Part 3: Si Milcah

1K 3 0
                                    

Nung araw ding yun Papa Dudut may isa akong nakilala sa text na isang bagong kaibigan na sinabihan ko ng pinagdadaanan kong lungkot at problema.

Though hindi ko naman siya ganun kakilala, pero sinabi ko pa rin. Gusto ko lang kasi ilabas yung nararamdaman ko at pinakinggan naman po niya at nagbigay siya ng advice.

Mga ilang oras ang nakalipas saka ko naisip na wala naman na akong magagawa. Parang yun lang iniyakan ko pa.

Para akong hindi lalaki. Sabay tawa ng malakas.

Saka ko tinext ulit yung bago kong kakilala. Siya pala si Izza, 2nd yr High School siya sa mismong Eskwelahan ko din. Hindi ko inaasahan na Section 1 din siya nun. Naghahanap pala siya ng textmate kaya humingi siya ng mga number sa mga kaibigan kong lalaki. At dahil sa wala naman akong ginagawa nung mga oras na iyon at para na rin makalimot talaga, nanghingi na din ako ng mga number ng mga kaklase niya na babae at ibinigay nga niya ang isang number. Hindi ko na tinanung kung anong pangalan nung ibinigay niya, tinext ko na lang ito agad.

Hindi ko naman inaasahan papa Dudut na magrereply siya at nagpakilala nga na siya si Milcah.

Isang linggo din kaming magkatext at magaan ang loob ko sa kanya dahil napapangiti niya ako kahit hindi pa kami nagkikita.

Isang hapon nga sa loob ng aming paaralan, at dahil parehong panghapon ang schedule ng pasok namin ng mga

2nd year at 3rd year students, habang naghihintay sa gilid ng stage, tinext ko si Izza kung nasaan si Milcah?

Gusto ko siya makita. (Maraming 2ndyr din kasi na mga classmate niya ang mga nakaupo din sa gilid ng stage nung oras na yun) Tinext naman ako ni Izza at sinabing

"Yung nakaupo na may hawak na gunting at may ginugupit, yun si Milcah"

Hinanap ko yung may hawak na gunting at di ko kaagad napansin na malapit lang pala siya sa inuupuan ko.

Unang tingin ko pa lang kay Milcah, di ko na po maalis ang mata ko sa pagkakatitig ko sa kanya.

Long straight hair, slim, mapupula ang mga labi at kaygandang pagmasdan lalo na ang kanyang mga mata sa tuwing ngumingiti siya. At isa lang po ang masasabi ko, napakaganda po niya sa aking paningin.

Hindi ko na siya nalapitan nun dahil nag ring na ang bell ng school at nagpasukan na ang mga estudyante.

Pero ang ngiti sa labi nung mga oras na iyon ay hindi ko pa rin maalis sa aking mukha.

Masaya na ako at may iba akong naramdaman nung makita ko na si Milcah.

Dumaan ang mga linggo at unti-unti ko nga siyang nakilala.

Hindi niya alam Papa Dudut na nakita ko na siya. At hindi ko rin alam na nakita na din pala niya ako.

Pareho lang kaming nagkakahiyaan kaya hindi pa kami nagkakausap ng personal.

Pero isang gabi habang nag-uuwian na ang mga estudyante, nakita ko si Milcah na pauwi na kasama ang isa niyang kaibigan. Tumakbo ako nun para malapitan siya ngunit may mga dumaan na grupo ng mga estudyante sa harapan ko kaya napalayo tuloy si Milcah at mukhang di ko na maabutan. Kaya isinigaw ko nalang ang pangalan niya.

"Milcah!"

Napalingon siya sa likuran at nakita niya ako.

Nginitian ko siya habang humihingal pa saka ko siya tinanung

"Pauwi ka na?"

At dahil medyo malayo siya sa akin, ngumiti lang siya at tumango.

ang sabi ko sa kanya na medyo pasigaw,

"Ingat ka ha!"

Saka siya tumalikod at tumuloy sa paglalakad pauwi.

Binunggo pa siya ng kasama niya na parang kinikilig dahil sa naging usapan namin ni Milcah.

 Simula nun Papa Dudut hindi na siya naalis sa isip ko.

Uso pa nun ang Sulatan kaya naman sinusulatan ko siya, at nagrereply naman siya sa mga sulat ko.

Sa ganoong paraan, nakakapag usap na kami kahit sa sulat lamang. Dahil hindi naman kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap ng kaming dalawa lang ng personal dahil parang umiiwas siya.

Hindi ganoon kadaling manligaw Papa Dudut lalo na kung may ibang nagugustuhan ang taong gusto mo.

Oo papa Dudut, may iba siyang crush at nung tanungin ko siya kung pwede ba akong manligaw.

Sinabi nalang niya sa akin na

"Pasensya na, uunahan na kita, hindi ko masusuklian ang pagmamahal na hinihingi mo.

Friends pwede pa."

Tinanggap ko naman ito Papa Dudut. Okay lang sakin, tutal hindi pa naman kami talaga magkakilala ng lubusan tapos liligawan ko siya agad. Naisip ko nalang na nagmamadali kasi ako. kaya ang ginawa ko, kinaibigan ko nalang siya.

Lumipas ang taon at naging mabuting magkaibigan naman kami ni Milcah. Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko sa kanya kahit na alam ko na mahirap itong gawin.

THE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon