Closer To You

10 0 0
                                    

CHAPTER 7:

ISHI'S POV:

Anniversary na namin ngayon ni Renz. First Anniversary na namin. Ang ng panahon no?! Naka one year kagad kami. Niligawan nya yung family ko nung sinagot ko sya.

*FLASHBACK*

Dito magdidinner ngayon si Renz. Ngayon ko sya ipapakilala kila Mama at Kuya ng personal. Kasi naman sa Picture lang nila nakikita si Renz. Sinabi ko na din sa kanila na sinagot ko na si Renz. Medyo nagulat si Mama kasi ang bilis naman daw. Pero si Kuya ang gulat na gulat. Alam nyo naman napakastrict ni Kuya, eto nga't di mapakali lakad ng lakad sa may sala. Mukhang sya pa kinakabahan kesa sakin. Nahihilo na nga ako sa kanya kasi nakaupo ako sa sala tapos sya lakad ng lakad.

"Kuya, umupo ka nga! Nahihilo ako sayo!" sabi ko.

"Kasi naman baka mamaya niloloko ka lang nyang boyfriend mo tsaka maapektuhan pa pag aaral mo. Sinasabi ko sayo mag aral ka muna bago ka mag asawa!" sabi nya habang naglalakad lakad.

Tumayo ako at niyakap ko sya.

"Kuya naman chill ka lng, mabait si Renz. At di maapektuhan pag-aaral ko kasi good influence si Renz. Mahilig sya mag-aral kaya nga mas gagalingan ko pa kasi matalino si Renz at nakakahiya naman kung yung girlfriend nya boblaks. Tsaka di sya mamamanhikan kuya! Boyfriend ko pa lang sya kaya naman wag kang praning dyan!" sabi ko.

"Kasi naman ngayon ka pa lang magdadala at magpapakilala ng boyfriend dito. Pag uwi ni Papa lagot ka dun!" sabi pa nya.

Hinawakan ko sa balikat si Kuya at pinaupo ko sya sa may sala.

"Kuya bago ko pa sya ipapakilala ngayon sa inyo, naipakilala ko na sya kay Papa. Nagskype kami pinakilala ko si Renz kay papa at nagkasundo nga sila e kaya di magagalit si Papa sakin." sagot ko.

"Siguraduhin mong nice yang si Renz kundi ipapabugbog ko yun!" sabi pa ni kuya.

"Kuya napakanice ni Renz kaya wag ka ng praning!" sagot ko.

*Ding dong*

"Ishi andyan na yata Prince Charming mo!" sabi ni Mama na nasa kitchen.

CLOSER TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon