"Yes babe, I can't really wait to see you." Ang lawak ng ngiti ni Audric nang sabihin niya ang katagang ito sa long-time girlfriend, na ngayon ay fiancee.
Nalalapit na ang kanilang kasal, isang linggo na lang at magiging kaniya na ang dalaga. Hindi siya makapaghintay na magsasama sila sa iisang bahay at matutulog sa gabi na kasama ito.
"Same here, babe. Pipirmahan ko lang 'yong contract ko rito sa Paris at aayusin ang mga schedule ko then uuwi na ako diyan sa araw mismo ng wedding natin."
Napabuntong-hinga si Audric sa sinabi ni Ivony pero hindi na siya umimik. Ganito niya kamahal ang babae kaya lahat ng gusto nito, nasusunod. Pwede itong hindi magtrabaho dahil kaya niyang ibigay lahat ng mga gusto nito pero wala siyang magagawa. Nagmahal siya ng Model. Mahilig ito sa spotlight at isa sa gusto nito, laman lagi ng internet.
"Babe, I love you so much! Don't worry, kapag kasal na tayo. Hihinto ako sa modeling ko for 1 year para makasama ka."
Napangiti naman siya. "Really?"
"Yes!"
Natawa siya sa matinis na boses ng babaeng mahal niya. "Okay-okay, babe. I will call you later, ha? Papunta ako sa office ni Dad ngayon. pinapatawag niya ako. Baka babalaan niya akong huwag ituloy ang pagpapatali ko sa'yo."
Ang lakas naman ng halakhak nito sa kabilang linya. "Silly! I love you more, Audric."
"I love you everyday, Ivony." And he meant it. Totoong mahal niya ito sa bawat araw-araw. Si Ivony ang sentro ng kaniyang buhay kaya hindi niya maiisip ang buhay niya 'pag wala ito.
Binaba niya na ang kaniyang phone at nagseryuso sa pagmaneho. Nakapaskil pa rin sa labi niya ang ngiti na tanging si Ivony lang ang nakakagawa.
MATAPOS makausap ang kaniyang Ama sa opisina nito, deretsong tinungo ni Audric ang kaniyang sasakyan sa parking lot. Inanyayahan siya ng kaniyang Ama na bumisita sa bahay nila sa San Simon at hinahanap siya ng kaniyang aguela at aguelo. Nangako siya sa Ama niya na bibisita siya ro'n sa bukas bago ang kaniyang kasal. Ayaw niyang magtampo ang mga ito.
Eksaktong pagpasok niya sa kaniyang bagong sasakyan nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang pangalan ni Ffion sa registered number. Nagdalawang isip siyang sagutin ang tawag ng dalaga pero sa huli ay pinindot niya ang answer button.
"Adi!"
Napailing si Audric sa matinig na boses nito. Ffion was his bestfriend. 'Was' for past tense. Kababata niya ito at matalik na kaibigan. Nag-away sila ng dalaga dahil sa hindi pagkakaintindihan. Pinutol nito ang kanilang pagkakaibigan at hindi ito nagpakita sa kaniya ng dalawang buwan.
"Yeah?"
"Sorry for messing up with you."
Napabuntunghinga siya. "Where are you? Isang linggo na lang kasal ko na. Tatanggapin ko lang 'yan sorry mo kapag nagpakita ka sa araw mismo ng kasal ko."
Mahabang katahimikan ang namagitan bago sumagot ang dalaga sa kabilang linya. "Yep-yep! Kasal ng best friend ko iyon kaya dapat present ako that time."
"Good." Napangiti na siya. Sinimulan niyang paganahin ang makina ng kaniyang sasakyan. Dadaanan niya pa sa Mall ang kaniyang Ina kasama ang mga kaibigan nito. Nag-absent ang kanilang family driver at ayaw nitong mag-taxi.
"Adi..."
"Oh?"
"Sure na ba talagang magpapakasal ka?"
Napabuntunghinga siya. "Iyan ka na naman Ffion. I thought you like Ivony for me?"
Tumawa naman ito sa kabilang linya. "Yeah, yeah. I'm just messing your mood. I miss you!"
"I miss you too."
"And I'm sorry..." seryusong saad nito.
"Ha?"
"I'm sorry kung naging selfish ako. I promise magpapakita ako sa kasal niyong dalawa."
Natawa naman siya. Nawala ang pagtatampo niya sa dalaga at sa dalawang buwan na pang-iiwas nito sa kaniya. "Okay-okay. Asahan ko 'yan, ah?"
"Yes." Saka ito nawala sa kabilang linya.
Napailing na lamang si Audric na nilagay sa dashboard ang cellphone. Spoiled brat ang dalaga at nasanay na siya sa pagiging matigas nito ng ulo pagdating sa kaniya. Matanda siya rito ng limang taon kaya siguro ganito ito umasta sa kaniya. Pero mabait ang dalaga. Sweet and innocent ang dating nito sa ibang tao pwera sa kaniya.
Hindi alam ni Audric na iyon na ang huling araw na makikita niya lahat ng kagandahan ng mundo. Hindi niya namalayan ang taong kanina pa nakasakay sa likuran ng kaniyang sasakyan at bigla nitong binombahan ang kaniyang mata ng malakas na uri ng chemical. Napasigaw siya sa sakit pero kasunod niyon ay isang malakas na palo sa kaniyang ulo para mawalan siya ng ulirat.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)
General FictionSa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niy...