01

10 1 3
                                        

Kinabukasan, Sinundo na ako ng mga kasama ko. Busy ang lahat, inaayos ang mga gamit habang nag aantay kami ng sasakyan.

Nasabi na sakin na hindi kami gagamit ng eroplano bilang trasportasyon kaya dalawang araw bago kami makakarating sa pupuntahan namin.

Nakasakay na kami sa service na bus. Mahigit 50 kaming mga volunteer, ang iba ay may edad na at ang iba naman ay kaedaran ko. Nagpahinga kami at natulog kahit papaano upang magkaroon ng lakas para sa byahe.


Madaling araw na nang makasamay kami sa barko patungong Masbate. Nakapagpahinga kami ng maayos ngunit kailangan naming ayusin ang mga gamit na kakailanganin sa operation.

Maraming bata raw ang kulang sa vitamins sa lugar na iyon, kulang sa pagkain at laganap ang mulnutrition.

Pumasok ako ng stock room upang tingnan ang mga pagkain at gamit sa loob kung sakto, kailangan kasi ito sa inventory.

"Architect Herera?" Napahinto ako sa paglilista.

"Volunteer din kayo?" Natutueang sabi nito.

"Ah, Oo."

"Wow. Ah, ako nga pala si Caleb. Naging classmate kita 2nd sem, kaso baka di mo na ako naaalala."

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Pagkatapos sa gawain, ay lumabas na ako.

Nagtimpla ako ng kape at saka umupo sa harap ng barko kung saan matatanaw ang palubog na araw.

Ano mang oras ay makakarating na kami sa lugar na iyon, wala kong masiyadong alam dahil ayaw ipaalam ng head official. Mas mabuti na raw na doon na namin malaman.

"Sa tingin mo ba ay okay lang ang gagawin natin?"

"Bakit naman hindi?"

"Wala tayong alam sa pupuntahan natin, hindi pwedeng magsalita tungkol dito sa labas o pagkatapos ng operasyon na ito." Sabi ni Ella.

Totoong wala kaming alam tungkol sa volunteering na ito. Dahil doon, mas nanaig ang kagustuhan kong tumulong.

"Ang mahalaga ay makakatulong ako sa iba, kung ito ay delikado, handa pa rin akong tumulong." Sagot ko.

Gaya ng sinabi ko, nakarating na ang barko sa daungan. Agad kaming nilapitan  ng mga helpers na kasama sa operation na ito.

May mga sumalubong sa aming mga bata na may hawak na kartolina bilang pagbati.

Dala-dala ang mga bagahe, bumaba na ako ng sasakyan. Sumunod naman sakin si Ella na may bitbit ding mga bag.

"Ito ba ang sasakyan natin?woah.."

Napalingon ako kay Caleb na sumulpot sa tabi ko.

Isang sasakyang pang militar ang nasaharap namin, malaki ito at mukhang kakasya ang mga sampung tao.

"boss!" napalingon kami sa kaasama naming bumati sa isang sundalo. Tumakbo si Warren patungo sa sundalo.

Bumaba ang sundalo at saka sinalubong ang bumati sa kanya. Bago pa naman makalapit kay warren ang sandalo, nahuli kong nakatingin sakin ang lalaki.

I started to put our bagages on the truck. I feel someone is watching from behind.

"Miss Ali, kanina pa nakatingin sayo yung sundalo.." pagkuha ni ella sa atensyon ko, ramdam kong natatakot siya kaya hinawakan ko ang kamay niya bago tumingin sa sinasabi niya.

Nakatingin nga ito sa akin ngunit masyadong seryoso ang mukha niya. Ibinaling ko ang aking tingin kay ella at ngumiti.

"wag kag matakot, mukhang mabait naman yun e." i assure her.

Captain In Charge(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon