Part 4: Ang Masasayang Sandali

610 3 0
                                    

Nagpakabusy nalang ako sa pag-aaral nun dahil graduating na ko.

Nawalan din kami ng komunikasyon ni Milcah nun at nabalitaan ko na nagkaboyfriend na pala siya pero LDR o Long distance relationship sila dahil yung lalaki ay taga probinsiya nila. Nagkagirlfriend din naman ako ng dalawa pero hindi rin nagtagal dahil S.O. o "Secret On" lang.

Grumaduate ako ng high school at nakapag-aral ako ng College sa isa sa mga Private School sa Cubao, Quezon City. 

Naging busy ako sa pag-aaral sa kinukuha kong Kursong Business Administration.

Nagkaroon ulit kami ng komunikasyon ni Milkah nun at nagbabalitaan sa mga nangyayari sa amin sa aming mga buhay.

Graduating na siya sa High School nun at naging super close kami kahit na may boyfriend siya.

Madalas na kami mag usap na kaming dalawa lang sa tabi ng ilog at kung saan saan na rin napunta ang aming usapan hanggang sa naitanong ko sa kanya

"Sana pala noong High School palang tayo eh naging close na tayo katulad nito."

Sabi naman niya,

"kaya nga eh. Pasensya na dati ha? Yung alam mo na."

Tinutukoy niya yung nanligaw ako sa kanya.

"Wala yun. hahaha! naalala mo pa yun." sabi ko.

"Pasensya na talaga dun, wala pa kasi sa isip ko nun ang magka boyfriend." sabi niya.

Medyo nangiti naman ako kasi 2yrs na ang nakakalipas simula nun at pinagtatawanan nalang namin yung mga nangyari dati.

Hanggang sa isang araw,

May ibibiigay daw siya sa aking letter. isang buwan na daw nakakalipas simula daw nung ginawa niya iyon.

Nahihiya lang daw si Milcah na ibigay sa akin yun, pero pinilit ko pa rin siya na ibigay.

"Sige na. Ibigay mo na sa akin yan. Sayang naman yung pinagpaguran mo kung di mo rin ibibigay sa akin yan."

Naexcite kasi ako Papa Dudut dahil parang namiss ko yung dating sulatan namin nung high school palang ako.

Ibinigay naman niya ito at pagka uwi ko saka ko binasa.

Parang bumaligtad ang mundo samin Papa Dudut.

ilan sa mga nakalagay sa sulat ay,

"Dear J.A.

nagulat ka siguro kasi nagsulat ako sa iyo. hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko.

Masaya ako kapag kasama kita, napapasaya mo ako kapag nakakausap kita. Hindi ko talaga maintindihan.

At isa lang ang alam ko, it is wrong for me to fall for you kasi may boyfriend ako. Ang sabi ng mga kaibigan ko,

namimiss ko lang daw siguro yung presence ng bf ko kasi were miles away. Basta ganun ang nararamdaman ko.

Pasensya na, ayokong guluhin buhay mo, sana walang magbago sa atin. Sana ganito pa rin tayo kaclose"

Nabigla ako Papa Dudut sa nabasa ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil dati mahal ko siya, at magpahanggang ngayon pa rin naman mahal na mahal ko pa rin si Milcah pero hindi ko magawang matuwa ng sobra kasi may bf siya ng mga oras na iyon.

Wala namang nagbago Papa Dudut sa samahan namin bilang magkaibigan, mas lalo pa nga kaming naging close na akala ng iba kami na pero hindi. Isang araw, nalaman ko nalang na break na pala sila ng bf niya at nung tanungin ko siya kung bakit sila nagbreak, ayaw niyang pag-usapan at iniiba niya ang topic ng aming usapan. Ginalang ko naman yun Papa Dudut kaya di ko na rin inungkat pa ang kanilang break-up.

Ilang buwan din nakalipas at kaming dalawa ay naging sweet sa isa't isa hanggang sa dumating sa point na pareho na kami ng nararamdaman.

Isang gabi pagkalabas namin ng simbahan, tinanung ko siya

"Ano ba talaga? OO o HINDI?"

Alam niya Papa Dudut ang ibig kong sabihin, na kung sasagutin na ba niya ako o hindi.

pero nginingitian niya lang ako at hiniram ang cellphone ko.

Akala ko may itetext siya, ang sabi niya lang

"Buksan mo yung Drafts ng cellphone mo pagka-uwi mo, may tinaype ako na naka save dun." sabi niya.

"Ano yun?"

Akma ko sanang bubuksan pero pinigilan niya ako.

"Sabi ko nga diba na sa bahay mo na buksan pagkauwi mo."sabi niya.

sinunod ko naman siya Papa Dudut at pagkauwi ko sa amin at pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pinto,

binuksan ko na ito agad.

Napasigaw at napatalon pa ako nung nabasa ko ang laman ng drafts ng cellphone ko.

dahil ito ang nakalagay

"OO. Sinasagot na kita J.A."

napa "YESSS!!!" talaga ako sa sobrang saya.

yun na ata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko, ang sagutin ako ng taong mahal na mahal ko.

Masaya ang aming naging relasyon. May theme song pa nga kami.

Yung ALWAYS by Atlantic Starr. |Sinusundo ko rin siya at hinahatid sa kanila.

Nagdedate na din kami at kumakain sa labas.

Hindi pa kami legal nun kaya hanggang gate lang ako ng bahay nila. Pero okay lang sa akin yun, dahil alam ko rin naman na darating din ang oras na iyon para sa aming dalawa.

THE LETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon