Part 2: Ang Aking First Love

1.7K 7 0
                                    

Dito na po sa Marikina ako grumaduate ng elementarya at pumasok ng high school.

Tahimik po akong tao at hindi palakaibigan kaya iilan lang po ang kinakausap ko sa classroom nung ako ay First Year.

Dumating ang 2nd Year at medyo nakisalamuha na ako sa iba kaya nagkaroon ako ng barkada.

Dito ko po naranasan na masaya pala maging highschool dahil sa mga kaibigan na handa kang damayan sa oras ng problema at kagipitan, pero ang higit sa lahat nakakasama mo sila sa tawanan, asaran sa mga crush at iba pa.

May mga crush na din po ako nun pero hanggang doon lang po at hindi ko sineseryoso.

Pero kahit ganun pa man, nagsisipag pa rin ako sa pag-aaral dahil ayokong magkaroon ng mababang marka.

At ikinatuwa ko naman na isa ako sa mga nangunguna sa klase namin.

Ngunit ng tumuntong na ako ng 3rd yr High School, nahiwalay po ako Papa Dudut sa mga kabarkada ko.

Napunta po kasi ako sa Highest Section at sila naman po ay mas lalong bumaba ang Section.

Sobrang lungkot ko nga po noong time na yun dahil sa bukod tanging ako lang sa magbabarkada ang nalipat sa Section 1 na hindi ko naman pinangarap dahil okay na naman ako sa mababang section basta kasama ang barkada.

Nung unang araw ng klase, gustong gusto ko na po talagang magpalipat ng ibang classroom pero hindi pumayag ang mga barkada ko.

Ang sabi nila sa akin, "Okay lang yun J.A. Sira ka ba, hindi ka naman namin tatanggalin sa barkada. saka magandang opportunity na yan para makapagfocus ka ng mabuti sa pag-aaral mo"

Ngunit sinabi ko "Ayoko talaga. Mukhang mayayabang sila. Ang hirap nilang pakisamahan"

Ngunit dinugtong ng isa kong barkada "Sa una lang yan, masasanay ka rin. Saka wag mo na kaming intindihin, ano ka ba, masaya kami na may kaibigan kaming matalino sa section 1. Hahaha!" Sabi ko naman "Mga sira, di naman ako matalino" sabay tawa kaming lahat.

Nangangapa pa ako sa mga unang linggo sa paligid ko at sa mga kaklase ko pero di kalauna'y nasanay na din ako.

At hindi ko inaasahan na dito ko rin makikilala si Kris, ang aking First Love.

Maganda pero Simple lang siya Papa Dudut at higit sa lahat, ang lakas ng dating.

Pano ba naman, nalaman ko din na lima pala kami sa loob ng classroom na nagkakagusto sa kanya at may mga itsura din naman ang mga nagkakagusto sa kanya. Pero hindi po ako nagpatalo kaya pinilit ko pong lumapit ang loob nya sa akin at naging close po kami.

Hindi rin sa pagmamayabang papa Dudut, may maipagmamayabang din naman ako.

Medyo maputi, 5'5 ang height, Dark brown ang buhok at light brown ang mata na akala ng iba ay naka contact lens ako. May hawig din daw po ako kay Lee Seung Gi o mas kilala sa pangalang Dae Wong sa palabas na My girlfriend is a Gumiho.

Ayun na nga po Papa Dudut, Madalas ko po siyang nilalapitan at madalas din po kaming magkatext.

 Di ko po akalain Papa Dudut na sabay-sabay pala kaming nanligaw ng limang kaklase ko kay Kris. At dahil sa hindi pa ako marunong manligaw, naunahan na ako ng iba kong kaklase at ang isa dun ay napasagot siya.

Sobrang sakit po para sa akin yun Papa Dudut dahil siya ang una kong pag-ibig, tapos nabusted pa.

Hindi po ako nakatulog nung gabing yun ngunit wala namang lumalabas na luha sa aking mata.

4:00am ako bumangon nun at nagkunwari lang akong bagong gising para hindi makahalata si Mama na hindi ako natulog.

Nasa sala lang ako nun habang nagbabasa ng text sa cellphone ko hanggang sa makita ko yung mga dating text ni Kris sa akin kaya naalala ko yung mga masasayang araw namin at hindi ko napansin na unti unti na palang tumutulo ang luha ko at di ko na ito napigilan, nagpatugtog pa ako nun ng music para di makahalata si Mama na umiiyak ako.

Pumasok ako ng maaga sa school at napansin nga ng mga barkada ko at mga kaklase ko ang pagkatamlay ko nung araw na iyon.

THE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon