MAINGAT ang bawat galaw ni Ffion at ayaw niyang magising ang asawa. Konting galaw lang at nagigising ito at alam niya ang kasunod, mainit na ulo ang sasalubong sa kaniya buong araw kapag nangyari iyon.
Nasa isang villa sila at sa harap ay malawak na lupain na puro mga pananim na cacao at iba't ibang klase pang mga pananim na kalimitan nakikita sa isang probinsya.
Nahigit niya ang kaniyang hininga nang gumalaw si Audric sa kinahihigaan. Laking tuwa niya nang mapansing tulog pa rin ito at walang senyales na nagising ang lalaki sa kaniyang mga galaw.
Napangiti siya. Agad niyang hinagilap ang kaniyang pambahay na tsinelas at una niyang tinungo ang malaking closet nilang mag-asawa. Maingat siyang kumuha siya roon ng damit na gagamitin ng lalaki pagkatapos nitong maligo.
Inabot niya muna sandali ang suklay at inayos ang buhok. Inayos niya rin ang pagkakabuhol ng suot niyang roba saka nagpasyang lumabas ng silid para paghandaan ng almusal ang asawa.
Hanggang ngayon, paulit-ulit siyang nagluluto kahit hindi nito gusto ang mga pagkaing hinahanda niya. Anong magagawa niya? Kung hindi sunog ang kaniyang mga nilutong ulam, sobrang tabang at alat naman minsan.
Ayaw rin ni Audric na kumuha sila ng kasambahay at kusinera at naiintindihan niya iyon. Hindi na siya nagpumilit dahil siya itong may gusto ng lahat ng ito.
Masigla ang kaniyang bawat galaw sa pagluluto ng almusal. Sumabay-sabay pa siya sa kanta na nagmumula sa may kalakihang stereo. Tamang-tama lang ang lakas ng tugtog para hindi magising si Audric na natutulog pa.
"Magandang umaga, Ma'am Ffion! Heto na ho ang preskong gatas para kay Sir. Pasensyahan niyo na kahapon Ma'am kung hindi ako nakapagdala ng gatas, nagkaroon ng aberya sa bahay. Hindi rin mautusan ang anak kong si Lando, at may sakit." Si Manong Lito ang nagsalita sa kaniyang likuran. Sanay na siyang nasa bahay ang matanda. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niya.
"Kayo pala, Manong!" Sandali niyang pinatay ang kalan at hinarap ang matanda. Nakangiting kinuha niya ang tatlong gatas na dala nito. Wala naman problema sa kaniya. "Okay lang 'yan, Mang Lito. Hindi rin naman naghanap ng gatas si Audric kahapon."
"Kung gano'n salamat naman! Oh siya, Ma'am Ffion, mauuna na ako sa inyo at babalik pa ako sa bakahan."
Tumango lang siya at muling hinarap ang niluluto matapos ilagay sa mesa ang gatas. Masigla pa rin ang kaniyang kilos at sinigurado niyang kakain sa araw na ito ang kaniyang asawa. Kahit isang tikim lang masaya na siya!
"Ayan! Tapos na ako." Nakangiting pinagmasdan niya ang kaniyang hinanda sa bilugan mesa.
Hotdog na kalahati sunog, pritong sunny side up na wasak ang egg yolk, fried rice na literal na fried at isang basong gatas para sa asawa niya. Nakuha niya rin tumakbo sa labas ng bakuran para pumitas ng bulaklak. Nilagay niya ang napitas na mga bulaklak sa isang vase para maging maaliwalas ang kusina.
"Audric!" Masigla ang boses niyang lumapit siya sa asawa. Bagong ligo ito at sobrang bango. "Good morning!"
Umungol lang ito na halatang hindi nagustuhan ang tono ng kaniyang boses. Dere-deretso itong naglalakad habang siya ay nasa likuran ng asawa, nakaalalay sakaling matumba ito o ano.
Bulag ang lalaki. Nasira ang cornea ng mata nito sa isang pangyayari kaya ganito ito kahigpit sa mundo. Pero kahit bulag ang kaniyang asawa, kaya pa rin nitong gumalaw na walang alalay na nagmumula sa kaniya. Memoryado nito ang sulok ng bahay.
"Sunog na hotdog at kanin na naman ang niluto mo."
Napangiwi siya sa deretsong pahayag nito nang makaupo ito sa silya. Tulad nung una, hindi nito kinain ang kaniyang hinandang almusal. Ang isang basong gatas lang ang kinuha ng lalaki at walang sabing nilagok lahat ang laman niyon.
"Konti lang ang sunog, Audric... Hindi n-naman masyadong halata."
Umungol lang ito na parang hindi nagustuhan ang kaniyang naging sagot. "Dahil konti lang ang sunog, tingin mo okay na ako sa rason na konting sunog?" Malamig pa sa yelo ang boses nito.
Napakagat na lamang siya ng labi at siya ang nagpasyang kumain sa kaniyang almusal na ginawa. Kalahating sunog, kalahating hilaw. Kung malapit lang ang mga restaurant dito sa Villa, nag-order na siya ng pagkain para sa lalaki. Hindi niya naman gustong sirain ang appetite nito.
