CHAPTER 04
After 2 years...
"GO Heaven! We know you can do that!" Sigaw ni Madison at Pearl sa kaibigan nilang ngayon ay naglalakad palapit sa table ng mga kalalakihang kanina pa nila pinagpaplanuhang guluhin. Titig na titig kasi si Heaven kanina sa lalaking naka hoodie sa table na iyon kaya todo tulak sa kanya ang mga kaibigan at tuwang tuwang ichini-cheer pa sya. Tuwang tuwa sina Madison at Pearl na ngayon ay wala na sa huwisyo dahil sa matinding kalasingan. Abala naman si Mae at Mira sa pakikipagsabayan sa mga nagsasayawan sa dance floor ng bar.
"One glass of tequila, please." Saad ko sa bar tender.
"You sure kaya mo pa?" Tanong ni Madi. Tinawanan ko naman ito, ngayon pa nga lang ako mag uumpisa eh. Di hamak na mas hindi na nila kaya ni Pearl dahil kanina pa sila lumalaklak. Halata naman sa mga namumula nilang mukha at pasuray suray na lakad sa tuwing lalapit sa ibang bisita.
Grand opening ng bar ngayong gabi kaya maraming imbitadong bisita, kaibigan daw ni Madi ang may ari ng bar ayon sa sinabi nya kaninang umaga saamin.
"Kaya ko, kayo ang hindi. Tignan nyo si Heaven oh! Tinulak nyo dun sa lalakeng hindi naman natin kilala." Sermon ko sa kanila. Tanging hagikhik lang ang sinagot nila at naglakad na palayo. Balak atang humanap ng makakadate hanggang mamayang umaga.
"HI BABE" tawag ko sa lalaking naka hoodie saka ko ipinulupot ang kamay ko sa braso nya. Gustuhin ko mang mahiya mas nangingibabaw ang epekto ng alak na nainom namin kaya hindi ko na makontrol ang mga pinaggaga gawa ko.
"Do I know you miss?" Tanong nito habang inaalis ang pagkakaarko ng kamay ko sa braso nya na di ko naman hinahayaang maalis.
"No, I'm Heaven. Your future wife." Nakangiting sambit ko
"You're drunk" sagot nya saka inalalayan akong maupo sa couch na nasa gilid ng table nila.
"I'm not, just tipsy" sagot ko habang nagsasalin ng alak sa isang baso na hindi pa rin inaalis ang kamay sa kanya.
"Stop drinking, miss" inagaw nya saakin ang bote ng alak at sya ang umubos noon. Ang damot, binigyan ko na nga sya ng isang baso inagaw pa sa'kin yung isang bote. Nanlalabo na ang paningin ko kaya isinandal ko muna sandali ang ulo ko sa balikat nya habang nag iinom pa sya. Siraulo rin ang lalaking 'to eh, di ko alam kung bakit basta siraulo sya.
"H-HEY, wake up." Bulong ng lalaking nasa gilid ko habang mahinang tinatapik ang pisngi ko para gisingin ako. Napangiti na lang ako sa napakaganda nyang mukha na bumunhad saakin pagbukas ko ng mga mata ko.
"W-Why?" I ask.
"Wala ka bang kasama? Ihahatid na kita" sagot nya habang inaayos ang hoodie jacket nya. Tumayo naman ako para sana ayusin din ang nalukot kong dress dahil sa pagkakahiga ko sa kanya pero hindi pa ako nakakatayo ng tuwid ay napaupo na agad ako. Umiikot pa rin ang paningin ko.
"Are you alright?" Tanong nya habang pumupungay ang mga mata. Tanging tango at ngiti na lamang ang isinagot ko dahil hindi ko na talaga kaya pa. Pakiramdam ko ay hinahalukay ang sikmura at lalamunan ko, nanlalabo na rin ang tingin ko sa paligid. Hinayaan ko nalang ang lalaking ito na buhatin ako at dalhin sa kung saan. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko dahil nahihirapan na rin akong hanapin pa sila sa laki ng bar.
PAGMULAT ng mga mata ko ay itim na kisame ang agad na bumungad saakin, ramdam ko rin ang lambot ng kama at unan na hinihigaan ko. Hindi na gaanong masama ang pakiramdam ko dahil na rin siguro nakapag pahinga na ako pero masakit ang ulo ko dala ng hang over. Agad akong bumangon sa pagkakahiga ng may makita akong lalaking naka puting tshirt ang pumasok sa kwarto ko, binato ko rito ang mga unan sa higaan ko at nagsisigaw dahil sa sobrang takot. Magnanakaw ba sya? Anong ginagawa nya sa unit ko at paano sya nakapasok? Ilan lamang iyan sa mga tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ito.
“Sshh, don’t shout, breakfast is ready. I know you’re hungry, nasa kitchen ang pagkain may biogesic na rin doon inumin mo kung masakit ang ulo mo.” Saad ng lalaki na nagpatigil sa pambabato ko sa kanya ng mga unan, nakatitig lang ako sa kanya at hindi kumilos.
“Sino ka? Paano ka nakapasok sa unit ko?” tanong ko sa kanya. Narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa bago sumagot.
“This unit is not yours, Miss Heaven. Lasing na lasing ka kagabi sa bar nang lapitan mo ako hindi ko naman alam kung kanino ka iiwan kaya iniuwi nalang kita. You should thank me instead of throwing my pillows on me.” Paliwanag nya, sya ba si hoodie-guy kagabi?
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” pagtataray ko dito
“Sinabi mo.” Sagot nya saka tamad na humilig sa pintuan ng kwarto.
“May I know who you are? Mister?” hindi ko talaga matandaang may kakilala akong mukhang anghel, mga mukhang demonyo ang mga kilala kong lalaki.
“Nakalimutan mo na agad? You moaned my name a lot of times last night and now you’re acting like you don’t know me? Nakakatampo ka naman, babe.” Nakasimangot na sambit nito na nagpakaba saakin. Isinuko ko ang bataan sa lalaking hindi ko kilala? Tapos wala akong kaalam alam? The fvck.
“I was drunk that night! You should not let me do that thing with you! You’re not my husband and I don’t even know you!” sigaw ko dito saka na tumayo at dali daling lumabas ng kwarto, nabangga ko sya at wala akong pakialam. Sabi sa mga nababasa ko ay sumasakit ang bandang gitna nila kapag nakipagtalik, wala naman akong nararamdamang masakit sa katawan ko bukod sa ulo ko. May nakita akong kanin at bacon sa kitchen kaya kinain ko nalang dahil nagugutom na rin ako. Ininom ko na rin ang gamot na nakita ko bago hinugasan ang mga ginamit ko saka nag ayos na para sana umalis. Hindi pa ako nakakalabas ng kitchen ay pumasok na sya.
“I’m sorry, I was just joking. Walang nangyari satin kagabi, sa sala ako natulog pagkatapos kitang iayos sa kama. I respect you as a woman at alam kong lasing ka kaya kahit halos magmakaawa kang halikan ako kagabi ay ako na ang umiwas.” Paliwanag nya
“Thank you for taking care of me even if we don’t know each other.” Nakangiting pasalamat ko saka sya niyakap.
“Saan ka nakatira? Ihahatid na kita, lalabas din naman ako.”
“Fame Residences”
Tinulungan ko lang syang linisin ang condo nya dahil sobra sobra pala ang kalat na ginawa ko kagabi sa lugar nya. Pagkatapos ay bumaba na kami sa parking lot para kuhain ang kotse nya at ihatid ako. Buong byahe ay wala ng umimik, wala rin naman kaming pag uusapan dahil hindi pa naman namin kilala ang isa’t isa pangalan at tirahan lang ang alam namin.
“GOOD MORNING girls, may nakahanap na ba kay Heaven?” tanong ko, kagabi pa namin huling nakita si Heaven sa bar. Lasing na lasing na sina Madi at Pearl, maaga namang umuwi sina Mae at Mira dahil may kani-kaniya pa silang trabahong gagawin kaya ako lang ang naiwang medyo maayos pa ang isip dahil sinadya kong hindi magpakalasing para may magdrive pauwi sa mga babaeng ito pero nawala bigla sa paningin ko si Heaven noong nagpunta ako sa wash room. Nawala na rin yung lalaking kausap nya, ang hinala namin ay isinama sya noon kagabi kaya mas nag aalala kami sa kung anong maaaring mangyari sa kaibigan namin.
“Hindi namin ma contact, nakapatay ang phone nya.” Sagot ni Maeve
“Wag nyo ng hanapin, padating na yon. Tumawag na yung guard sa ibaba, nakita daw nyang inihatid ng lalake si Heaven.” Sagot ni Mira saka naupo sa tabi ni Pearl
“Hi” bati ni Heaven pagkapasok ng unit nya, dito na kami nakatulog kagabi noong apat sa kahihintay sa kanya.
Agad na hinila ni Madi si Heaven paupo sa sofa saka namin ito pinalibutan at pinanlakihan ng mga mata. Si Heaven naman ay patay malisyang tumingin sa mga mata namin isa isa sabay angat ng kilay na wari ba’y nagtatanong kung ano ang nangyayari. Bilang panganay at tumatayong ate saaming magkakaibigan ay si Pearl na ang nagsalita.
“Saan ka natulog kagabi? Ikwento mo lahat saamin.”
YOU ARE READING
Flight Of Fancy Desire
Teen FictionTrue friendship will remain strong even if thousands of storms hit the wall of that relationship between you and your friends. Like what Amira, Aya, Heaven, Maeve, Madison and Pearl did. They were best of friends for a long time but then, there's no...