim even though I couldn't see anything but darkness and terrifying lights of the lightning. Kasabay ng malakas na kulog ay ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. I have never felt so afraid in my life.

Marami na ang nainom kong tubig, napagod na ang kamay at mga paa ko sa paglangoy. I guess this is really the end for me. I stopped moving. I closed my eyes and let my body be pushed by the raging waves.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Island of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon