Entry #1 [Edited]

50 2 0
                                    

Almost two years na kitang kaklase. Pero this year lang tayo naging close. Salamat sa major natin at naging magkatable tayo kaya madalas na tayong nagkakasama.

You're a carefree student. Easy go lucky lang. Pero you're a certified gentleman. Matulungin sa kahit sino. And I'm sure na madaming nagsasabi sayo niyan.

Tuwing nagluluto tayo sa major, ikaw yung isa sa madaming naitutulong. Makulit ka, kahit nagluluto nangungulit ka pa din. Tawa dito, tawa dun. Lalong napapagaan yung mga mahihirap na activities natin dahil masaya lang tayo kapag nagluluto.

Nung nagfinals tayo, nag-iba tayo ng group kaya napunta ka sa Group 3 ako naman sa Group 1. Masaya naman sa group namin pero kulang ng pangungulit mo. Wala ng nang-aasar tuwing magluluto. At hindi mo na din ako pinapansin.

Sino nga ba ako? Kagroupmate mo nga lang pala ako at yun lang ang turing mo sakin. Bakit mo pa ako kukulitin kung may iba ka namang makukulit diyan diba?

-Nikki

Entries of AdmirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon