Friendzone

159 12 6
                                    

"Hindi porket lagi ka niyang kasama, kausap, katext at sweet siya sayo, hindi ibig sabihin nun ay may gusto din siya sayo, minsan sadyang assuming ka lang talaga."

Question: Sino ang dapat sisihin sa usaping friendzone? Paano ba natin ito maiiwasan?

Answers:

Girls: Hindi namin maintindihan kung bakit ang sama-sama ng tingin samin ng mga tao or should I say ng mga lalaki kapag "ni-Friendzone" daw namin sila. Bakit kami ang may kasalanan ng lahat? Hindi ba pwedeng assumero lang talaga sila at na-misinterpret nila ang pakikitungo namin sa kanila? Kami kasing mga babae, likas na malambing naman na kasi kami, kaya kung akala niyo ang simpleng sweet words/treatment namin sa inyong mga lalaki ay akala niyo may gusto kami sa inyo, well...nagkakamali kayo kasi nga sadyang sweet lang kami, makikita o mararamdaman niyo naman kapag may gusto ang isang babae sa inyo eh. Tsaka kung gusto niyo makaiwas na ma-friendzone, kung nanliligaw or may gusto kasi kayo saming mga babae, sabihin niyo agad para naman alam namin kung anong approach ang gagawin namin sa inyo or sasabihin namin para naman hindi kayo masiado mag assume or mag expect na may MORE THAN na namamagigitan satin. Tama naman ang katwiran namin hindi ba? At kung lalandiin niyo man kami, sana hindi yung sa huli kami pa ang magmumukhang masama. Aba! Sumosobra naman na ata kayo, iniisip niyo kasi na nagtake advantage kami sa inyo eh, well in fact naman talaga ay kayo naman din ang nag insist na gawin ang mga bagay-bagay na yun samin kahit hindi naman namin hinihiling di ba? So ayun nga, let us know what you feel and i-clear namin sa inyo kung ano ang realscore between satin. Okies?

Girls, let's make things easier for them, wag natin sila "paasahin", kung ayaw niyo sa kanila, then sabihin niyo sa kanila. Yes, ayaw niyo lang makasakit ng damdamin nila, pero mas masasaktan kasi sila kapag binigyan niyo sila ng idea na sweet kayo sa kanila parang ang dating is 'false hope' lang naman pala yun para sa kanila. Hindi natin maiiwasan ang makasakit, pero maiiwasan natin na mas madoble ang sakit na mararamdaman nila mula satin. So again, if you don't like the guy, tell him straight and he will understand. I know they will. Right boys?

Boys: Tayong mga guys, we are the number one victim of Friendzone. Yes, may mga babae din na na-friendzone, pero the ratio of 1 girl to 100 guys (not exagerating) something tells us na we are always the victim of this. So boys, instead of pointing fingers kng sino ang dapat sisihin, ito gawin nyo sa panliligaw para maiwasan mapunta sa hell... the friendzone. Two easy steps.

STEP 1: Meet and be friends for a while: yeah dapat talaga kilalanin mo muna yung girl na liligawan mo. Be friends muna kayo PERO wag kayo tatagal sa pagiging friends at baka ma stuck ka dun. know her strong points and weak points.

STEP 2: Grow some balls: (Sorry sa mga wala nito :D) Guys... you got this.. take a deep breath and ask her on a date. Yung date na pinapakita mo, intention na gusto mo sya and take your relationship to the next level. If ayaw nya .. then leave it be and maghanap ka na lang ng ibang babaeng maliligawan. Guys MADAMI IBANG BABAE DYAN! Time to leave...pero ikaw, baka mamaya mas gusto mo ma-stuck sa hellzone.

Guys wag kayo maninisi or magalit pag na friendzone kayo. Its either di talaga kayo gusto ng girl or they just dont feel it yet. Be cool and look for other na lang, if nagalit yung "bestfriend girl" mo dahil may iba kang babaeng nililigawan just say "Bakit tayo ba?" then baka magising yung bestfriend girl mo ;)

***Abangan ang susunod na paksang tatalakayin. Kung may mga katanungan, bayolenteng reaksyon, o nais maglabas ng saloobin o opinyon ukol sa paksa ay maaari niyo lamang po itong ikomento sa ibaba :) maraming salamat sa mga pumansin nito. hanggang sa muli mga kaibigan.

Perception of Man and Woman (two sides of love) - On the ShelfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon