Part 5: Break-up

489 3 0
                                    

Kaso habang tumatagal ang relasyon namin, hindi ko inaasahan na dumating sa point na parang nanlalamig siya sa akin.

Hindi man niya sinasabi sa akin, nararamdaman ko ito dahil sa mga kilos niya.

Kapag tinatanung ko naman siya, hindi niya sinasagot at umiiling lang siya.

Pero narinig ko sa isa niyang kaibigan na close ko din naman na bumabalik daw ang gusto ni Milcah sa dati niyang boyfriend.

Nasaktan ako Papa Dudut sa mga narinig ko, pero ayoko namang sumbatan siya dahil sa mahal na mahal ko talaga siya at di ko pa naman talaga sure kung totoo yun. 

Isang araw habang nasa isang party kami, sinabi ko sa kanya na mag-usap kami mamaya.

Pumayag naman siya kaya nung nagkaroon na ng oras para mag-usap kami,

habang nasa tabi kami ng ilog, tinanung ko siya tungkol sa narinig ko sa kaibigan niya, hindi siya makatingin sa akin ng diretso, sa ilog lang siya nakatingin.

Tinanong ko siyang muli, ngunit parang naintindihan ko na rin kahit hindi siya sumasagot.

Ang sabi ko sa kanya

"Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal Milcah.

At handa akong gawin ang lahat maging masaya ka lang. Ayokong maging malungkot ka sa

piling ko. Kung may nagawa man akong mali na hindi mo nagustuhan, humihingi ako ng tawad.

Pero kung ang ikasasaya mo ay hindi sa piling ko, papakawalan kita kahit na sobrang sakit sa

akin ito. Salamat sa mga oras at panahon na nagkasama tayo. Siguro sa ngayon, Cool off muna tayo,

gusto ko munang pag isipan mo ng mabuti ang nararamdaman mo, andito lang ako maghihintay sa iyo."

Wala pa rin siyang imik Papa Dudut sa mga sinabi ko, bumalik na kami sa mga kaibigan namin

at nakita kong niyakap niya ang kaibigan niya at umiyak siya.

Ayoko siyang makitang umiiyak kaya umalis ako sa party at saktong may katropa akong may birthday din nung araw na yun kaya pinuntahan ko nalang yun. Nagkainuman kami at umuwi akong lasing.

Habang naglalakad pauwi, hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari kanina sa usapan namin.

Nagdaan ang isang Linggo na hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin.

At dumating din ang araw ng Monthsary namin na hindi man lang siya tumatawag o nagtetext.

Sinabi ko sa sarili ko nun na hindi pwedeng hindi kami magkita ngayon. Espesyal ang araw na ito para sa amin kaya kahit di kami nagkakaintindihan, gusto ko pa rin siyang pasayahin.

Kaya ang ginawa ko, pumunta ako ng Mall para bumili ng gift para sa kanya.

Nagpasama ako sa kaibigan kong babae para pumili ng regalo para sa isang babae.

Tuwang tuwa pa ako nun habang bitbit bitbit ko yung regalo ko para kay Milcah.

Tinext ko rin siya kung pwede siyang lumabas sa bahay nila dahil gusto ko sana siyang sorpresahin sa dala-dala ko. Walang reply mula sa kanya. Feeling ko tuloy ayaw niya makipagkita sa akin.

Naghintay ako Papa Dudut ng tatlong oras kahit nagsisimula ng umulan pero walang Milcah ang lumabas sa bahay nila.

Umuwi akong nanghihina at basa sa ulan.

Pinuntahan ko nalang yung classmate ni Milcah na si Rose na close friend ko rin naman at saka ako naki usap.

"Rose, pwede bang ikaw nalang ang magbigay ng regalo ko kay Milcah, mukhang ayaw niya makipagkita sa akin."

Nagtaka pa siya pero nung sinabi ko ang dahilan, bigla siyang sumang ayon.

"Sige, ako nalang ang magbibigay bukas nito J.A." at saka ako tumalikod para umalis.

Pero ang totoo, nangigilid na ang mga luha sa mga mata ko nun at ayoko ipakita kay Rose na classmate niya.

Mukhang napansin ni Rose iyon kaya bigla siya nagsalita."Hindi ka magiging okay kung hindi mo ilalabas yan

Humarap ako bigla sa kanya at saka ko siya niyakap at saka ko inilabas ang lahat ng naipong sakit sa loob ko.

"Okay lang yan, makakayanan mo rin yan J.A." sabi niya sa akin.

Pagkatapos nun umuwi na ako at nagkulong sa aking kwarto.

Hindi rin ako nakapasok kinabukasan dahil nagkasakit ako dahil sa naulanan kahapon.

Paggising ko, nakita ko nalang yung cellphone ko na may mga misscalls and texts.

Nabasa ko rin yung text ni Milcah na

"J.A. thank you sa gift mo sakin na pink na bear sobrang nasurprise talaga ako nung sinabi sakin ni Rose na galing sa iyo ito"

"Sorry din kung hindi kita nareplyan kahapon dahil lowbat ang cellphone ko at wala ako nun sa bahay, nakila tita ako."

Okay na din sa akin yun Papa Dudut, ang importante naging masaya siya.

Pagkatapos nun, Minsanan na lang kami magka usap at magkatext.

Isang buwan pa ang nakalipas, siguro may mga relasyon talaga na hindi rin nagtatagal.

At ayun nga ang nangyari, nakipagbreak na talaga siya sa akin.

Masakit. OO. Masakit talaga Papa Dudut. Lalo na kung iwan ka ng taong sobrang mahal at minahal mo.

Masakit tanggapin na wala ng Milcah sa buhay ko.

Dahil sa nangyari, bumaba ang mga marka ko sa paaralan.

Tinatamad na akong pumasok nun, pinipilit ko nalang kahit ayoko talaga.

Kinausap ako ng mga kaklase at ibang mga Professor ko kung bakit nagkaganun ang mga grado ko. Hindi naman ako makwentong tao kaya hindi rin nila nalaman ang sagot. Pero pinayuhan nalang nila ako na kung ano man ang nararamdaman ko, hindi pa ito ang katapusan, kung nadapa man ako, pwede pa rin daw akong tumayo.

THE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon