CHAPTER 01:
TAHIMIK akong naglalakad ngayon dito sa hallway habang nakasunod sa iba ko pang kasamahan sa trabaho, papunta na kami ngayon sa briefing area. Doon ginaganap ang short meeting patungkol sa magiging lipad para sa oras na yon, bago sumakay ng shuttle papuntang airport ay nagkakaroon muna ng briefing ang mga flight attendant at pilotong lilipad, kailangan naming masagot ng tama ang itatanong saamin ng L1 namin o leader ng flight, kapag hindi iyon nasagot ng tama ay hindi ka hahayaang makalipad dahil para iyon sa kaligtasan mo at ng lahat ng pasaherong makakasama mo sa lipad.
Minsan ay madali lang naman ang mga itinatanong pero mas mabuti ng handa kaya dapat ay nag aaral muna bago pumasok sa trabaho.
"Miss Aya?" tawag saakin ng isang lalaking sa tingin ko ay isa sa mga makakalipad ko ngayon. Mas matangkad sya saakin, basa pa ang ilang hibla ng buhok nya palatandaan na kakapasok nya lang, may pagkasingkit ang kanyang mata at matangos ang kanyang ilong. Mala rosas naman ang kulay ng kanyang labi, hindi sya maputi hindi rin sya maitim, kung baga ay sakto lang. Naramdaman ko namang kinalabit nya ako kaya napaiwas ako ng tingin dahil kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Nakakahiya ka teh.
"Sorry, ano ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko dahil hindi ko naman naintindihan kung anong sinasabi nya kanina dahil lumilipad ang isipan ko.
"Aalis na po ang shuttle, ikaw nalang ang hinihintay." Sagot nya
"Ay! Pasensya na, tara na" nahihiyang tugon ko. Sumabay na rin sya saakin papunta sa shuttle. Pagkasakay ko ay nagsorry nalang ako sa iba naming kasama. Ilang minuto lang at nakarating na rin kami sa terminal 3 ng NAIA kung nasaan nakaparada ang eroplanong sasakyan namin.
Pagkababa ng shuttle ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming pwesto bago nagsimulang magpapasok ng mga pasahero sa aircraft. A310 ang gamit naming aircarft ngayon, mas maliit ang bilang ng taong pwedeng isakay kumpara sa A300.
KALALAPAG lang ng eroplano namin ngayon dito sa airport ng Bangkok, Thailand. Magkakaroon kami ng isang araw na lay-over dito bago lumipad ulit pabalik ng Pilipinas. Matagal ko ng pangarap ang makapunta ng Thailand dahil sa ganda ng bansang ito at sa kagustuhan na ring makapunta sa gmmtv building, isa sa mga pangarap na puntahan ng mga katulad kong thai series at thai bl fan.
Napagpasyahan kong magbabad na muna sa tub ng ilang oras bago ako matulog. Bukas nalang siguro ako mag iikot ikot dito, isa pa gabi na rin naman at pagod na rin ako dahil sa ilang oras na byahe sa ere. Dalawa ang kama sa hotel room na binayaran ng company namin para sa dalawang gabing pananatili namin dito, si Aireen ang kasama ko sa unit.
Ngayon lang kami naging magkalipad kaya ngayon lang din kami naging magkaibigan. Sa dami kasi ng f.a's sa airlines namin ay isang pursyento lang ang pag asang magkaroon ka ng kalipad na ka'close mo. Halos isang taon na rin akong f.a sa Lumiére Airlines pero isang beses ko pa lang nakakalipad ang mga kaibigan ko. Lagi kasing magkakaiba ang oras ng flight namin, at magkakaiba rin ang destinasyon at aircraft.
"Aya? Matagal ka pa dyan? Andito na yung pagkain natin" saad ni Aireen mula sa labas ng c.r ng unit namin. Hindi ko na sya sinagot at nagbanlaw nalang ako bago nagsuot ng pantulog. Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan kong inihahanda na ni Aireen ang mga pagkain sa lamesa namin.
Nauna syang naglinis ng katawan kanina kaya kakain na lang kami ngayon bago matulog. Sandali naman syang tumingin sa direksyon ko bago nya ipinagpatuloy ang pag aayos ng pagkain, nginitian ko na lang sya.
"Anong balak mong gawin bukas ate Aya?" Tanong saakin ni Aireen habang kumakain, mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya ate ang tawag nya saakin, sabi ko nga ay hindi na kailangan dahil isang taon lang naman kaso masyado syang mapilit kaya hinayaan ko nalang sya.
"Plano kong pumunta sa building ng gmm baka makita ko doon si Bright or kaya si Win" natatawa kong sagot.
"Pwede akong sumama? Tapos punta tayo sa The Grand Palace, balita ko maganda raw dun." Nakangiting sambit nya na para bang bata na sobrang excited na makapunta sa paborito nyang lugar.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad muna kami sa garden ng hotel para makapagpahangin at makapagpaantok. Kung may boyfriend siguro ako mas masayang maglakad dito, nakaka refresh ang halimuyak ng mga bulaklak sa hardin. Nakakapit lang sa braso ko si Aireen sa buong oras naming paglalakad lakad doon, para syang batang takot maligaw HAHA.
MAAGA akong ginising ni Aireen para daw mas madami kaming mapuntahang lugar. Ala-sais pa lang ng umaga dito sa Thailand, ala-syete naman sa Pilipinas. Pagkagising ko ay ayos na ayos na agad si Aireen hindi mapaghahalataang hindi excited iginigiit nya pang maaga lang talaga syang nagising kaya nag ayos na agad sya.
Kumilos na rin ako kaagad pagkabangon sa kama, naligo lang ako sandali pagkatapos ay nag bihis na at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha. Ang sabi ni Aireen ay sa cafe na lang kami mag almusal, libre nya kaya hindi na ako umangal. Masamang tumanggi sa grasya.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng gmm building, pwede naman daw makapasok dito pero pili lang pwedeng puntahan sa loob. Naglibot libot lang kami ni Aireen sa loob ng building, sayang lang dahil hindi namin naabutan ang mga idol kong artista ng gmm pero nakita ko naman yung ibang merch ng fandoms nila katulad ng sa brightwin, iba't ibang uri ng merchs ang naandoon bibili sana ako kaso nakalimutan ko. Gaya ng request ni Aireen kagabi ay sinamahan ko sya sa grand palace.
Tuwang tuwa naman si Aireen na halos magtatalon pa na parang bata habang ako ay hindi maalis sa kanya ang tingin, baka kasi maiwanan nya ako at maligaw ako. Masyadong malaki ang lugar at marami ring magagandang makikita. May mga tanim rin na iba't ibang uri ng halaman at bulaklak na lalong nagpaganda sa lugar. Maraming uri ng bulaklak ang nakatanim ngunit iisa lamang ang nakaagaw ng buong atensyon ko...
Hyacinthus
YOU ARE READING
Flight Of Fancy Desire
Teen FictionTrue friendship will remain strong even if thousands of storms hit the wall of that relationship between you and your friends. Like what Amira, Aya, Heaven, Maeve, Madison and Pearl did. They were best of friends for a long time but then, there's no...