Bago matapos ang school year nalaman ko na mahal mo pala yung tinuturing kong bestfriend. Akala ko good friends lang kayo pero it was more than that pala.
Nung kwinento ng kaibigan ko sa school, wala lang. Nagpanggap nalang ako na hindi masakit. Pero pag-uwi ko, kusa ng nahulog yung mga luha ko.
It hurts na yung mahal mo iba yung mahal niya. Pero what hurts the most e yung mahal niya yung taong pinagkakatiwalaan mo ng sobra. Why does this have to happen? Ano bang ginawa ko? Bakit kailangan ganito kasakit?
Ilang gabi pa ba ako iiyak para sayo?
- Nikki