Last Word Three

629 30 4
                                    

I am heading to the place where we last met. I don't know, I suddenly felt nervous, habang palapit na ako ng palapit sa lugar ng pupuntahan ko ay isa isang nanunumbalik ang mga alaala namin nung kami pa ay magkasama.

It's just a few minutes drive para marating ko ang bahay ni Gabriel or should I say naging bahay namin. Pagkarating ko doon ay pinili ko muna magmasid mula sa labas. Para kasi akong dinadaga kahit alam kong siya ang may kasalanan sa akin.

Huminga ako ng malalim bago ko napagpasyahan na lumabas ang kotse at tinungo ang gate ng bahay ni Gabriel.

'Nandito kaya siya?' tanong ko sa sarili ko habang binubuo ko ang sarili ko. Wala talaga akong idea kung bakit nagkakaganito ako ngayon, dahil hilbis galit at poot ang maramdaman ko ay para sa kanya ay takot ang nararamdaman ko, takot sa mga maaari niyang sabihin sa akin. Oo takot ako, dahil sa tagal na namang magkahiwalay, hindi ko pa rin majustify kung bakit ko nga ba talaga nagawa yun.

Ilang ulit akong kumatok sa gate ngunit walang sumasagot, ang kaba ko ay napalitan ng inis.

'Wala atang tao dito.' inis kong sabi sa sarili ko, gusto ko na kasi matapos ang lahat ito ng mabilisan dahil naiirita na ako sa nararamdaman ko.

Sa huling pagkakataon ay kumatok ako ngunit mas malakas na ito. Doon ay narinig ako boses mula sa loob ngunit iba ito at alam kong hindi si Gabriel iyon.

"Sino ba yan at kung makakatok dito eh parang gigibain na ang gate?" sigaw ng isang matandang babae mula sa likod ng gate.

Pagbukas na pagbukas niya ng gate ay lumabas ang isang galit na matandang babae.

"Ano bang kailangan mo at ganyan ka makakatok!!" galit na singhal sa akin ng matandang babae.

"Good morning po, Manang Belen." flat na pagbati ko sa kanya.

Tila naman nakakita ng multo si Manang Belen ng makita niya ako. Nandito pa rin pala siya, matagal nang nanunungkulan sa amin si Manang Belen, since ikasala kami noon ni Gabriel ay siya na ang nakasama namin sa bahay.

"S-sir Zeke?" gulat na pagtawag sa pangalan ko ni Manang Belen.

"Yes manang, ako nga ito, nandito pa si Gabriel?" flat ko pa ring tanong ko dito.

"A-ahh eh, pasok muna po kayo sir." pag anyaya nito sa akin.

Pumasok naman ako sa loob at hindi ko na siya hinintay pa, naging bahay ko rin naman to kaya hindi ko na kailangang mahiya pa.

Tinungo ko agad ang sala, hinintay ko si manang na makarating.

"Manang nasan si Gabriel, I want to talk to him, sabihin mo nandito ako." utos ko kay manang, I don't care kung magbago ang tingin niya sa akin, all I need is to see my ex-husband.

"Sir Zeke, bakit nyu po ba siya hinahanap?" parang natatakot na tanong sa akin ni manang, sa mukha niya ay halata ang takot at lungkot.

"Di ba sabi ko gusto ko siyang makausap? Kailangan ko pa bang ulitin yun?" inis kong sabi kay Manang.

"Pero sir, malabo na po kasing mangyari yun eh." sabi ni manang sa akin at doon ko napansin na naiiyak na ito.

"Paanong malabo? Nasaan ba siya? Umalis ba? Call him!! Tell him na nandito ako!!" may authority kong utos sa kanya.

"H-hindi ko po magagawa yun sir eh." sagot nito sa akin.

"Bakit hindi?!! anong bang meron? pinagtataguan niya ba ako?" galit na sabi ko sa kanya. Naiinis na kasi ako, bakit ba ang hirap kausap ng matandang ito.

"Hindi sa pinagtataguan niya kayo sir, imposible lang po talaga na magkita pa kayo." nakayuko nitong sambit.

"At bakit naman imposible? ano bang nangyayari dito ah?" medyo mahinahon ko nang tanong, nakakaramdam na rin kasi ako ng awa para kay manang, hindi ko naman talaga intensyon na sigawan, napupuno lang talaga ako dahil ayaw niyang ilabas si Gabriel.

"Matagal na po kasing wala si sir Gabriel." malungkot na sabi sa akin ng matanda.

"What do you mean na matagal nang wala dito si Gabriel? Hindi na siya umuuwi dito?" nagtataka kong tanong dito.

"Sigurado po ba kayong wala kayong alam sa nangyari?" tanong nito sa akin.

"Ano bang dapat kong malaman?" tanong ko sa kanya.

"Sir, sorry po, pero hindi nyu na po talaga makikita si sir Gabriel d-dahil m-matagal na siyang patay." sambit ni manang at tuluyan na siyang humagulgol.

Anong sabi niya? Si Gabriel? Patay na? Bigla akong kinilabutan sa mga sinabi niya, ayun ba nais ipahiwatig ng panaginip ko?

"Hindi ka ba nagbibiro manang? Hindi magandang biro yan ah?" windang ko pang tanong kay manang.

"Hindi po, hindi po ako nagbibiro, isang linggo pagkaalis nyu ay nakita ko si sir sa kusina na nakahandusay at walang malay kaya tumawag ako ng tulong.

Dumating din si sir Alex noon at sinabing siya na ang bahala kay sir Gabriel. Nadala si sir sa hospital ngunit kinagabihan noon ay namatay si sir Gabriel.

Matagal na po palang may iniindang sakit si sir Gabriel ngunit wala man lang siyang sinasabi." kwento ni manang na siyang nagpalumo sa akin.

May sakit siya? Ang tanga ko!! bakit hindi ko man lang nalaman na may sakit ang asawa ko noon? Masyado ba akong naging busy sa ibang bahay para hindi mapagtuunan ng pansin ang asawa ko?

"Bakit? bakit hindi niya sinabi sa akin na may sakit siya?" sambit ko doon ko na naramdaman ang panlalambot ng tuhod ko, kaya't napaupo na ako kasabay ng pag agos ng luha ko sa aking mga mata.

And then it hit me, parehong pareho ito sa nangyari sa pasyente ni Eunice, ang pinagkaiba nga lang ay namatay si Gabriel.

Ang sakit, ang sakit sakit, napabayaan ko si Gabriel, napabayaan ko ang taong tunay na nagmamahal sa akin, ang taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako. How could I be that selfish to him?

Lahat ng pagkakamali ko ay nagsimula nang magsink in sa akin, napakasama kong asawa. Sa pagkakaupo kong iyon ay sinubukan kong tumayo kahit na nanghihina ako, kung patay na siya ay kailangan kong malaman kung saan siya nakalibing.

"Manang, saan po nakalibing si Gabriel?" tanong ko kay Manang.

"Sa tingin ko si sir Alex na po ang kailangan nyung kausapin tungkol diyan." sabi nito sa akin.

"Then let me talk to him then." sabi ko sa kanya.

"Ito po ang number ni sir Alex, binilin nya po sa akin na ibigay niya ko po sa inyo yan kapag dumating kayo." sabi nito sa akin.

Kinuha ko ang calling card ni Alex at lumabas na ng bahay, hindi ko na kaya pang magtagal sa bahay na iyon, napakasakit at nakakapanglumo ng mga nalaman ko ngayon.

Umalis ako agad sa lugar na iyon nang hindi nagpapaalam kay manang. Habang nagdadrive ako ay dinial ko ang isang number sa cellphone ko.

"We need to talk." sabi ko sa kausap ko.

"Meet me at the Cafe after 1 hour." sabi ko ulit dito.

Kailangan kong gumawa ng hakbang. Kailangan ko malaman kung ano ang mga nangyari sa panahong nasa America ako.

Dahil may mga katanungan pa ring namumuo sa isipan ko. Kailangan kong klaruhin ang lahat. Kailangan kong malaman kung bakit itinago ni Alex sa akin ang pagkamatay ni Gabriel noong huling araw na nagkita kami.

Alex, ihanda mo na ang mga kasagutan dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pagtatago sa akin ng katotohanan.

No Last Words, Just Regrets [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon