Entry #2 [Edited]

30 1 0
                                    

Simula nung hindi na tayo naging magkagroup sa major, naging katabi naman kita sa isang subject.

Kahit isang oras lang sa isang araw nakakatabi kita at nakakakwentuhan okay na ako dun. Nagtatawanan tayo at nangingiliti ka, masaya na ako dun. Naalala ko pa pala nung nilalaro mo yung taba ko sa braso at naiiyamot na ako pero ikaw, tuwang tuwa ka.

At dahil naman sa pagiging seatmate kita, nagiging close pa tayo lalo. Or ako lang ang nagsasabi na close tayo?

Everytime na magkakasalubong tayo nakahanda na yung kamay mo para makipag-apir sakin. We laugh at the same jokes and share our own stories. Madalas kapag hindi tayo nakikinig kay Sir, nagkwekwentuhan nalang tayo. Madami dami din akong nalaman sayo.

And that made me admire you more.

- Nikki

Entries of AdmirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon