Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 2

13.2K 622 221
                                    


She ran like the wind through the woods, ignoring the air slapping her face. Her competitive side kicked in when she saw Cebal trying to catch the tiger. She increased her speed, not wanting to lose this challenge. She had to win. If she wanted to earn her fellow hunters’ respect, she needed to be good at everything. Lalong-lalo na ang respect ng mga elders.

Maliit na lang ang distansiya ni Cebal sa tigre. Nasa likuran na lang din siya ni Cebal, pero tiyak na ito ang makakahuli sa tigre kung hindi siya magiging tuso. Her gaze lifted to the tree, and she didn’t slow down. Using all her strength, she shoved her legs against the forest floor. She shot into the air, grabbing one of the tree branches. The corner of her lips curled into a triumphant grin as she sensed her victory. Tumaas ang tingin ni Cebal sa kanya nang sa pagbitaw niya sa sanga ay malagpasan ito. Isang tagumpay na ngisi ang ibinigay niya kay Cebal. Saktong bumagsak siya sa likod ng tigre. Ipinaikot niya ang isang braso sa leeg ng tigre hanggang sa mapahiga niya ito.

Namaywang si Cebal at umiling. “Naisahan mo na naman ako.”

“You can’t beat me.” Hinaplos niya ang ulo ng tigre. Umungol ito at ikiniskis ang gilid ng ulo sa kanyang mukha na tila ba binabati siya sa kanyang tagumpay.

“Fuck you!” she growled when the tiger licked her mouth. Pinahid niya ang basang bibig gamit ang likod ng palad saka bumangon. Inilahad ni Cebal sa kanya ang isang kamay para tulungan siya sa pagtayo pero hindi niya iyon tinanggap. She could get to her feet without anyone’s help. Ipinahid niya ang kamay sa suot na maong na pantalon.

“Habang tumatagal, pagaling ka nang pagaling. Baka mapalitan mo na ako niyan.”

Cebal was the leader of the hunters. Wala siyang planong palitan ito sa pagiging pinuno. Gusto lang niyang may mapatunayan sa lahat lalo na sa kanyang ama. She was a daughter of powerful witches, pero wala siyang kapangyarihang taglay. Inaasahan niya at ng lahat na lalabas ang kanyang kapangyarihan nang sumapit siya sa edad na dise-otso, pero walang nangyari. Para lang siyang ordinaryong dalaga at mas magmumukha siyang ordinaryo kung kahit simpleng bagay na ginagawa ng mga hunter ay hindi niya kayang gawin.

Nilinga niya ang tigre na unti-unting nag-anyong tao. Ang balat ay unti-unting nawala na tila hinigop ng sariling balat hanggang sa maging tuluyang lumabas ang anyong tao nito. Humantad ang matipuno nitong katawan. Tumayo si Faro, hinawakan ang batok at inikot ang ulo.


“Napalakas yata ang pagbagsak mo sa 'kin,” anito na hinawakan ang likod at lumiyad. Hinubad ni Cebal ang suot na t-shirt at initsa sa lalaki.

“Isuot mo.” Tinalikuran na nila ito at naglakad.

“T-shirt lang talaga?” Bumaling sila ni Cebal kay Faro, at kapwa natawa nang makita ang itsura ng lalaki. His arms were spread wide. Suot na nito ang kulay olive green na t-shirt pero ang ibabang parte ay nakahantad.

“Sagwa,” aniya.

Inakbayan siya ni Cebal saka muling naglakad palayo kay Faro.

Bumalik ang tatlong magkakaibigan sa kampo kung saan naroon ang ibang hunters. Tumagos sila sa invisible wall hanggang sa makapasok sila sa kampo. Kapag nasa labas sila ng kampo ay wala silang makikitang kahit na ano kundi pulos kakahuyan, pero kapag nakapasok sila sa loob, maraming casita ang naroon, mga bahay na tinutuluyan ng mga hunters. Isang compound iyon habang sa kabilang compound ay mga villa, kung saan naman ang tinutuluyan ng matataas na opisyales ng kanilang lahi.

Sa kabilang bahagi sa bandang norte ay ilang edipisyo kung saan naroon ang mga functional amenities katulad ng indoor swimming pool, gym, training room, healthcare facility at laboratory. Who would have thought that there was a place like this in the middle of Mt. Tabayoc? Ito ang headquarters ng Koakh, ang grupong binuo para sanayin ang makakapangyarihang witches bilang paghahanda sa digmaang maaaring maganap sa pagitan ng mga witches at taong-lobo.

Nilapitan nila ang mga hunters na namamahinga sa open cottage. Nakasunod naman sa kanila si Faro. Nakatakip ang dalawang palad nito sa bagay sa pagitan ng hita nito. Nagtawanan ang lahat. Napapailing na lang si Luna na inilibot ang tingin sa paligid para maghanap ng muupuan. Napangiti siya nang itaas ni Cebal ang kamay at unti-unting yumuko ang isang mayabong na puno. Ang ilang sanga ay pumulupot sa isa’t isa, ang mga dahon ay nag-ipon at pumorma na tila isang kumportableng upuan saka iyon lumapit sa kanyang likuran.

Napatawa siya nang kumumpas ang isang kamay ni Cebal at bigla siyang umangat sa lupa at ibinaba siya sa mismong dahong upuan.

“Thank you so much, Cebal.” Isinandal niya ang likod habang ang dalawang kamay ay inilagay niya sa likod ng ulo.

Madalas ay naiinggit siya sa iba niyang kasamahan. Ang sarap siguro kung may kapangyarihan, kaso wala siya niyon. Every member of Paganus had a unique supernatural ability, like Cebal who possessed the power of telekinesis. Kaya nitong bali-baliin ang mga buto ng isang nilalang sa isang paghampas lang gamit lang ang isip. Faro’s therianthropy allowed him to transform into other animals. He could be tame or a wild animal if he wanted to be. Some had ability to dodge bullets, mind-travel, foresee the future, teleport, at kung ano-ano pang nakakamanghang kakayahan na hindi niya kayang taglayin.

Sanaol lang, ‘di ba? Sinubukan niya ang lahat ng meditation na dapat niyang gawin para palabasin ang kapangyarihan niya pero wala talaga. Minsan, iniisip na nga niya na baka ampon siya at hindi talaga siya kabilang sa angkan ng mga Paganus, pero may larawan naman sila ng kanyang mommy noong bata pa siya. Nang ipanganak siya. Baka late bloomer lang talaga siya at madidiskubre rin niya ang kapangyarihang mayroon siya sa takdang panahon. Kung kailan man iyon sana naman bago pa manggulo ang mga Lycan.

A woman in a black vintage Victorian dress suddenly appeared in front of her. Her Aunt Maddalena always looked regal in her dresses and chignon hairstyle—very Victorian era vibe. Miss Minchin na Miss Minchin, kulang lang ng salamin.

Tumayo si Luna mula sa pagkakaupo. “Miss Minchin? Magbabalat na po ba ako ng patatas?” Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Luna na tumahimik din naman uli nang pukulin ito ni Maddalena ng masamang tingin. Takot lang ang mga ito. Magaling na mangkukulam si Maddalena. Maraming alam na spell at hindi lang iisa ang kapangyarihang taglay nito.

“What did I tell you?” Maddalena snapped.

“Umuwi bago magdapit hapon,” tugon niya. Tiningala niya ang langit na nagkukulay kahel na dahil sa papalulubog ng araw. “Pasensiya na po. Napasarap ang paglalaro namin nina Cebal.”

Inilahad ni Maddalena ang kamay sa kanya. Ipinatong niya roon ang kamay at sa isang iglap ay bigla na lang silang napunta sa kanilang bahay sa Eremia Village, ang village na tanging angkan ng mga Paganus ang nakatira. It was located in an isolated place in Benguet. The whole village was protected by a powerful spell from inhuman creatures. Their house was two-storey with a mix of old world European antique and mid-century modern design—hindi katulad sa ibang mga bahay sa village na moderno ang desinyo. European antiques ang halos kagamitan sa loob ng bahay. When Maddalena went on a trip to Europe, she always visited antique dealers and went off to curio shops, estate sales, and boutiques. Doon nito binibili ang mga gamit.

But still, the entire house looked cozy and bright with neutral-colored walls and furniture. The interior was not to overly decorated. There was a classic Italian sofa with a baroque side table in the living room, at isang malaking telebisyon sa harapan habang nasa kabilang side ay fireplace. Vintage ang interior at exterior ng bahay, kaya naman pati ang tao ay vintage na rin. Inaayon ni Maddalena ang pananamit nito sa ayos ng bahay.

