prologue

13 1 4
                                    

"Congratulations, Architect Herera!" Salubong sakin nila tito.

Wow, I'm architect now. A licensed architect.

Nakangiti akong lumapit at niyakap sila. Hindi pa ko pa din alam kung paano ko susuklian ang ginawa nila para sakin.

Wala akong magulang. I'm an orphan.

My dad got killed when i was 5. Hindi ko alam kung saan ako pupunta that time, i was just 6 when my mom left me alone. One year pa lang ang nakakalipas pero iniwan na din ako ng nanay ko.

Funny right?

Pumunta ako ng simbahan. Nag-aantay nang kukuha sakin, alam kong mapupunta ako ng ampunan, and it happened.

Tita grace adopted me. Noong una ay ayaw ni tito Denvi sakin pero syempre, ginawa ko ang lahat para makuha ang tiwala niya.

They help me with my studies, they became my guardians. They treated me like their own child and I'm happy about it. I graduated and topped the board exam.

We had a mini celebration. Hindi na nag-imbita pa dahil gastos lang, ayokong magpakain ng mga taong walang ibang ginawa kundi ibaba ako at husgahan.

After lunch, agad akong nagtungo sa dating kumupkop sakin. Ang bahay ampunan. Fifteen years since i left my so called 'home'.

"Ang architect ko!" salubong ni ate Klea sakin. Agad siyang lumapit sakin at yumakap.

Siya ang nakakita sakin sa simbahan, isa din siya sa mga nakasama ko sa loob ng ampunan. Mas pinili niya nga lang ang mamalagi at mag-alaga ng mga bata kesa ang mag paampon sa isang pamilya.

"Ate," tawag ko at inilayo siya ng bahagya sakin. "Asan ang mga bata? May pasalubong kasi ako." Ngiting sabi ko.

Bilang pag diwang sa nakamit ko, gusto ko din na maibahagi ko sa kanila iyon. Kahit sa simpleng regalo at pagkain lang.

Pumasok na kami sa loob, agad na bumugad sakin ang mga ngiti ng mga bata. May lumapit saking isang babae at isinabit ang hawak na kwintas na gawa sa mga bulaklak.

"Congratulations," masungit na sabi nito.

Siya si Natalie, anak mayaman kaya masungit. Iniwan siya ng mga magulang niya noong nakaraang taon sa tapat ng ampunan bago maghiwalay.

I really don't get it. Why do parents sacrifice their child when they're still not ready for responsibility?

I hugged her and thank her.

Mayamaya, Hinain na ang mga pagkaing dala ko at sabay-sabay na kumain. Busy ang lahat at may kanya kanyang pinag uusapan. Ang mga bata naman ay masayang hawak ang mga mumunting laurang dala ko.

"Alixia, gusto mo bang maging volunteer? Lagi ka kasing nandito tapos may dala ka pang mga pagkain. Baka gusto mo din na makatulong sa iba? Free ka?" Sunod sunod na sabi ni Klea.

Nakatingin sakin ang iba pang mga katulong niya sa ampunan. Ang iba ay nakangiti at ang iba naman ay may kyurusidad sa mga mata.

When I was a child, really Want to be one of them. I want to help others like want they did to me.

"Of couse, saan ba? Alam mo naman na gusto kong tumulong 'di ba?" Sagot ko.

"Ah, sa Masbate. Libre naman ang lahat, ang titirhan at mga pagkain. Kulang kasi kami sa mga volunteer ngayon. Mga isang linggo lang naman tayo, okay lang ba?" Nagdadalawang isip na tanong ni Klea.

Ngumiti ako at tumango.

Tita Grace wouldn't mind. I guess.

Agad akong umuwi upang makapaghanda. Nasabi ni Klea na bukas ang alis, medyo nagalit pa ako dahil huli na siya nagsabi. Kailangan ko pang magpaalam ng maayos.

Ipinaalam na rin ni Klea sa head official nila na sasama ako bilang volunteer, agad namang payag ito. Inaayos ko na ang mga damit ko nang bumukas ang pinto ng kwarto.

"
Ali nakuha ko na ang pera na padala sayo—" hawak niya ang sobre na may pera. Nahinto si Tita sa sasabihin dahil sa ginagawa ko.

"Volunteer?"

Tinitigan ko lang siya at unti-unting tumango. Alam kong ayaw niya ang umalis ako sa tabi nila, ngunit alam ko rin na hindi nila ako pipigilan.

"Ingat ka doon ha? Saan ba ang destinadyon niyo ngayon?" Umupo siya sa tabi ko.

"Sa Masbate raw po."

Nagpatuloy ako sa pagiimpake ng gamit ko.

"Masbate..? Mukhang malayo-layo, anak. Sigurado ka ba?"

"Tita, I'm okay. I want to help. May mga kasama naman daw po kaming mga opisyal doon kaya safe kami. And I'll call you if I have chance." I assured her.

"Pakisabi na lang din po kay tito na aalis ako, tsaka po iyang pera ay iiwan ko na lang dito."

Agad na umapila si tita, magdala raw ako kahit kaunti. Panggastos sa araw-araw.

Gagawin ko na lang sigurong bakasyon itong volunteer works na ito para naman maging masaya ako kahit saglit lang. Matakasan lang ang haharapin kong problema.

After packing my important things, i prepare for bedtime. Kailangan kong maging maaga para bukas, ayokong ako ang iintayin.

Habang tinutuyo ang buhok, tumunog ang phone ko. Dali dali ko itong kinuha sa akalang si Klea ang nagtext ngunit hindi.


Unknown number:

I will take you back at all cost Alixia. I still love you and you can get rid of me.












Captain In Charge(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon