Pagkatapos ng dinner date namin ni Eunice ay medyo gumaan ang loob ko. Tila ba may naalis na kung ano sa puso ko na siyang nagpapahirap sa akin.
Umuwi din ako agad pagkatapos naming kumain dahil kailangan kong paghandaan ang pagkikita namin ni Alex bukas.
Kung ano man ang mga sasabihin niya ay kailangan kong suriing mabuti, dahil base na rin sa mga napag usapan namin ni Garen dati ay maaaring may tinatago itong si Alex.
Sa ganoon din pagmumuni ay biglang pumasok sa isip ko si Gabriel, ang kanyang mga ngiti na siyang kumukumpleto sa mga araw ko noon. Ang kanyang mga haplos at pag aalaga sa tuwing magkakasakit ako.
Ngunit ganoon na din lang ang sakit ng mapagtanto kong wala na siya, na tuluyan na niyang nilisan ang mundong ito. Kung nalaman ko lang sana at pinagtuunan ko ng pansin ang asawa ko noon ay malamang masaya kami ngayon na nagsasama. Kung hindi ko sana inisip ang mga bagay na hindi ko nagagawa dahil nakatali ako sa kanya ay malamang ginagawa namin ngayon ang mga bagay na nagagawa ng mga mag asawa.
Sa ganoong pag iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan..
Maaga akong gumayak dahil ngayon ang araw ng paghaharap namin ni Alex. Sa tingin ko naman ay handa na ako sa aking mga malalaman at maririnig mula sa kanya. Kailangan kong malaman ang lahat ng katotohanan sa lahat ng nangyari kay Gabriel pagkaalis ko noon para ilakad ang divorce papers namin.
Tulad ng usapan alos otso ng umaga kami magkikita ni Alex sa park malapit sa bahay namin ni Gabriel. Pagdating ko doon ay quarter to eight pa lang. Tinignan ko ang paligid para icheck kung dumating ba si Alex na mas maaga pa sa akin.
"Ako ba hinahanap mo?" sabi ng boses sa likod ko.
Tinignan ko kung sino ito at nakita ko si Alex, ngunit hindi tulad ng inaasahan ko na may pagkamaangas ang dating ay ngayon ay isang seryosong Alex ang kaharap ko.
Bakas sa mukha niya ang lalim ng kanyang pag iisip at halatang hindi siya pumunta dito para makipaglokohan sa akin.
"Ikaw nga." sabi ko na lang. "Tara, doon tayo sa swing mag usap." pagyaya ko sa kanya na siya namang pinaunlakan niya.
"Ano ba ang nais mong mga malaman?" biglang tanong nito sa akin pagkaupong pagkaupo namin sa swing.
"Bakit mo pa tinantanong yan, alam mo naman kung ano ang kailangan kong malaman." seryoso kong sagot sa kanya.
"Saan mo ba gustong simulan ang pagkukwento ko?" tanong nito sa akin.
"Simula sa umpisa ng lahat tungkol kay Gabriel bago at pagkatapos naming maghiwalay." sagot ko naman.
"Himala, hindi ito ang inaasahan kong gusto mong alamin. Akala ko ay tatanungin mo yung tungkol sa divorce paper niyong dalawa." sabi nito sa akin.
"Hindi yan ang priority ko ngayon, ang gusto kong malaman ay kung anong nangyari sa asawa ko." matigas na sabi ko, mukha kasing sinusubok ni Alex ang pasensya ko.
"Ayun ba? Akala ko kasi mas priority mo yung tungkol sa hindi ko paglakad ng divorce ninyo dahil atat na atat ka nang magpakasal sa iba." pang aasar nito.
"Pwede ba, sabihin mo na lang kung ano ang gusto kong malaman at wag ka nang mag ungkat pa ng ibang bagay. Kung yung iniisip mo na magpapakasal pa ako sa iba, nagkakamali ka dahil hanggang ngayon, hindi ko matanggap ang nabalitaan kong nangyari sa asawa ko noong iwan ko siya." sabi ko kay Alex na ngayon ay seryoso na muli ang mukha.
"Bakit hindi mo matanggap? Hindi ba dapat wala na lang sa iyo yun dahil iniwan mo na siya?" tanong nito sa akin, bakas ang galit sa kanya nung tinanong niya iyon, na tila ba napakalaki ng nagawa kong kasalanan.
BINABASA MO ANG
No Last Words, Just Regrets [BxB]
ContoYung akalang mong nafall out of love ka sa taong pinakasalan mo na labis na nagmamahal sayo.. Sinabi mo sa kanya, tinanggap niya at nagdivorce kayo.. At after ng isang taon, you decided to marry the girl that you currently with, pero nalaman mong na...