“Umalis ka! Anong pinagsasabi mong ako ang may gusto sa lahat ng 'to?! Wala akong naaalalang nakipagsunduan ako sa taong tulad mo, Lorenzo!”
Napuno naman ng halakhak nito ang buong sulok ng silid. “Gano'n ba? Ang naaalala ko ay nagkaroon tayo ng kasunduan noon o nanaginip lang ako.” Nagkibit ito ng balikat. “Sino nga pala kasama ng pinakamamahal mong asawa, ha, Ffion? Mag-isa lang sa Villa?”
“Binabalaan kita, Lorenzo! Huwag na huwag mong tatangkain ang buhay ng asawa ko! Dahil oras na may mangyaring masama sa kaniya, ipapabulok kita sa kulungan at alam mong kayang-kaya kong gawin iyon!”
“Tumapatapang ka na Ffion. Gusto ko 'yan. I like the Ffion I'm seeing. Ganiyan, ganiyan ka dapat. Fierce ba!”
“Alis!” Tinuro niya ang pintuan. “Umalis ka kung ayaw mo ako mismo ang magkakaladkad sa'yo papalabas sa silid na ito!”
Tumawa ito nang malakas sa kaniyang sinabi. “Wait, papaalisin mo na ako? Inutusan ako ni Papa na magbantay rito sa Ina mo. Sorry sis, dito lang ako hanggang sa magising ang babaeng iyan.” Sinulyapan nito ang kaniyang Ina at muling tumawa. Yumugyog na halos ang balikat nito sa kakatawa na para bang isang malaking comedy ang buhay niya para rito.
Nakaramdam naman siya ng kaba at takot. “B-baliw ka na, Lorenzo. Naawa ako sa'yo.”
“Shh... Mas lalo akong naaawa sa 'yo, Ffion. Pinipilit mong isiksik ang sarili mo sa isang taong tingin sa 'yo ay isang garbage bag. Nakakaawa ka. Sa sobrang awang-awa ko sa 'yo, pinagtatawanan na lang kita.”
“W-wala kang alam! W-wala kang alam kung ano ang totoo.”
“Sabi mo, eh.” Ngising aso na ito ngayon. Binalik nito sa ulo ang sumbrero. “Magkakape lang ako. Maaga mo akong pinatawa ngayon araw, Ffion. Ang sarap mo talaga— ikaw na bahala kung saan ka masarap.” Kinindatan siya nito at tuluyan siyang iniwan sa loob ng silid na iyon kasama ang kaniyang Ina.
Gusto niyang maiyak sa sobrang inis para sa lalaki pero pinigilan niya ang luhang huwag bumagsak ang mga iyon. Gusto lang siyang galitin nito at paiyakin. Kahit ang totoo, gustong-gusto niyang pagduduruin ang lalaki at kaladkarin ito papalabas ng Hospital!
Pero kahit anong pigil niyang huwag magpadaig ng kahinaan sa tuwing kaharap si Lorenzo, ginugupo pa rin siya. Ginugupo siya ng sarili niyang kahinaan at nagpapatunay ang mga luhang nagsiunahan sa pagbasak sa kaniyang mga mata.
Kaagad niyang pinunasan ang mga iyon gamit ang kamay at mabilis na lumapit sa kaniyang Ina. Hinahawakan niya ng sobrang higpit ang kamay nito. Kumukuha siya roon ng lakas ng loob. Natatakot siya kay Lorenzo pero wala siyang tapang para labanan ito.
Hindi na siya muling natulog. Paano pa siya makakatulog kung nilukob na ng takot ang kaniyang buong sistema. Tawagan niya kaya si Lucas? Sa ideyang iyon, kaagad niyang kinuha ang cellphone sa bag at mabilis na dinial ang number ng lalaki.
“Ffiona!”
Saglit niyang nilayo sa teynga ang cellphone at mababasag yata ang kaniyang eardrum sa lakas ng boses ni Lucas.
“Hi, kumusta na?”
“Ito, balak ka sanang surpresahin na papunta ako sa Villa ng San Mateo pero dahil tumawag ka na. Nasabi ko tuloy.” Tumawa ito ng malakas. “May dala akong spicy pickled radish na gusto mo. Alam kong paborito mo 'to.”
Hindi siya kumibo. Paborito nga niya ang pickled radish. At nagpapasalamat siya na naalala nito iyon.
“Malapit ka na ba sa bahay?” May pag-aalala sa kaniyang boses.
“Yeah. Mga dalawang oras na lang. Why?”
“W-wala kasi ako sa Villa.”
“What? Saan ka?”
“Nasa Hospital ako. Dito sa Makati. Si Mommy kasi—”
“Sige babalik ako—”
“No! Please tumuloy ka sa Villa. Walang kasama si Audric doon. Nag-aalala rin ako para sa kaniya.” Nakagat niya ang labi matapos sabihin iyon. Totoong nag-aalala siya para sa lalaki.
Narinig naman niya ang pagbuntong-hinga nito sa kabilang linya. “Okay-okay. Lalo na at may dala rin akong inumin para sa 'min ni pareng Audric. Basta kung may problema, tawagan mo ako kaagad at babalik ako ng Maynila.”
Napangiti siya. Lucas is way too good to be true. Sobrang bait nito sa kaniya at kay Audric. “Sige, patayin ko na ang tawag ha?”
“Okay. Mag-iingat ka diyan. I'm praying for your Mom's recovery, Ffiona. I miss you!” At pinatay nito ang tawag.
Tinago naman niya ang cellphone sa bag at muling hinarap ang ina niya. Sana magising agad ito. Tiningnan niya ang mata nitong kahit nakapikit, nababanaag niya ang sakit doon.
Muli, nag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa bag para mapakunot ng noo. Si Amazi ang tumatawag ngayon. Nagdalawang isip siyang sagutin ang tawag nito. Dahil ang totoo, hindi na sila nag-uusap dalawa simula nung tumira siya sa San Mateo kasama ang kuya nito.
Huminga muna siya ng tatlong beses saka sinagot ang tawag ng binata. “Hey, Amazi?”
“Ffiony!”
Ano kaya ang kailangan sa kaniya ni Amazi? “N-napatawag ka?”
“Y-yeah... about Mom.”
Kinabahan naman siya sa narinig. Inisip niya na baka may masamang nangyari kay Donya Vilma.
“May masamang nangyari ba kay Tita?”
“Wala naman. It's just... Narinig ko siyang kausap ngayon ang kapatid kong si Asher. Mom told him that you slapped her, Ffiony.”
Natigalgal naman siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Siya nga itong sinampal! Pero hindi siya nagalit. Nagkukot ang kaniyang kalooban pero hindi siya kumibo.
“Ffiony...”
“H-hindi ko pinagtaasan ng kamay ang Mommy mo dahil malaki ang respito kay Tita. Sige, patayin ko na ang tawag ha, Amazi. Kailangan ko pa bantayan si Mommy.”
“Ffiony wait—”
Hindi niya na hinintay na magsalita si Amazi. Kaagad niyang pinatay ang tawag ng binata.
Napailing na lamang siya. Ibang level na ang galit sa kaniya ng Donya. Gumagawa na ito ng storya at napabuntong-hinga na lamang si Ffion. Huwag niyang stressin ang sarili. Ang dapat niyang asikasuhin ay ang kaniyang Ina.
“Sana ay okay lang kayo, My. Hihintayin ko kayong magising.”
“Tingin ko, hindi na magigising si Tita...”
Tumalim ang kaniyang mata sa sinabing iyon ni Lorenzo. Bumalik na ito at may dalang isang instant coffee. Umuusok ito at humahalimuyak ang amoy sa buong silid.
“Kung wala kang matinong sasabihin, Lorenzo, umalis ka pwede ba?!”
Ngumisi lang ito. Deretso ang paa nitong tinungo ang sofa at maingat na umupo roon. Sandali itong humigop ng kape at napapikit pa ng mata. “Ang sarap ng kape!”
Habang siya ay nagkukot ang kalooban para sa lalaki. Kung pwede lang hilain ito papalabas!
“May sakit si Tita, hindi mo ba alam iyon? Anong klaseng anak ka, Ffion? Puro kasi obsesyon sa pag-ibig mo kay Audric ang inaatupag mo.”
“Hindi ka Doctor! Wala pang test results na lumabas kaya huwag kang parang Diyos magsalita. Hindi mo hawak ang buhay ng Ina ko.”
“Tingnan mo si Tita, tingin mo ba ay magigising pa 'yan? Narinig ko may cancer si Tita. Stage 4. Sinabi niya iyan sa Ama natin— Ama ko pala.”
Siya naman ay natigalgal sa narinig. Cancer? Mabilis siyang napatingin sa Ina. Imposible! Imposibleng may cancer ito! Bumaha ang galit sa puso niya at galit na hinarap ang lalaki.
“Isang salitang masama na galing pa sa 'yo, Lorenzo, tatawagan ko si Tito para sabihin 'yang mga kalapastangan sinasabi mo sa Ina ko!”
Hindi ito kumibo. Humigop lang ito ng kape at kalaunan ay nakangising demonyong tumingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)
Ficción GeneralSa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niy...