"Audric?" Tatlong mahihinang katok ang kaniyang ginawa. Naghintay siya ng ilang minuto pero walang sagot mula rito sa loob ng art room. "Audric, papasok ako ha?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.
Wala roon ang lalaki. Paniguradong nasa music room ito ngayon pero wala siyang naririnig na kahit isang tunog ng musika. Akmang isasara niya ang pintuan nang mahagip ng kaniyang mata ang isang canvas sa gitna ng malawak na art room. May takip na puting tela.
Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito. Ayaw ni Audric na mangialam siya roon sa silid na iyon. Hanggang pintuan lang siya dapat. Ang tanging tao lang na pwedeng mangialam at pumasok roon ay si Manang Minda.
"Anong ginagawa mo rito?"
Nagulat siya nang magsalita sa likuran niya si Audric. Agad niyang sinara ang pintuan ng silid at humarap sa asawa. "H-hinahanap kita. Kakain na sana tayo ng hapunan."
"Mauna ka na. Mamaya pa ako kakain." Binuksan nito ang pintuan.
Napilitan tuloy siyang tumabi. Gusto sana niyang sabihin dito na alas-syete nang gabi at baka nagugutom na ito pero alam niyang magagalit lang ito kapag nagpupumilit siya.
"Ano pa ang hinihintay mo?"
"A-ah sige. Sumunod ka na lang."
Umungol lang ito at pumasok sa loob ng silid. Malakas na sinara nito ang pintuan at napabuntong-hinga na lamang si Ffion. Hindi siya pwede sumuko na lang.
Nagtungo siya sa kanilang silid ni Audric. Kahit papaano, nararamdaman niyang mag-asawa sila. Sa iisang silid sila mag-asawa natutulog pero malayo sa isa't isa. Ang totoo niyan, walang namagitan sa kanila bilang mag-asawa. Kahit gustong-gusto niya ibigay ang katawan at puso sa lalaki, umaayaw ito. Tanging si Ivony pa rin ang mahal nito at iniintindi niya ito.
Pabagsak siyang humiga sa kama at nakipagtitigan sa kesame. Paano ba siya mamahalin ni Audric nito kung nilalayo naman nito ang sarili sa kaniya? Oo inaamin niyang hindi siya nito kayang mahalin pero masisi ba niya ang pusong umaasang darating ang araw na mamahalin din siya nito nang mas higit pa? Na hindi lang bilang kababata nito at kaibigan. Gusto niya ng mas higit pa roon! Gusto niyang madama nito na siya 'yong nandito, siya 'yong nandito para sa lalaki nung tinalikuran ito ng mundo.
Malungkot siyang humarap sa sementong dingding at nakipagtitigan doon. Malayang bumalik ang kaniyang utak kung saan at kung paano nauwing siya ang pinakasalan ng lalaki imbes ang babaeng mahal na mahal nito na si Ivony.
Ilang beses na pinagmasdan ni Ffion ang kaniyang suot na dress sa malaking salamin. Si Audric ang bumili niyon para sa kaniya at paborito niya itong kulay. Bagay sa kaniya ang damit pero ang puso niya, sobrang bigat. Ngayon araw, ngayon araw na ikakasal ang kababata niyang si Audric Villanueva at parang hindi siya makahinga sa isipin na ikakasal na ito sa iba. Muli, nanubig ang kaniyang mata pero bago pa ito bumagsak at mauwi sa iyakan ang lahat, kinalma niya na ang kaniyang sarili.
Hindi siya pwedeng umiyak sa araw na kasal ng kaniyang kaibigan. Huling kita nila ay dalawang buwan na ang nakaraaan.
"Ffion?"
Napalingon siya. Ang kaniyang Mommy ito at masuyong nakangiti sa kaniya. Kasama niya itong aattend sa kasal ng best friend niya. Mabait ang Ina niya at mahal na mahal siya nito. Sadyang hindi niya lang kasundo ang dalawang step-brother niya at amain.
"Mommy, bagay ba sa'kin?" Humarap siya sa Ina at pinakita ang kaniyang suot. Umikot-ikot siya sa harapan nito at nagdadalawang isip na iyon ang gamitin sa kasal ni Audric.
"Of course anak, sobrang ganda mo! and it's your favorite color, baby blue. Aside from that, ang crush mong si Audric ang pumili nito at nagbigay." Tinudyo siya nito na ikinangiti niya. Pumwesto ito sa kaniyang likuran at giniya siya paupo. Inayos nito ang kaniyang buhok.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)
Ficción GeneralSa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niy...