Closer To You

14 1 0
                                    

CHAPTER 5:

ISHI'S POV:

          Naglalakad kami ngayon ng mga kaklase ko papuntang gym para tumambay lang sa harap. Wala naman kasi kaming matatambayang iba. Mamaya pa yung next subject namin. Kumuha ako ng upuan at umupo na ko. Tumapan ako sa may daanan at kapag tumawid ka nun may kainan dun. Kaya naman nakikita ko yung mga kumakain.

          Pinapanood ko lang yung mga dumadaan para naman di ako mainip dito. Di ko alam bakit biglang napatuon yung tingin ko sa may kainan. Tapos may nakita ako limang lalaki may dala dala silang footlong. Nakakagutom naman yun. Pero teka parang namumukhaan ko yung limang lalaki na yun. Oo si Lucas, Sean, Andrei, Raven at si Renz. Umupo na sila, Si Renz nakasideview sakin at sinimulan na nyang kagatin yung footlong nya at ako eto tinatanaw ko lang sya habang naglalayaw na ko sa kinakain nila.

"Uyy tulala ka ata?" bati ni Arielle.

"Ang ganda ng view ko." sagot ko habang nakangiti.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Arielle.

"Ayun oh!" sabi ko sabay turo sa direction nila Renz.

"Ayy kaya pala andun pala yung taong pinapantasya, osige iwan muna kita dyan. Makichika muna ko kila Nicole." sagot nya at umalis na din.

          Hanggang ngayon pinapanuod ko pa din si Renz kahit napapangalahati na nya yung footlong nya.At ng may malaking lalaking humarang sa view na pinapanood ko. Kainis di ko tuloy makita si Renz. Baka mamaya mawala na yun.

"Psst. kuya!" tawag ko dun sa lalaking humarang sa magandang view na natatanaw ko.

"Bakit?" tanong nya at lumapit pa sakin lalo ko tuloy di nakita si Renz.

"Kuya ang luwag ng lugar dun oh! wag ka dyan parang awa mo na ang ganda ng view ko e." sagot ko sabay turo sa ibang lugar na may malaking space para sa tabachoy na gaya nya.

"Ayy sorry miss!" sagot nya at umalis na sya.

          Pagkaalis ni Kuya binunot ko yung cellphone ko sa mahiwagang bulsa ko at pinicturan si Renz habang kumakain ng footlong. Naubos na ni Renz yung kinakain nyang footlong at tumayo sya. San kaya sya pupunta?!

"Uyy Ishi patabi ha?" paalam ni Yen.

"Sige lang." sagot ko.

"Kanina ka pa dito ha? Di ka man lang makikichika kila Nicole?" tanong nya.

CLOSER TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon