CHAPTER 03

11 2 0
                                    

CHAPTER 03:

"MADI! Saglit!" Rinig kong tawag saakin ni Aya.

"Bakit?"

"Wala lang, sige baba kana HAHA" nginitian ko na lamang sya bago ako tuluyang pumasok ng elevator. Hindi pa gaano katirik ang araw dahil ala-syete pa lang naman ng umaga kaya naisipan ko nalang na sa garden muna tumambay.

Day-off ko ngayon kaya wala akong ibang gagawin kundi maglibang libang, Sunday at Monday ang off ko, sa isang araw ay lilipad na naman ako. Minsan nakakapagod din ang pagiging flight attendant, pero dahil pangarap namin 'to, laban lang.

Pagkalabas ko ng elevator ay tahimik na lobby lang ng condo ang bumungad sa'kin. Bumabati naman yung ibang staff na nakakasalubong ko na sinasagot ko naman sa pamamagitan ng pag ngiti sa kanila.

Dumiretso na ako sa garden area ng condo, may iba't ibang halaman at bulaklak dito pero hindi gaanong kadami, kakaunti pa lang ang mga taong nakatambay dahil maaga pa.

Nakakita ako ng bulaklak na daisy kaya napangiti ako, pumitas ako ng isa at inilagay iyon sa tainga ko. Humahalimuyak ang bango ng mga bulaklak na sumasabay sa ihip ng hangin. Kapag talaga stress ka sa bagay-bagay ay garden ang magandang puntahan. Bukod sa maganda ang view, nakaka refresh din ang bango ng mga tanim.

"Did you know what does white daisy means?" Napaatras ako ng may magsalitang lalake mula sa gilid ko. Sa kakaamoy ko sa bulaklak ay hindi ko na namalayang may katabi na pala ako.

Nagpalinga linga muna ako sa paligid ko at sa paligid nya bago sumagot, malay ko ba kung ako ang kinakausap nya o baka may ibang tao pa pala kaming kasama.

O baka naman sarili nya ang kausap nya, nababaliw na siguro sya. Aalis na sana ako kaso nagsalita sya ulit. "White daisy means innocence." Napatingin naman ako sa mga kulay puting daisy, hindi pala nababagay sakin 'to, hindi naman ako inosente.

"The white petals, and the yellow center of white daisy symbolizes innocence." Dagdag nya pa saka pumitas ng bulaklak. "Two of its traits are hope, and new beginning." Dagdag nya, saglit syang tumingin sa gawi ko at binigyan ako ng tipid na ngiti. Gwapo sana, kaso parang tanga, hindi naman nakakalungkot yung sinabi nya pero di magawang ngumiti ng malaki.

NAGSUSUKAT kami ng mga damit dito sa mall. Nagkayayaan kasi kami kanina na maggala, ang usapan gala lang pero ngayon halos libutin na namin lahat ng tindahan dito sa SM kakahanap ng magagandang gamit na mabibili. Kagagaling lang namin sa perfume shop kanina, ngayon naman ay nasa mga damit kami.

Halos lahat ng napapadaan sa pwesto namin ay napapalingon sa'ming magkakaibigan dahil sa ingay nila Aya. Asaran kami ng asaran kapag nagsusukat ng damit kahit wala namang mali sa mga dress, sadyang may saltik lang sa utak ang mga kasama ko.

"Miss?" tawag sa'kin ng isang sales lady

"Yes po?"

"Kasama nyo po ba sila?" Tanong ni ateng sales lady sabay turo kala Mae na tawa nang tawa. "Pwede nyo po ba silang sabihan na hinaan ang boses? May mga nagrereklamo po kasi na naiingayan sa kanila." Dugtong nya pa. Napailing nalang ako, basta kumpleto ang sais hindi nila mapapatahimik yan.

"Pasensya na po ate, hindi ko po sila kasama eh" parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ni ate sales lady dahil sa sagot ko.

Mukhang natatakot syang pagsabihan ang mga kaibigan ko. "Biro lang, ako ng bahala miss." Bawi ko, nginitian ko na lang sya bago tumalikod at naglakad palapit sa mga kaibigan kong malapit ko ng ikahiya sa sobrang ingay.

"Hoy mga babae! Hindi pa ba kayo tapos mamili dyan? Ang ingay ingay nyo daw sabi nung sales lady, andaming nagrereklamo papapulis na daw kayo pag di kayo nanahimik." Saway ko sa kanila, napatigil naman sila saglit sabay tawa ulit, kailangan ko na atang ipa mental ang mga 'to.

"Gaga! Kasama ka pag pinapulis kami" sagot ni Pearl na sinabayan ng tawanan nila. Nababaliw na nga ata itong mga 'to tawa na nang tawa.

"Sabi ko hindi ko kayo kasama" binatukan naman nila ako isa isa. Child abuse!

"ORDER pa ako, kayo ba?" Tanong ni Aya. Nakakailang balik na 'tong babaeng 'to sa counter. Hindi halatang gutom na gutom. Nakaka tatlong order na sila habang ako ay isa pa lang, nagutom ata sa mga kalokohan nila kanina.

"Ice cream na lang?" Tanong ni Heaven sabay tingin samin, tinanguan na lang namin sya. Tumango na lang din si Aya bago umalis. Saglit lang ay nakabalik na rin si Aya, hindi naman kasi gaanong marami ang na order sa counter kaya mabilis lang.

Hinahanda pa daw ang mga order kaya nagkwentuhan na muna kami habang hinihintay ang huling order ng mga 'to. Mukhang di pa huli, may balak pa atang umorder ulit mamaya.

"Kailan flight nyo?" Tanong ni Mira

"Ako sa tuesday" sagot ko

"Ako mamayang gabi" Aya

"Ako bukas" Mae

"Bukas din ako" Heaven

"Wednesday ako" Pearl

"Kaya pala ang hyper hyper mo, pati sa pagkain hyper. Lilipad na naman pala mamaya" Tawang asar ni Mae. Totoo naman, si Aya ang mas maingay kanina kahit walang nakakatawa tumatawa. Sya rin ang pinaka maraming nakain. Hindi naman namin sya masisisi dahil isang araw lang ang day off nya, trabaho na ulit ang haharapin sa loob ng ilang araw.

"Alas otso call time namin mamaya. Uwi na tayo? O mauuna na lang ako?" Tanong nya

"Sabay sabay na, bayaran nyo na mga kinain nyo para makaalis na tayo" sagot ko na sinang ayunan naman ng apat.

Pagkabayad ay nagkanya kanyang bitbit na kami sa mga napamili namin, hindi kami kasya sa iisang kotse kaya nagdala kami ng sari-sariling sasakyan nung umalis kami kanina. Para kaming tren na naligaw sa Rizal park dahil magkakasunod ang mga sasakyan namin. Dumaan muna kami sa Rizal Park para mag picture picture bago bumyahe na ulit pauwi sa condo namin sa Pasay.

PAGKARATING ko sa unit ko ay inayos ko na muna ang mga pinamili ko at naglinis ng katawan bago natulog na muna. Nakakapagod man ang naging gala naming magkakaibigan, masaya naman.

Flight Of Fancy Desire Where stories live. Discover now