Prologue

8 1 3
                                    

"Sa tingin mo magkakaayos pa kayo ni Sofia? " Pinitik ni Clarence ang daliri niya malapit sa mukha ko.

Kanina pa ako nakatulala dito dahil pagkatapos ng insidente dalawang taon na ang nakalipas, nakita ko ulit si Sofia. After namin grumaduate ng high school ngayon lang ulit kami nagkita, or should I say ngayon ko lang ulit siya nakita. I never had any news kung nasan man siya sa mga nakalipas na taon, hindi na ako nakabalita, nahihiya ako sa kanya. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari noon kaya't naguilty ako na iniiwasan ko siya sa lahat ng pagkakataon. Masyado lang akong isip-bata noon at hindi ko alam ko paano i-hahandle ang mga emosyon. 

" Hindi naman kami nag-away. Parang ang akward lang ng pangyayari. Ewan ko, basta..... " Malakas ang buntong hininga ko. Pinakawalan ang lalim ng isipan.

Nagulat rin ako ng nakita ko siya kanina papasok sa Cafe kung nasaan kami ngayon. Marahil hindi niya ako nakita dahil nandito kami sa gilid ng bintana malapit sa may aircon. 

" Inaway mo siya ah! At dahil sa lalaki " He smirk at me. Pinapahiwatig sa akin na alam niya ang lahat ng nangyari samin noon. " Minsan talaga , pag-ibig ang dahilan kaya't nasisira ang pagkakaibigan "  he added. 

Ininom niya ang kape habang nakatingin sa labas. Binaling niya ulit ang tingin kung nasaan si Sofia kanina kaya't sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Lumingon siya sakin kaya't pinadilatan ko ng mata. 

" Hindi ko siya inaway.......... sadyang nasaktan lang ako noon. Pakiramdam ko kasi ginawa akong panakip-butas ng taong akala ko ako ang gusto, eh si Sofia naman pala.  Ginamit lang pala akong tulay papunta kay Sofia " Mahina ang boses ko habang sinasabi kaw Clarence iyon, takot na baka may makarinig at baka makita pa kami dito. 

" Sa tono mo parang di kapa naka move-on ha? Sa dami ng lalaki mo, mahal mo pa rin ba yung gagong ex mo HAHAHAHAHA"   

" Will you shut up Rence? Wala na sakin yun. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko ngayon? Lalapitan ko si Sofia at yakapin? Masyado naman akong feeling close kung ganun. Baka nga nakalimutan na ako niyan eh....Marami naring nagbago sa kanya, dati mahiyain yan parang ngayon iba na...."  I smiled bitterly. Nanghihinayang sa pagkakaibigang nasayang.

"Hmmmmm. Alam mo kanina ko lang din nalaman eh. I heard she's already engaged.... Nasabi lang sakin ng pinsan ko, bestfriend niya kapatid ni Sofia" Sinabi ni Clarence ang balitang yun na parang hindi naman nakakagulat. Tinatapik-tapik lang ng daliri niya ang mesa tsaka tumingin sa akin. " I think it's fix marriage. Madalas ganyan ang nangyayari sa mga mayayamang angkan. Para mas lalong mapalakas ang negosyo kailangan ng merging ang bawat kompanya...... Maswerte ka nga lang kung matutunan mong mahalin ang mapapangasawa mo kahit pinakasalan mo lang, dahil sa negosyo"

Nagulat ako sa balita pero hindi na bago ang ganyan sa mga mayayaman. Naaalala ko lang kung gaano kaayaw ni Sofia na pangunahan sa usaping kasalan. I wonder if she loves the guy now, since she agreed on the marriage. Palihim akong tumingin kung nasaan siya. Nakaupo na ngayon sa isang lamesang siya lang ang umukupa. Inilabas ang kanyang cellphone at may tinawagan. Napatingin siya sa gawi namin kaya't mabilis kong tinakpan ng buhok ang mukha ko ngayo'y nakaharap na sa labas. Dati mahaba ang buhok ko, umaabot hanggang baywang. Pero simula nong graduation na maintain ko na ang buhok kong hanggang balikat lang. 

" Oo nga naman. Hindi ako maka relate sa ganyan eh haha.....Baka nga ikaw ma fix marriage ka rin? " Inasar ko siya dahil napansin ko ang pagiging seryoso niya kanina. Palagi naman siyang seryoso kaya tingin ng iba'y napaka mesteryoso niyang tao. Pero ang totoo'y kilala ang apliyido niya. Pamilya niya ang nagmamay-ari ng isang sikat na paliparan sa Piliipinas. 

He looked at me with annoyance in his eyes. I know him too much. We've been friends since high school kaya alam ko kung paano siya inisin.  We used to compete with each other before. We both graduated with the highest honor kaya lang, pangalawa lang siya sa akin. He even hated me so much back then dahil lang natalo siya sa chess contest sa school na ayon sa kanya, wala pang nakakatalo sa kanya noon. Well, bago ko siya tinalo ofcourse. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fire Of SunrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon