Birthday mo. Kumain tayo sa inyo. Yaman niyo nga sa pagkain eh. Nag-inom kayo nun, gabi na pauwi na kami pero sumama ka pa. Nag-inom lang tayo sa tricycle nun. That was one of the happiest days of my life.
We were so close that night sharing a bottle of alcohol.
Nakakatuwa kasi nag-aksaya ka lang ng pamasahe. Sumama ka pa sa paghatid sa amin.
After that, we became even closer. Your actions were so sweet and caring. Or ganon ka lang talaga sa lahat?
Then one day, magkatabi tayo nung values. Nagpapatulong ka sakin sa assignment sa English. May sinabi ka sakin na may alam kang secret ko. Nagulat ako kung paano mo nalaman yung secret na yun e hindi ko naman sinasabi sayo.
I was ashamed. I felt something weird. Nagalit ako dahil nalaman mo yun. Then nagsorry ka ng nagsorry. Your actions.. May mga meaning ba yun?
Starting that day, you were always my dream. Palagi mo nalang iniinvade yung utak ko.
Bakit ka kasi ganyan? Ayokong maramdaman to pero please lang. Lumayo ka naman sakin.
- Nikki