Mas lalo akong naging busy dahil sa commercial shoot at inaabot ako hanggang ala sais ng gabi. Mabuti na lang at nakahanap na rin ako ng personal assistant para sa schedules ko at para na rin may katulong ako sa bawat gagawin ko.
“Mavis, may meeting ka with Ma'am De Dios at 3 pm, kasama ang mga sponsors at directors ng iba't ibang shows.” sabi ni Piya sa akin at ngumisi.
She suggested herself dahil wala naman daw siyang magawa sa buhay niya, she's free for me raw.
She's the daughter of a business tycoon and really living her life to the fullest dahil single and no worries daw siya. Halos matawa nga ako dahil mas maganda pa ang kotse niya sa akin at hindi mo siya matatawag na personal assistant dahil mas maporma pa siya sa akin.
“Ayon lang ba sunod ko na schedule ko ngayong araw?” tanong ko sa kanya habang inaayusan ako para sa isa pang commercial shoot.
“Oo, after your meeting, pwede ka na umuwi.” she said and winked.
Noong isang araw ko pa lang siya naging PA pero halos kachikahan na niya lagi ang mga stylist ko at mga kasama namin sa shoot. Ayos na rin dahil may tiwala ako sa kanya dahil kaibigan ko siya simula noong college ako.
She grew a lot, she's really pretty and jolly. Kahit na nasa Michigan at France ako ay nag uusap pa rin kami. Kinuha ko silang dalawa ni Chase bilang Ninong at Ninang ni Mavin. They are my only friends na talagang hindi ako iniwan mag isa sa ere. I thank God for giving me them.
“Di ko alam kung bakit ka pinagpalit ni Stefan sa mukhang hipon? Eh halos na sa'yo na lahat!” bulong niya sa akin at tumawa.
“Baka first love never dies?” sagot ko sa kanya at natawa rin.
“What a joke! First love really dies from the moment you find your greatest love!” she said.
“Am I even his greatest love?” natatawang tanong ko sa kanya, sumimangot siya at pabirong kinurot ang tagiliran ko. Lalo akong natawa.
“Gago ka, bakit ka pinakasalan at bakit kayo nagkaanak kung hindi ka mahal?” inis na bulong niya sa akin.
I shrugged. Bumalik na ako sa pwesto ko para matapos na rin ang photoshoot.
Nakakatuwa dahil hindi ako nahirapan makihalubilo sa mga kasamahan ko dito. Kahit nagphohotoshoot ako ay nag uusap usap kami at nagtatawanan. Inutusan ko si Piya na bumili ng pagkain para sa aming lahat at ganon na nga ang ginawa niya. Umorder siya ng sandamakmak na pagkain at halos lahat kami ay busog na busog.
Naikwento ng ilang camera man at stylist na pahirapan makapasok sa Celestial, si Mrs. De Dios ang talagang naghahanap ng mga model na alam niyang pasok sa kaniyang standards. Kung makakapasok ka man bilang model sa Celestial ay talagang malaking exposure na 'yon dahil kilala sa buong mundo ang mga produkto ng Celestial. From lingeries to beauty products. Ang alam ko ay baka maglaunch din sila ng clothing line with their different designers. Leigh is one of their designers and I am excited about it.
Pumasok ako sa banyo para mag ayos ng sarili dahil mayroon akong meeting pagkatapos. Bahagya akong nagulat ng may babaeng lumabas sa isang cubicle. Her black hair with red highlights are really looks amazing! Napatingin siya sa akin. She smiled and tumabi sa akin sa harap ng salamin.
Her skin screams very soft, she's taller than me at talagang makikita ang hubog ng katawan.
I watched her remove her contact lenses. Nagtama ang mga mata namin sa salamin at mabilis akong napatingin sa kanya.
YOU ARE READING
When Things Fall Apart
Romance[THROE SERIES 4] Her dreams mean everything to her but he is her treasure to keep forever. She chose to be with her treasure than to reach her dreams. Mavisse Elissandria Buena, an intelligent woman who chose love over her dreams and careers. She c...