CHAPTER 02

9 2 0
                                    

CHAPTER 02:


Hyacinthus...

Nilapitan ko ang isang hilerang tanim ng iba't ibang kulay ng bulaklak na Hyacinth at marahan iyong hinimas at inamoy. Ang bulaklak ng hyacinth ang isa sa mga paborito kong bulaklak bukod sa white rose. Ang bawat kulay ng bulaklak na hyacinth ay may kahulugan.

Dahil sa sobrang pagkahumaling ko sa hyacinth ay hindi ko na nakita kung saang daan nagpunta si Aireen, hindi pa naman namin kabisado ang pasikot sikot dito. Hinanap ko sya sa paikot ng lugar kung saan ko sya huling nakita pero hindi ko sya mahanap, napagod na ako kaya tinext ko nalang sya na sa hotel na kami magkita.

PAGDATING sa unit ay naabutan kong nagbabasa na ng libro si Aireen kaya nakahinga na ako maluwang. Nagre review sya ng basic drills at emergency procedures para kapag nag briefing ulit bago ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Mamayang gabi nalang ako magrereview.

Bukas na agad kami babalik sa pilipinas, magsasakay pa rin kami ng mga pasahero na pauwi sa bansa natin kaya mas hassle. Well, ganoon naman talaga ang lay-over, mananatili lang ng ilang araw sa isang bansa bago magsasakay ulit ng pasahero para makabalik ng pilipinas.

Kung baga ay hindi kami pwedeng umuwi ng kami kaming mga empleyado lang ang laman ng aircraft dahil masasayang ang lipad. Hindi na ako lumabas pa ulit ng unit pagkatapos ng gala namin ni Aireen kanina, hindi na rin naman na sya lumabas dahil abala sya sa mga bagay bagay na hindi ko alam kung ano man yung ginagawa nyang yon.

Nagsimula na rin akong magbasa basa ng ilan sa mahahalagang bagay na dapat alam namin sa tuwing lumilipad kami para sa kaligtasan ng lahat. Magmula sa emergency procedure, safety demo at iba pa kabilang na ang mga drills.

Gabi na ng maisipan kong ichat ang mga kaibigan ko kaya hindi ko na itinuloy baka kasi natutulog na sila o kaya naman ay may lipad din.

ILANG sandali nalang ay magte take off na kami, inaayos nalang ang mga bagahe ng mga pasahero at pinapaalalahanan sa dapat at hindi dapat na gawin habang nasa himpapawid.

Pagkatapos mag announce for take off ni Bry ay nagsi upo na kami sa jump seat, kapag nasa ere na ay saka kami tatayo at mag aalok ng kung ano ano sa mga pasahero.

"สวัสดี คุณให้นมฉันหน่อยได้ไหม" (Swạsdīkhuṇh̄ı̂nm chạnhǹxydị̂hịm) (Hi, can you give me some milk?) Saad ng ginang na nasa harap ko. Tulak tulak ko na ang trolley na naglalaman ng mga pagkain at inumin, pakiwari ko'y bibili sya ng pagkain.

Kaunti lang ang alam ko sa salitang Thai kaya hindi ako sigurado kung anong sinabi nya.

"ขออภัยคุณฉันขอถามคุณได้ไหมว่าคุณพูดภาษาอังกฤษได้อย่างไร ฉันเข้าใจภาษาของคุณเพียงเล็กน้อย"
(Khxxphạy khuṇ chạnkhxthāmkhuṇdị̂hịmẁākhuṇphūdphāsʹāxạngkvsʹdị̂ xỳāngrịchạn khêācıphāsʹākhxng khuṇpheīynglĕkn̂xy) (Sorry miss, may i ask if you know how to speak english? I only understand few from your language.) Magalang kong sagot.

Hindi ko alam kung tama pa ba ang pagbanggit ko sa bawat word ng sinabi ko, hindi naman ako fluent sa pagta-thai. Bahala na basta maiintindihan.

