Kabanata 21 - Maligo Sa Ulan

2.6K 149 21
                                    

PERO ANG plano nilang mamasyal ay napurnada nang umulan ng malakas sa hapon iyon. Walang magawa si Ffion kundi ang mapalupaypay habang nakamasid sa labas ng bintana. Nagpalit pa siya ng damit at sinigurado niya na talagang dinala ang kaniyang cellphone para makunan at ma-record niya ang pamamasyal nila ni Audric sa araw na ito.

Hindi ka naman nakisama, ulan... Napasimangot siya habang nakatingin pa rin sa may bintana.

"Malakas yata ang ulan." Nagsalita si Audric. Nasa dulo ng hagdanan ito. Kakababa lang.

"Oo. M-malakas talaga."

"Pero gusto mo pa rin mamasyal?"

"Ha?" Napalingon siya rito nang wala sa oras. Paano sila mamasyal sa labas kung ganitong malakas ang ulan? Sinasabayan pa ito ng malakas na hangin kaya alam niyang mangangatal lang sila kapag lumabas sila.

"I'm thinking to play in the rain."

Nalaglag ang kaniyang puso sa sinabi ng lalaki. Kung alam lang nito na matagal niya ng gustong maligo ng ulan pero dahil natatakot siyang pagagalitan nito kaya hindi niya magawang maligo ng ulan.

"A-are you sure?"

Nagkibit naman ito ng balikat. "Yeah. Pero kung ayaw mo—"

"Hindi! Gusto ko! Gusto ko maligo ng ulan."

Ngumiti ito at natawa sa kaniyang naging sagot.

Ngumiti siya? At tumawa pa!

At ang kawawang puso ni Ffion, nagwala na naman sa ilalim ng kaniyang rib cage. Literal na nakakita siya ng mga puso sa gwapong mukha ng lalaking mahal niya. Parang nag-slow motion ang lahat ng bagay at naka-focus lang ang kaniyang tingin dito. Ganito pala ang epekto ng ngiti ni Audric sa kaniya na matagal na nitong pinagkait sa kaniya...

"Hey? Ffion?"

"Y-yeah!"

"Tinatanong kita."

"A-ano 'yon? Sorry." Kaagad niyang pinilig ang kaniyang ulo at inayos ang sarili. Hindi naman masyadong halata na nilalamon na naman siya ng sistemang kinikilig siya sa kaharap na lalaki. Walang pinagbago. Simula noon ng bata pa sila hanggang sa lumaki siya, gano'n pa rin ang epekto ni Adi sa kaniya. Mas lumala lang ngayon.

"Ligo na tayo." Naglahad ito ng kamay.

Awtomatikong napatingin siya roon at walang pagdadalawang isip na tinakbo ang kinatatayuan nito at agad na inabot ang kamay ng lalaki. Mahigpit naman na hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang nagtungo sa labas kung saan bumubuhos ang malakas na ulan.

Napatili siya nang tumama ang ulan sa kanilang dalawa. Ang lakas naman ng halakhak ni Audric nang mabasa sila ng ulan. Nagtaas ito ng tingin sa langit at ganoon din siya. Dinama nila pareho ang ulan na tumatama sa kanilang mukha habang nakapikit ang mga mata at magkahawak ng kamay.

Parang naglaho ang ilang taon na tinatago niyang sakit sa tuwing magkasama si Ivony at Audric. Tila parang kahapon lang nangyari ang lahat at biglang napalitan iyon ng magandang alaala ngayon. Kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Audric, alam niyang nararamdaman nito ang kaniyang pagmamahal.

Malawak ang bakuran ng Villa kaya para silang batang naglaro sa ilalim ng ulan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang totong saya sa mukha ng kaniyang asawa. Nakita niya ang sigla sa boses nito at ang masayang ngiti na dalawang buwan din na hindi niya nakita.

Mahal na mahal ko ang taong ito... Naluluha na lamang siyang napangiti habang nakatingin kay Adi na ngayon ay sumasayaw sa ilalim ng ulan.