"Audric!" Hanggang sa lalamunan niya na lamang ito nang tumayo ito ulit at humakbang papunta sa malaking terasa. "Sabayan mo sana ako..." Bumagsak ang kaniyang balikat nang tuluyan nakalayo ang lalaki.
Ngumiti na lang siya at ilang segundong pinapayapa ang sarili. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang kaniyang asawa. Naiintindihan niya ito at hindi siya magsasawang intindihin ang lalaki. Mahal niya ito, eh. May magagawa ba ang puso niya? Wala. Kundi ang magtitiis at hintayin ang isang araw na bumalik ang totoong ugali ng taong mahal niya. Hindi siya magsasawang hintaying kung kailan iyon kahit na umabot pa ng ilan taon.
MALUNGKOT na niligpit niya ang kaniyang hinandang pagkain at tinapon lahat iyon sa basurahan. Hinugasan niya lahat ang mga ginamit na kagamitan at nagpasyang magpunta sa bakuran. Mamaya ay darating si Manang Minda para magluto ng tanghalian para sa kanilang mag-asawa. Asawa ito ni Manog Lito at personal na yaya noon ni Audric nung kabataan nito at mabait ang matanda. Tinuring siya nitong anak.
Gusto niyang samahan ang lalaki sa terasa habang nagpapahangin at lumalanghap ng preskong hangin ng probinsya pero alam niyang magagalit lang ito. Kaya nagpasya na lamang siyang sulyap-sulyapan ito. Nasa bakuran siya ngayon at nagwawalis ng mga tuyong dahon at nagdidilig ng mga paboritong halaman. Mahilig siya sa pag-aalaga ng iba't ibang klaseng mga halaman at nakakatulong ito sa kaniyang tiisin ang ugali na pinapakita sa kaniya ni Audric araw-araw.
Napahugot si Ffion ng hangin nang muli niyang sulyapan ang lalaki. Ganoon pa rin, nakatayo ito at nakatitig sa isang deriksyon na parang may nakikita. Ganito ang daily routine ni Audric. Gigising, maliligo, kakain ng almusal, at magtungo sa terasa at doon lang ito hanggang sa sumapit ang tanghalian.
At pagkatapos nitong kumain ng lunch, magkukulong ito sa music room at art room sa ikalawang palapag ng bahay hanggang sa sumapit ang gabi. Nung una, natatakot siya na baka mahulog ito sa hagdanan sa tuwing umaakyat ito sa pangalawang palapag na mag-isa. Hanggang sa nakasayan na niya ito. Mas gusto ni Audric na hindi pinapakialaman o alalayan ito. Ayaw na ayaw nitong kinakaawaan niya o makaramdam ng awa mula sa mga taong nasa paligid kaya siguro gusto nito na nasa isang villa sila at tago sa mga tao.
Ang tanging pinapahintulutan nitong pumasok lang sa bahay ay si Manong Lito at Manang Minda. Bumabait lang ito kapag si Manang Minda at Manong Lito ang kaharap at kausap. Pero 'pag siya at ibang tao, galit ito kahit sa sarili nitong mga magulang.
"Kailan mo ba ako ipagtutulakan palayo, Audric?" mahinang tanong niya sa hangin. Hindi niya namalayan na nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
"Stop staring at me, Ffion."
Agad niyang binawi ang kaniyang tingin na ginawad dito. Kahit bulag ang kaniyang asawa, malakas ang pandama nito, kahit noon pang mga binata at dalaga sila. Mas lalong lumakas ang pandam, at pang-amoy nito nang mabulag ang dalawang mata ng lalaki. Parang ang utak nito ang nagbibigay ng babala sa paligid.
"Lagi ko ng sinasabi sa 'yo na ayaw na ayaw kong tinititigan at kinakaawaan." Parang kulog ang boses nito. Namamahay ro'n ang galit at inis.
"H-hindi kita kinakaawaan, Audric."
Umungol lang ito at matagal bago nagsalita. "Ako, kinakaawaan kita. Kinakaawaan ko ang mga tulad mong pilit na nagtiis sa isang katulad ko. Isa kang tanga, sinabi ko na ba ito noon?"
Nakagat niya ang labi. Kahit walang emosyon na nakikita sa mata ni Audric, damang-dama naman niya sa malamig nitong boses ang galit at pait pero hindi siya iimik. Hindi niya sasakyan ang init ng ulo nito. Dahil alam lang niya kung saan iyon patutungo.
Galit sa mundo ang lalaki kaya mas dapat lawakan niya ang kaniyang pasensya. Mag-asawa sila at nangako siya sa harap ng Diyos na magmamahalan sila hanggang sa kamatayan ang maghihiwalay sa kanilang dalawa. Hindi ang kapansanan nito ngayon ang magpapabago sa pagmamahal na naramdaman niya para sa lalaki.
Hinid basta-basta mapapasuko ni Audric ang kaniyang puso kung ito ang gusto nito. Dahil araw-araw niya itong ipaglalaban hanggang sa madama nitong andiyan lang siya. Nasa tabi nito at hinding-hindi aalis.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #1: THE BLIND BILLIONAIRE (Completed)
General FictionSa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa altar upang maging asawa niya. Gusto niyang iparamdam sa babae na kahit isa na siyang bulag, kaya niy...