"Oh, sorry. I am asking for milk, for my daughter." Nakangiti nyang sagot sabay tingin sa batang babae na abala sa paglalaro sa ipad sa tabi nya. Jusme gatas lang pala nagkanda bali bali pa dila ko sa pakikipag usap sa kanya. Inabutan ko nalang sya ng gatas na naka karton, nagpasalamat sya bago magbayad. Nginitian ko nalang sya ng pilit bago umalis sa gilid nya. Hindi naman siguro halatang pilit yung ngiti ko ayos lang yan.

NAKABALIK na kami dito sa L.A, Lumiére Airlines hindi Los Angeles HAHA. Nagpaalam na si Aireen na mauuna na sya sabi ko kasi ay hihintayin ko pa sina Mira ang sabi niya nasa cafeteria sya kasama si Mae at Pearl. Wala pa sila Heaven at Madison dahil kaka baba pa lang din ng aircraft nila galing sa lipad kaya nag aasikaso pa sila ng mga pasaherong pababa. Pagdating ko sa cafeteria ay agad ko namang nakita ang mga kaibigan ko dahil wala namang masyadong tao ngayon dito.

"Tagal mo namang dumating, rumampa ka pa ba sa hallway?" Reklamo ni Mira sabay higop ng kape. Tinawanan naman namin sya nila Mae at Pearl.

"May press kasi sa hallway, naharang ako ganda ko daw eh." Biro ko pa

"Nakagala ka sa Thailand? Maganda ba?" Tanong ni Mae at Pearl.

"Oo, maganda naman kaya lang hindi ako gaanong nakagala, alam nyo namang makakalimutin ang lola nyo baka hindi na ako makabalik sa hotel pag gumala ako ng matagal HAHA."

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga flights namin habang hinihintay sila Madison. Matagal tagal din kaming hindi nakapag bonding magkakaibigan dahil sa sobrang pagka busy sa mga trabaho namin. Nasa iisang airline at iisang condo lang kaming anim, magkakatabi ang units namin sa condo, balak pa nga sana namin na magsama sama sa isang unit kaya lang wala ng available na malaking unit na kakasya ang anim.

"Hey girls!" Tawag ni Madison mula sa di kalayuan.

"Hey!" Sabay sabay na sagot naming apat sa kararating lang na sina Bella at Heaven.

Pagkaupo nila ay wala na ulit nagsalita, kumain na muna kami ng tanghalian dahil alas-dose na at pauwi na rin kami. Dito na daw kami kumain sabi ni Heaven para makapagpahinga na kami kaagad pagdating sa condo dahil pare pareho kaming mga pagod mula sa flights namin.

Tahimik lang kaming kumakain at kung minsan ay nagtatawanan dahil sa mga kalokohang ginagawa namin habang nakain. Pinaghahampas kasi nila ang mga kubyertos at baso habang ako ay pinatutunog ang bawat pagsipsip ko sa straw ng juice na iniinom ko. Para kaming mga batang tuwang tuwa sa ingay na nagagawa, mabuti nalang at walang ibang tao dito dahil kung meron, masyadong nakakahiya ang mga inaasta namin.

PAGLABAS ng elevator ay nagkanya kanya na kaming lakad papunta sa mga unit namin. May sampung unit dito sa 7th floor ng condo, ang anim na unit ay pag aari naming magka-kaibigan. Ang dalawa ay pag aari ng isang engineer at isang accountant, ang dalawa naman sa kaliwang dulo ng palapag ay wala pang nakakabili.

Hindi naman siguro halatang may pagkachismosa kaming anim dahil alam namin kung sino sino ang may ari ng mga unit na nakapaligid sa amin. May iba pa kaming kapwa empleyado sa LumiLines (Lumiére Airlines) ang nakatira din sa condo kung nasaan kami.


************
A/N: Hi! I am not that good at using Thai, kay mareng google translate lang ako nagtrans ng words. Pagpasensyahan nyo na kung may mali man sa words, you may correct me, i'll accept your corrections so don't hesitate to leave a comment <3

Flight Of Fancy Desire Where stories live. Discover now