After a week, I received calls from my agency that some pre shoots will start. Maglalaunch na kasi ng new face product ang Celestial and luckily, ako ang magiging model nito. Kaya sinimulan ko na rin ang pagpunta sa company ng Celestial para mameet ang mga makakasama ko. Si Mavin naman ay iniwan ko kay Iris dahil nasa hotel lang naman siya.
“Good morning, Mavis!” my stylist greeted me pagkapasok sa kwarto kung saan gaganapin ang photoshoot.
“Good morning, Candy.” ngiti ko sa kanya at inilapag ang aking bag sa lamesa.
The room was full of rose flowers and it smells so amazing. The new face product is a face moisturizer with rose extract kaya maraming rosas bilang design sa photoshoot.
Nakahanda na ang mga ilaw at camera para sa photoshoot kaya pinaupo na ako para ayusan. It's my second time na magshoot dahil ang una at simpleng photoshoot lang naman dahil ayon ang magiging introduction ko bilang isang bagong model at ambassador ng Celestial sa Pilipinas. It was nice and overwhelming. Nakikita ko na ang iilang ads na nagbibigay ng katanungan sa mga tao kung sino ang bagong model at ambassador ng Celestial.
Sa mismong araw na ilalabas ang product ay doon din ilalabas ang pagpapakilala sa akin. Next week pa naman 'yon kaya talagang pinaghahandaan.
“Hindi ka talaga mahirap ayusan..” Candy said and smiled at me.
“True ka jan, Mama Kends.” pag sang ayon ni Berta na make up artist ko. Napangiti ako sa sinabi nila.
“Talagang papatok ka sa mga lalaking model, bente tres ka pa lang di ba?” Candy asked.
Tumango ako at tumawa. As if I am interested in male models.
“You are too young and very beautiful, nasubukan mo na bang mag pageantry? Baka ikaw ang mag uwi ng Miss Universe Crown kapag sumali ka!” dagdag na tanong niya pa.
Umiling ako.
“I have no interest in pageantry,” sabi ko sa kanila.
“Sayang! Beauty, brain, body and values! Pasok na pasok sa beauty contests.” sabi ni Berta. Natawa na lang ako.
Hindi ako pasok sa beauty contests dahil mayroon na akong asawa at anak. Hindi 'yon pupwede sa mga beauty contests.
Nang matapos ang aking hair and make up, isinet up na rin ang aking damit. I love how Candy curled my hair and added some hair extensions. It was a soft glam to fit in the colors of the roses.
My outfit was incredible and I love it! It looks like I am living in the farm. Beige color of peasant dress and red corset. Isinuot din sa akin ang isang panyo na kapares ng kulay ng corset.
I looked so dazzling in this type of outfit. Binigyan ako ng basket na may lamang roses at nandoon ang face moisturizer.
“1 minute before the shoot. Mavis, pwesto na.” utos ng leader ng mga camera man.
Dahan dahan akong pumunta sa gitna ng mga rosas. Ginawa ko ang mga utos nilang poses and thankfully, lahat 'yon ay nagkaroon ng perfect shot.
“Nagmodel ka na ba dati?” Kuya George asked, the camera man asked. Umiling ako at ngumiti sa camera.
“You are good. Parang lahat ng angle ay maganda ka pa rin tignan. Parang si Chimmy,” he added.
“Thank you po!” napangiti ako sa sinabi niya.
“Ang three aces ng Celestial, katulad mo rin, hindi mahirap anguluhan dahil talagang maganda na..” sabi pa ng isa.
I knew them, Chimera, Stellar and Brine, ang aces ng Celestial. They are the new models na talagang hindi mo aakalain na baguhan pa lang. I felt proud dahil nailevel ako sa kanila.
YOU ARE READING
When Things Fall Apart
Romance[THROE SERIES 4] Her dreams mean everything to her but he is her treasure to keep forever. She chose to be with her treasure than to reach her dreams. Mavisse Elissandria Buena, an intelligent woman who chose love over her dreams and careers. She c...