Totoo niyan, ito ang pangalawang beses na naligo sila sa ulan. Nung una ay no'ng bata sila at pareho silang nagkasakit dalawa. Kaya simula noon, hindi na sila pinayagan na maligo pa ng ulan ng mga magulang nila. At ngayon, para silang bata na nagbalik sa nakaraan. Ganitong-ganito sila nung unang ligo nila ng ulan. Napupuno nila ng halakhakan ang bawat sulok at kung me nagbago man ay iyon ay hindi siya nakikita nito.

"Taya!" Bigla niya itong tinapik sa balikat. Nung maisip niyang mali ang kaniyang ginawa, kinabahan siya. Bulag ang kaniyang asawa kaya malabo ang larong gusto niya. Nakahinga lang siya ng maluwang nang ngumiti ito at sumagot na tumakbo na siya.

"Kahit hindi kita nakikita, Ffion, naririnig kita!"

Ang lakas naman ng kaniyang halakhak. Para silang bata ngayon! Paano nga ba siya makakapagtao sa asawa? Kung panay ang halakhak niya. Nagagalak ang kaniyang puso kaya hindi niya mapigilan ang bibig na tumawa nang tumawa.

"Got you!"

Napatili siya nang hilain ni Audric ang kaniyang kamay at hinapit ang kaniyang beywang. Sinadya niyang magpahuli nito pero ang hindi niya inexpect ay ang itaas ng lalaki ang kaniyang katawan sa ere at iikot.

"Akala mo hindi kita mahuhuli, ha?"

Napahagikhik naman siya at nagpababa rito. Nag-away na kasi ang utak at puso niya nung tumama ang kaniyang mata sa gwapong mukha ng lalaki. Nag-aaway ang mga ito kung hahalikan ba niya o hindi ang labi ng asawa. At siyempre, ayaw niyang sirain ang moment nilang dalawa kaya hindi niya ginawa ito kaya nagpababa siya agad sa lalaki.

Tumawa lang si Audric at binaba naman siya. Nagpatuloy ang laro nilang taya at kasunod niyon ay pareho silang humiga sa damuhan habang patuloy na pumapatak ang ulan sa kanilang dalawa.

"Gaano kaganda ang langit ngayon, Ffion?"

Napalingon naman siya sa lalaki at matagal na tinitigan ito. Bumabalik na. Bumabalik na ang dating Adi, nararamdaman niya iyon. "Hindi ko makita dahil malakas ang patak ng ulan pero nasisigurado akong maganda itong tingnan sa itaas ng alapaap."

Ngumiti naman ito sa kaniyang naging sagot at lumingon sa kaniyang deriksyon. Kahit wala siyang nakikitang reaskyon sa mga mata nito at wala siyang nakikitang kislap, sapat na ang ngiti at boses ni Adi para maniwala siyang may pag-asawa ang relasyon nilang dalawa bilang mag-asawa.

"Naalala ko noon, sabay tayong naligo ng ulan at sabay tayong nagkasakit."

"At sabay rin tayong pinagalitan ng Mommy ko." Natawa sila pareho.

"Naalala ko rin noon, ayaw na ayaw mong mabasa sa ulan dahil bago ang suot mong damit at sapatos."

"Pero binasa mo ako at sinabihan na hindi ako naliligo dahil kambing ako at takot sa ulan." Bahagya siyang napaingos nang maalala ang kabataan nilang dalawa.

Ang lakas naman ng halakhak nito sa kaniyang sinabi. Muli itong humarap sa langit na nakapikit habang tumatama ang ulan sa mukha nito. Tamang-tama lang ang lakas ng ulan at hindi masakit sa balat ang bawat patak niyon.

"Dahil ang cute mo nung bata pa tayo at ang sarap mo rin asarin sa bagong sapatos mo."

"Pero bagong bili pa lang iyon!"

"At gusto kitang makasama noon na maligo..."

The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon