Closer To You

35 1 0
                                    

CHAPTER 1:

ISHI’S POV:

          Nandito ako ngayon sa park ng school namin, sa may ilalim ng puno at naghihintay ng grasyang babagsak sa harap ko.

Yung tipong babagsak dito sa harap ko si Lee Min Ho o si Daniel Padilla o si Kim Soo Hyun o si Enrique Gil o kaya naman si

Choi Min Ho. Lakas makadaydream ng mga gwapong nilalang na mga iyan. Kahit naman siguro sinong babae pinapangarap yung mga

lalaking yan e.

         

Yung totoo ko talagang ginagawa e nagrereview talaga ko para sa Philippine History. May quiz kasi kami dun. Mas gusto ko

magreview dito kasi tahimik at maaliwalas at higit sa lahat walang kaklase na maya maya tanong ng tanong.

“Hi ate may ginagawa ka?” tanong ng isang babaeng estudyante.

“Obvious ba?” tanong ko sa kanya.

“May assignmet lang po kami sa Psychology about love, pwede ko po ba kayo tanungin ng mga 5 questions lang po?” tanong ulit

nya.

“Osige na nga, baka sisihin mo pa ko kapag bumagsak ka.” Sagot ko.

          Umupo na sya sa harap ko. At inilabas na nya ang handy notebook ni BluesClues sa back pack ni Dora at kumuha ng

ballpen sa bulsa ni Doremon.

“First question po, na-inlove ka na po ba?” tanong nya.

“Hmmmm……………... Oo naman!” sagot ko.

“Ilang beses na po?” tanong nya ulit.

“Isang beses pa lang.” sagot ko naman.

“Kamusta po kayo ng First Love mo?” tanong nya.

“Hmmmmmmmmmmmm…………………. Di nya ko kilala e.” sagot ko ulit.

“Ano po?! Na in love ka po sa kanya ng di ka nya kilala? Baka naman po crush lang yun.” Sagot nya.

          Aba marunong pa sakin yung bruhang to no? kung itumba ko kaya to?! wag ganun bad yun e hahahaha!

CLOSER TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon