Entry #3 [Edited]

38 2 0
                                    

Major ulit. Nagpreserve tayo ng meat. Umalis ka kasama nung isang classmate natin dala mo yung bag mo. Akala ng buong klase umuwi na kayo pero 30 minutes pa tayo bago madismiss. Kaya pinahabol kayo samin. Lumabas kami sa Gate 2 at tumakbo papunta sa Gate 1. Malayo layo din yun at nahirapan ako kasi may hika ako. Pero para sayo hinabol ko kayo, kasi sabi ni Ma'am kapag hindi daw kayo bumalik, hindi ka na niya papapasukin. Bumalik na kami ng room ng classmate natin at hindi pa din namin kayo nahabol. Kaya pinatawagan nalang kayo at tinanong kung nasaan kayo. Then dumating na kayo at sinermunan ng teacher. Kayo naman sorry ng sorry.

Nung 12 na at nakalinis na lahat ng cleaners, paalis na lahat ng students ikaw nakaupo lang dun sa silya. Tinanong kita, Hindi ka pa ba aalis? Tapos sabi mo hindi pa. Nasa labas lang ako ng pinto nun, may hinihintay na classmate tapos nung kakaunti nalang yung tao pumunta ka sa tabi ni Ma'am at may sinabi ka.

Tapos nalaman ko nagsorry ka pala.

Natutuwa ako kasi tinatanggap mo yung pagkakamali mo. At dahil diyan nadadagdagan na yung reasons kung bakit inaadmire kita.

- Nikki

Entries of AdmirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon