Last Word One

980 29 11
                                    

"Tol, sasama ka ba mamaya?" bungad na tanong sa akin ni Rick pagkapasok niya sa office ko.

"Saan ba yan?" tanong ko sa kanya.

"May bagong bar daw dyan sa malapit, itry daw ntn sabi ni Garen." sagot niya sa akin.

"Sige sige, I am in, anong oras ba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ayon oh!! 8 pm pare, kita na lang tayo mamaya dito, malapit lang yun dito." sagot niya.

"Ok ok." sagot ko na lang.

I am Zeke Ramirez, owner ng isang sikat na cafe dito sa sa Manila. About us hanging out, it's been our hobby since last year, dito ko lang kasi nararamdaman ang freedom, 25 years old na ako ngayon. Hindi ko alam, parang ayaw kong muling magpatali sa isang tao, I don't want to experience things like that again, yung hindi ko nagagawa yung mga bagay na gusto ko dahil lang sa mga responsibilidad ko.

I will admit, I once have a husband, yes, that's right, I married a man before, he's the only man I loved at sa kanya lang ako nagkaganito, after namin magdivorce last year, I never found another man, I never get attracted to them. I have a girlfriend ngayon, she's a nurse sa isang malaking ospital dito sa area namin, at wala siyang alam tungkol sa nakaraan ko, tungkol sa pagkakaroon ko ng ex husband, all she new is nagkaroon ako ng asawa ngunit hindi niya alam na lalaki ito.

Eunice changed me, change my mind and made me dream to form a family, she made me realized that carrying a responsibility should not burden me but it should make me strive for me to reach my goals, and not like before, pagpaplanuhan ko to ng maigi at paghahandaan, hindi na ako magpapadalos dalos, sisiguraduhin kong hindi ito matutulad sa past marriage ko.

If you will ask kung sino ang ex husband ko, he's Gabriel Delos Reyes, I met him when we were in college, he's an orphan, sya lang ang bumubuhay sa sarili niya noon, napakatatag niya kaya siguro napahanga niya ako ng husto, at umabot pa sa point na, nainlove ako sa kanya.

Naging kami ni Gabriel, dumating din sa time na niyaya ko syang magpakasal kahit na nag aaral pa kami, wala namang tumutol kaya wala kaming naging problema.

Ito nga lang, habang lumilipas ang mga taon, naramdaman ko yung effect ng pagmamadali ko noon, I felt the heavy reponsibility I have for him, during those days na nag iisip ako kung ano ang nangyari sa akin, umabot ako sa isang desisyon na nagpalaya sa akin, na siya naman naeenjoy ko pa rin hanggang ngayon.

Nakipagdivorce ako kay Gabriel last year, I don't what happened kaya pumayag siya agad sa gusto, I know there was something on him na hindi niya sinasabi sa akin, lagi din siyang balisa during those times na nag iisip ako, siguro ay naiisip niya rin yung mga naiisip sa akin.

Habang inaalala ko yung mga araw na magkasama kami, bigla na lang bumukas ang pintuan ng office ko at pumasok si Rick.

"Oh tol, ano ready ka na ba?" tanong nito sa akin.

"Huh?" sagot ko bilang reaksyon.

"Ayan ka na naman eh, natutulala ka na naman." sabi nito sa akin.

"Sorry tol, may iniisip lang." sagot na lang. "Ano? tara na?" tanong ko sa kanya.

"Tara na! naghihintay na dun si Garen." sabi nito sa akin.

Umalis na kami at binilin ko na sa manager yung cafe, hanggang 9 PM kasi bukas ang cafe ko, or should I say, cafe namin ni Gabriel, but since naghiwalay kami ay never na siya nagpakita sa akin or bumalik sa cafe, tanging si Alex na kanyang bestfriend ng bumabalik dito para tanungin ang status ng cafe siguro ay binilin sa kanya ni Gabriel yun.

exactly 8 pm nung dumating kami ni Rick sa bar na sinasabi nila, maganda ang lugar, hindi ganoon kaingay, hindi rin ganun katahimik.

"Hey attorney!! what's up?" pagbati ko kay Garen pagdating namin. Garen is a lawyer, siya din ang tumatayong abogado namin ni Rick.

"Ok naman, kayo ba?" tanong nito pabalik.

"Ako ok lang, itong si Zeke mukhang iniisip na naman yung ex husband niya." sagot ni Rick, talagang nang asar pa ang siraulo.

"Sira! tulala lang kanina si Gabriel agad ang iniisip?" sabi ko sa kanya.

"Ito naman, pero pare, seryoso, bakit kaya ang dali nyang pumayag nung nakipagdivorce ka?" tanong nito sa akin.

"Baka may iba kaya ganun!!" sagot ng isang tao na kararating lang.

"Oh pare, buti dumating ka pa" sabi ni Garen sa kaibigan namin na si Kenji na kararating lang.

"Si Gabriel? mangangaliwa? imposible yun!! patay na patay yun kay pareng zeke eh!" sagot naman ni Rick sa kanya.

"Who knows?" sabi ni Kenji na ngayo'y nasa tabi na ni Garen. "Bakit hindi na siya nagpapakita ngayon kung hindi yun ang dahilan, malay nyu sumama na dun sa kabit niya?"

"Can you please stop talking about him? Tapos na kami, I am already free at wala na ako nararamdaman para sa kanya kaya bakit ko pa siya iisipin?" inis kong pagsingit sa usapan nila.

Ngunit bigla na lang naging seryoso ang itsura ni Garen.

"Oh bakit ganyan itsura mo Garen?" tanong ko sa kanya.

"Tol, I've been thinking to tell you this pero naging busy ako this past few days kaya hindi ko nagawa" panimula nito.

"Ano ba yun?" tanong ko, bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung anong meron pero sa way ng pananalita niya ay sure akong seryoso ito.

"It's about Gabriel" sabi nito sa akin.

"What's about him?" tanong ko sa kanya.

"Di ba last year eh nakipagdivorce ka sa kanya? I checked your marriage status last month para malaman ko yung update only to found out na yung divorce paper niyo was not filed" sabi nito sa akin na kinabigla ko.

"What?!! Paano nangyari yun eh malinaw na sinabi sa akin ni Alex na nafile na nila yung divorce papers namin?!" tanong ko sa kanya.

"Iyon na nga eh, I tried to contact Alex but he's not answering my calls, I think alam na niyang may alam na ako about dun sa kalokohang ginawa nila." sabi nito sa akin

"Bakit naman nila gagawin yun?" tanong ko.

"Hindi ko alam, siya lang ang makakasagot niyan." sagot nito sa akin.

I felt anger in my system, galit ako dahil sa ginawa nila, why didn't they filed the divorced.papers? Not now that I am planning to get serious with my relationship with Eunice, my girlfriend.

Nakaramdam ako ng pagtapik sa aking balikat, I look at him and I sighed.

"I think I need to find that bastard, I don't know what he's up to but when I found him, I'll make sure that he's going to pay for this. Isang taon!! isang taon kong pinaniwalaan na malaya na ako ngunit hindi pa pala!!" galit kong sabi.

I've never been furious to Gabriel before, pero dahil sa ginawa nya, mararamdaman niya ang galit ko once na makita ko siya.

Ginago niya ako, pwes ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ako kagago. He ruined my planned for me and Eunice, so I'll make sure that I will ruin his life.

______________________________________________

That's the first chapter, what can you say guys?
I hope nagustuhan nyu

No Last Words, Just Regrets [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon