Dumating ako sa Cafe pasado alas dose na nang tanghali, I went to our usual spot para doon hintayin si Garen. Maraming gumugulo sa isipan ko ngayon at kailangan ko ng makakausap tungkol dito.
Sa aking pagmumunimuni ay pumasok sa isipan ko si Gabriel, ang kanyang mga ngiti at kanyang tinig, bakit? Bakit wala akong kaalam alam sa mga pinagdaanan mo?
Hindi ko maiwasang maluha dahil sa sinapit niya, hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko dahil naging pabaya akong asawa sa kanya, naging makasarili ako, hindi ko man lang iniisip ang magiging epekto sa kanya ng mga naging kahibangan ko.
"Mukhang malalim at ang iniisip mo pare ah?" sabi ni Garen sa akin na siyang nagpabalik sa aking ulirat. Nakarating na pala siya. "Tapos umiiyak ka pa, may problema ba?" sunod na tanong nito.
"Yeah, I think I have a very big problem." sagot ko sa kanya.
"Bakit? Nagkausap na ba kayo ni Gabriel?" tanong muli nito sa akin.
"No, hindi kami nakapag usap at malabo nang mangyari pa iyon." sabi ko sa kanya na kanya. Bumakas sa mukha ni Garen ang pagtataka dahil sa sinabi ko.
"Malabo? Paanong malabo? may nangyari ba?" tanong niyang muli.
"P-patay na si Gabriel, he was sick noong nakipagdivorce ako sa kanya, ang tanga tanga ko, hindi ko man lang nahalata na may pinagdadaanan siya." sabi ko kay Garen kasabay ng muling pag agos ng aking luha.
"What? How sure are you?" gulat na tanong nito sa akin.
"I don't know yet if it's really true, pero yung idea na ganun nga ang nangyari, hindi ko matanggap, sinabi sa akin ni Manang Belen na patay na si Gabriel." kwento ko sa kanya. "Umiiyak si manang habang binabanggit sa akin yung mga nangyari noon nawala ako." dugtong ko pa.
"Kung patay na siya, alam mo na ba kung saan siya nakalibing?" tanong ni Garen sa akin.
"Hindi pa, sabi ni manang ay si Alex na lang daw ang kausapin ko tungkol sa bagay na ito." sagot ko sa kanya.
"Hmmh, siguro nga kailangan mo ngang kausapin si Alex, for sure may nalalaman siya tungkol sa asawa mo, magbestfriend sila kaya paniguradong alam nya ang nangyayari kay Gabriel." sabi ni Garen.
"Tama ka nga, I'll call Alex later para makapagset kami ng meeting." sabi ko kay Garen.
"Then when will that be? Hindi ba dapat ngayon pa lang ay harapin mo na siya?" suhesyon sa akin ni Garen.
"Yes I know, but I need to compose myself first, masyado akong nagulantang sa mga nalaman ko ngayon. Darating din ang oras ng aming pagkikita ngunit huwag ngayon." sabi ko kay Garen.
"Ikaw ang bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong ay nandito lang kami para sayo." sabi ni Garen sabay tapik sa balikat ko.
"Salamat pare." pagpapasalamat ko sa kanya.
At doon ay natapos ang pag uusap namin.
...
Susunduin ko ngayon si Eunice sa pinagtatrabahuhan nyang ospital dahil may date kami ngayon after ng shift nya, supposedly ay magpopropose na ako sa kanya ngayon ngunit nagulo ang lahat dahil sa mga kagaguhan ko dati.
Ayaw kong saktan si Eunice dahil naging mabuti siya sa akin, ngunit dahil sa mga nalaman ko ay tila ba nanlamig ang nararamdaman ko para sa kanya.
Alas singko ng hapon nang sunduin ko si Eunice, hindi naman na ako naghintay pa dahil sakto ay papalabas na siya ng hospital kaya binusinaan ko na siya para malaman niyang nandun na ako.
Hindi naman ako nabigo dahil agad niya akong nakita at agad na tinungo ang kotse ko.
"Kumusta ang trabaho?" bungad kong tanong sa kanya pagkasakay niya sa kotse.
"Ayos naman, less stress kasi nandun yung kaibigan ng pasyente ko para umalalay." sagot nito sa akin.
"Eh ikaw, kumusta ang naging lakad mo kanina?" tanong nito sa akin.
"Huh?! Lakad?" medyo naguguluhan kong sabi.
"Hindi ba sabi mo may lakad ka kanina?" takang tanong nito sa akin.
"Huh? ah eh, oo may lakad nga pala ako, nagpunta ako doon sa kaibigan ko." sagot ko sa kanya.
"Oh, kumusta naman ang naging pagbisita mo sa kanya?" sunod na tanong niya sa akin.
Medyo kinakabahan na ako sa nagiging takbo ng kumustahan namin dahil baka mamaya ay madulas ako at masabi ko ang isang bagay na hindi niya pa dapat malaman.
"Wala na siya."
"Wala na siya? what do you mean? nagmigrate na siya, lumipat ng bahay? or what?" tanong nito sa akin.
Hayss, bakit ba masyado siyang interesado sa kaibigan ko?
"He's dead, he passed away one year ago." flat na sagot ko na lang sa kanya.
"Oh my God, I am so sorry, dapat pala hindi ko na tinanong." paghingi nya ng pasensya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko pa rin kasi maabsorb ang katotohanan na patay na si Gabriel. I wont deny it, it's bugging me pagkatapos ko malaman yun.
"Ok ka lang ba? gusto mo bang magpahinga na lang?" nag aalala tanong sa akin ni Eunice habang hawak hawak ang kamay ko.
"Yes I am ok, lets just continue with our date." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Ok, sabi mo yan ah, so where are you going to take me?" tanong sa akin ni Eunice.
"It's a surprise." sabi ko na lang sa kanya.
Naging maayos naman ang naging dinner date namin ni Eunice, though minsan ay nabablangko ako or natutulala dahil bigla bigla na lang papasok sa isipan ko si Gabriel.
I don't know if Eunice noticed that but pinilit ko na hindi niya mahalata na may bumabagabag sa akin.
Hinatid ko siya sa kanila bago ako dumiretso sa condo ko. I really need a break, masyadong naging stressful para sa akin ang linggong ito.
Pagpasok ko sa condo ay dumiretso na ako sa kwarto ko at humilata agad sa kama.
Naiisip ko si Gabriel, at kung ano ang kinahantungan niya, hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa nangyari sa kanya. Sising sisi ako dahil iniwanan ko siya kung kailan niya ako mas kailangan. Nagpadalos dalos ako ng desisyon without thinking of what might happen.
Ito ako ngayon, gulung gulo ang isipan dahil sa mga pangyayari. Dahil kahit anong pilit kong isipin na maaayos din ang lahat ay hindi pa rin nito mababago ang katotohanan. Ang katotohanan na patay na si Gabriel, ang katotohanan na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.
...
Nagising ako ng maaga kahit walang akong pasok ngayon, hindi ko rin nga alam kung nakatulog ba talaga ako kakaisip sa taong lubos kong minahal.
Sa aking pag iisip ay nagring ang phone ko.
Si Garen, tumatawag, kaya agad ko itong sinagot.
'Hey dude, what's up?' tanong nito sa akin.
'Alam mo naman siguro ang sagot dyan dba?' sagot ko sa kanya.
'Hayys, sabi na nga ba eh.' sabi niya.
'Bakit pala napatawag ka ng ganito kaaga?' tanong ko sa kanya, nakakapagtaka rin kasi ang pagtawag niya sa akin ng kay aga aga.
'Lets just meet at the Cafe, it's too sensitive para pag usapan natin over the phone.' sabi nito sa akin.
'How sensitive is it? You know what I am going through right now kaya please, spare me for more burdens.' reklamo ko sa kanya.
'No! I can't spare you with this because you are involved. Meet me at the cafe at 9 am or else you're dead.' sabi ni Garen sa kabilang linya sabay baba nito.
Hayys, ano pa bang magagawa ko, I rushed to the bathroom para makaligo para makarating ako on time sa meeting place namin ni Garen.
Ano ba yan!! Hindi pa nga ako nakakausap mula sa issue na meron ako kay Gabriel, may dadagdag na naman.

BINABASA MO ANG
No Last Words, Just Regrets [BxB]
Short StoryYung akalang mong nafall out of love ka sa taong pinakasalan mo na labis na nagmamahal sayo.. Sinabi mo sa kanya, tinanggap niya at nagdivorce kayo.. At after ng isang taon, you decided to marry the girl that you currently with, pero nalaman mong na...