Chapter 15

1.4K 70 4
                                    

***

BRYNON

"Hindi ko nagustuhan ang mga napili mo, Sorcha. Lalo na ang Maudi na 'yon." Galit na bulong ko sa kaniya.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya napasama sa mga napili nila. They shouldn't decide without me, I'm the president!

"You were late, I hate waiting. You know that." Bakas sa tono niya ang inis.

"And, so? Sa susunod, matuto kang maghintay. I'm already here before you came." Tinabunan ko siya ng masamang tingin bago tumalikod at umalis.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang isang babaeng tumatakbo. Siya 'yong isa sa mga napili kanina, si Maudi. My brother likes her, he's weird.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nakita ko ulit siya. Nakatayo sa harap ng Falkor's Tower. Ito ang pangalan ng tore dahil sa estatwa ng dragong si Falkor sa pinakatuktok nito.

Our legends say that it's still alive. And who the hell will believe that? Napailing akong tumingin sa kaniya habang pinapanood siyang pumasok sa toreng 'yon.

"Ano bang pakay niya?" tanong ko sa sarili ko.

"Bakit mo siya tinititigan?" isang boses babae ang sumulpot sa gilid ko. Hindi na ako nagtaka kong kaninong boses 'yon galing.

She playfully smirked, "Gusto mo siya?"

"What kind of question is that, Rav?" I really sound pissed off.

"Malay mo, ma-develop." Tumawa siya.

"Ma-develop your face." Kaagad akong umirap.

"Napipikon ka na naman, chill!" Humalakhak siya at tinapik ang balikat ko.

"So, you're still leaving?" I suddenly changed the topic.

"Siguro. Sa susunod na linggo, bakit? Sasama ka?" Mahina siyang tumawa.

"I wish.."

"I wish daw, how can you ever leave this place?" tanong niya.

"I wanted to stay here, this is my home." I lied. She hummed before letting out a chuckle.

"Is it? Since when this place become your home? This is hell." Naglakad siya sa hallway kaya sumabay na ako sa kaniya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Take care of her. Be nice to her. Protect her for me, Brynon." I felt like she's referring to someone with that 'her'.

"And why the hell would I do that?" I rolled my eyes dramatically.

"Kasi sinabi ko, tanga ka ba?" Agad niya akong binatukan. Ang sakit, ah. This girl is crazy.

"Just because you told me to do it, it doesn't mean to have to protect her. May mga kaibigan naman siya. She have her own team." Pag-angal ko. She smirked.

"Traitors, betrayers. You'll see, Brynon. She doesn't belong with her team, she belongs with us." She said, being deep. Kumunot ang noo ko at humarap sa kaniya.

"What.. do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Malalaman mo rin," Ngumiti siya sa 'kin bago umalis. Sinundan ko nalang siya ng tingin.

THIRD PERSON'S P.O.V

"She's a Deity, dad." Tugon ng isang babae sa ama niya.

"And?"

"K-kalaban siya, Dad." Saad ng babae, nakatungo siya dahil sa takot.

"I know, what's the purpose of you telling me this?" The man hissed.

"Pinapaalam ko lang, Dad. A-and, she's a student of RU." Tugon ko.

"Ano? Hindi niya p'wedeng malaman ang tungkol sa pagkatao niya!" Nagulat ang babae sa biglaang pagsigaw ng ama niya.

"W-we will try our best para hindi niya malaman," Aniya.

"You should, Nyv. She can be our downfall." His father hissed before leaving the room.

"We're dead," Saad ng nakababatang lalaking kapatid nila.

"I'll do everything, don't worry."

***

Red UniversityWhere stories live. Discover now