Nilinga niya ang dining room na hinihiwalay lang ng archway nang nanuot sa kanyang ilong ang masarap na pagkain na hinahanda ang kasambahay at nakaramdaman ng gutom. Hinubad niya ang suot na makapal na jacket at ipinatong iyon sa sandalan ng sofa.

“Dipasupil,” ani niya na suminghot-singhot pa na tinungo ang silid kainan. Sumunod naman sa kanya si Maddalena.

“Wow!” Kumuha siya ng isang pirasong dipasupil at agad na kumagat nang malaki.

“Tingnan mo ‘tong batang ‘to. Maghugas ka nga ng kamay,” sita sa kanya ni Maddalena.

“Opo!” aniya na isinubong lahat ang natitirang longganisa na hawak niya. Sarap talaga. Dipasupil longganisa was the best, lalo na itong De Recado flavor. Masarap din naman ang De Hamon flavor, pero mas bet niya lang talaga ang lasa nitong De Recado.

“Maliligo po muna ako.”

“Sige.”

“Mabilis lang po.” Papalabas na siya ng silid kaininan nang huminto rin at nilinga si Maddalena. “Magic-in mo na lang po kaya. Linisin mo ako.”

“E kung gawin kitang palaka!” Namaywang ang babae.

Malakas na humalakhak si Luna at tinungo ang kahoy na hagdan. Patakbo niyang inakyat ang hagdan at pumasok ng silid. Kung ang buong bahay ay antique, moderno naman ang kanyang silid.

Hinubad niya ang lahat ng saplot at initsa lang iyon lahat sa sahig kasama ang sapatos na hinubad lang niya gamit ang mga paa saka pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower at tinimpla ang temperature niyon. Nakangiti niyang itiningala ang ulo habang nakapikit ang mata at hinayaang bumagsak ang tubig mula sa dutsa sa kanyang mukha. Ang nakangiting mukha ni Luna ay unti-unting nabura nang tila may makita siyang isang malaking imahe sa balintataw. Madilim kaya hindi niya matukoy ang bagay na iyon. Ipiniling niya ang ulo ngunit pinanatiling nakapikit ang mga mata, pilit inaaninag ang bagay na iyon. Maiitim na balahibo ang bumabalot sa nilalang. Malaking nilalang. It looked like a monster.

Ang nilalang ay biglang bumaling sa kanya. It was drooling thick ropes of saliva. Sharp fangs glistened in the darkness and the blue eyes glittered with fury. The creature roared his outrage, thrusting his left claw into her. Napamulagat si Luna. Naitakip ang dalawang kamay sa tainga dahil sa nakakabinging alulong ng halimaw. Agad niyang inikot ang mata sa paligid. She was alone. Ano ‘yon? Bakit may nakita siyang ganoon? Hindi kaya…nagsisimula nang lumabas ang kapangyarihan niya? Pero bakit ganoon ang pangitain niya? Lycan. Ano ang ibig sabihin niyon?

Tinapos ni Luna ang pagligo. Itinapis niya ang puting twalya sa katawan at lumabas ng banyo. Malakas ang tibok ng puso niya. Matapang siya pero nakaramdam siya ng takot. Nararamdaman niya ang panginginig ng kanyang tuhod. Naglakad siya patungo sa malaking salamin na nakasandal lang sa puting dingding. Nakapatong iyon sa kulay abu na soft rug. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Lumalabas na kaya ang kapangyarihan niya? Magandang senyales ba ang pangitain na iyon o masama? Maganda dahil baka mangyari na ang pinakahihintay niya. Ganap na niyang matatawag ang sarili na witch. At maaari ring masama dahil ang ibig sabihin ay nalalapit na paghahasik ng kasamaan ang mga kaaway.

Tinanggal ni Luna ang pagkakabuhol ng twalya at hinayaan iyong bumagsak sa sahig. Pinagmasdan niya ang hubad na repleksiyon sa salamin. She was a short girl but had a curvy figure. Full, firm breasts, small waist and narrow hips. Inabot niya ang basang buhok. She had natural crimson red hair, and everyone said that it flattered her tan skin. Ang kanyang mata ay tila madilim na gabi.

Her gaze slowly drifted down the rest of her figure, stopping at her mound that was covered with well-groomed pubic hair. Tumaas ang tingin niya pabalik sa kanyang mukha, at inabot niya ang kanyang talisman na nakasabit sa kanyang leeg. Matiim niyang pinagmasdan ang sarili pero muli ay bigla siyang napahiyaw nang bigla ay muli niyang makita ang itim na halimaw na biglang sumunggab sa kanya mula sa loob ng salamin.

“Luna?”

Marahas na bumaling sa pinto ang kanyang ulo. “Maddalena!”

“Ano ang nangyari?”

“I-I saw a monster.”

“Ano?” Pumasok si Maddalena at isinara ang pinto.
“I don’t know if I was just dreaming or what but I saw it.”

Bumakas ang pagkabahala sa mukha ni Maddalena. Humakbang ito palapit kay Luna. “Paano mong nakita?”

“Kanina habang naliligo ako. Habang nakapikit ako. Nakita ko siya. Tapos sa salamin.” Nilinga niya ang salamin at inilahad ang kamay sa direksiyon niyon. “Lumabas na naman siya. Black. Huge. Sharp fangs. Blue eyes with fury.”

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Maddalena at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Luna. Inabot nito ng dalawang kamay ang balikat ng dalaga at ibinalik ang tingin sa mukha nito. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang balikat at tumiim ang mukha na parang may hindi magandang pangitaan. Maddalena had the ability to foretell future events—even past events.

“Nakita mo?” hintakot na tanong niya.

Tumango si Maddalena. “Lycan,” usal nito.

“Sino siya?”

Umiling ito. “Hindi ko alam. Wala akong ibang makita maliban sa kung ano lang ang nakita mo.”

“Maggaganap ba ang propesiya?”

Muling umiling si Maddalena. “Hindi ko alam. I can only foresee minor events. Ang tagakita lang ang makakapagsabi kung kailan ang itinakdang laban natin sa mga Lycan.”

At wala nang tagakita. Tanging propesiya lang na nasa libro ang pinagbabasihan nila. Ang mga witches at Lycan ay nakatakdang magsagupa at isa sa lahi ang malilipol. Hindi nila alam kung anong araw o taon, pero sisiguraduhin niyang hindi ang lahi nila ang malilipol. Ang mga halimaw na iyon ang dapat mawala sa ibabaw ng mundo. Tumaas ang mga kamay ni Maddalena sa mukha ni Luna at marahan nitong sinapo ang kanyang mukha.

“Bakit ko nakita ang nilalang na ‘yon, Maddalena? Hindi kaya nagsisimula nang lumabas ang kakayahan ko bilang isang Paganus? Baka magkatulad tayo, Maddalena. Nakikita ang hinaharap.”

Maddalena was considered the most powerful female witch, more powerful than her parents. Higit na mas malakas ito kaysa sa kanyang ama na siyang kapatid ni Maddalena. Hindi lang iisa ang kapangyarihan nito. Kaya nitong mag-teleport, makita ang hinaharap, at iba pa.

“Marahil. Magandang balita ito. Pero tandaan mo, Luna—hindi mo gagamitin ang kapangyarihang mayroon ka kung sakali man lumabas ito. Gagamitin lang ito kung nasa panganib. Kung nasa pagsasanay ka.” Pinakatitigan siya sa mata ni Maddalena. “Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan natin. Labag sa batas ng Paganus ang muling paggamit ng kapangyarihan, Luna. Naiintindihan mo? Kamatayan ang kaparusan ang mahuhuling nagsasanay ng witchcraft sa labas ng kampo.”

Tumango si Luna. “I understand. Only hunters can practice witchcraft.”

“Para sa paghahanda kung sakaling manggulo ang mga halimaw.”

Nakangiting tumango si Luna. Hinaplos ni Maddalena ang basang buhok ni Luna. “Dalagang-dalaga ka na, Luna. Napakaganda mo. Mas lalo kitang kailangang ingatan.”

“I can take care of myself, Maddalena. Please don’t worry about me. I may not have any supernatural power, but I have speed and strength that I can use to protect myself from enemies.”

Inilapat ni Maddalena ang kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib kung saan tumitibok ang kanyang puso. Muli ay tumiim ang mukha ni Maddalena, pero ang mga mata nito ay lumambong.

Lua AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon