Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 4

9K 517 204
                                    


“SANA OKAY ang substitute professor natin sa Subfield. Ang boring ni Mr. Suarez magturo,” ani Beatrix na katabi niya sa upuan. Naghihintay sa pagdating ng professor sa kanilang second subject na Anthropology Subfield 1.

“Sana nga.” Minsan, kahit gaano kainteresado ang estudyante sa topic, kung boring magturo ang professor ay namamatay ang interes ng estudyante. Like what Professor Suarez did. He just made them memorize information, take a quiz and—bye. It was up to them if they stored what they learned from reading or just forget it. That was the cycle for almost the entire semester. And it was tremendously boring.

Lecturer should keep students interested.

Napapikit si Luna nang biglang masamyo ang pamilyar na amoy. Several different scents floated in the air. Those are from the different perfumes her classmates wearing, but one particular scent stood out. It was strange to find it strangely alluring. Mabango naman ang lahat ng pabangong gamit ng mga kaklase niya pero iba ang bango ng isang ito. She couldn’t stop sniffing it. Nakakahumaling. It was a blend of musk, woodsy and spices, mixing perfectly that it created a pure seduction scent—intoxicating and sexy.

“Good morning! Is this section A?”

Everyone snapped their head towards the door where the very masculine voice came from. Nagmulat si Luna nang mata at bumaling din sa pinto. Wala sa loob na napahawak si Luna sa kanyang dibdib nang makita niya ang pamilyar na lalaki.

Umawang ang kanyang labi. Hindi lang ang kanya kundi ng lahat nang pumasok ang isang matangkad na lalaki. Higit anim na talampakan marahil ang height nito. Ang lalaking may asul na mga mata. Ang lalaki sa may entrance kanina. Sinundan ito ng lahat ng tingin habang naglalakad hanggang sa marating ang desk. Ipinatong nito roon ang leather laptop bag at hinarap silang lahat.

“No one responded to my question, so let me check if I’m in the right section.” Kinuha nito mula sa side pocket ng laptop bag ang iPad. Wala ngang isa man ang sumagot dahil lahat ay natulala sa pagdating nito. Mapababae man o lalaki.

“Anway, I am Fhergus Ferreira, the substitute professor. Ako ang pansamantalang papalit kay Professor Suarez. Now, let’s take attendance…Bahasa,” he called the first name while staring at the iPad screen.

“Here, Sir.” A girl raised her hand to let the professor know of her presence.

Sumulyap ito sa babae at tumango saka muling nagtawag. “Barquez.”

Another girl raised a hand with a small smile on her face—a kind of action she never did when other professors had taken their attendance. E, lagi ‘yan nakasimangot na parang laging bored na bored. Na para bang napipilitan lang mag-aral.

Nagpatuloy ang pagtawag ng pangalan hanggang sa matawag si Beatrix.

“Naval?”

“Here I am, Sir! Present na present!”
Napangiwi si Luna sa matinis na tili ni Beatrix. Isa pa ito, e. Nang magawi ang tingin ng propesor sa dereksiyon nila ay natigilan ito at biglang napaturo na mukhang nabigla rin. Kapagkuwa’y napakagandang ngiti ang sumilay sa mga labi nito dahilan para lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Nagdagdag ng lakas ng dating ang medyo nakausling mga pangil nito. Kinawayan siya nito.

Biglang nagyuko si Luna ng ulo nang lahat ng mata ay magawi sa direksiyon nila ni Beatrix. Nasa pinakalikod kasi sila nakaupo at nasa pinakagilid pa.

“OMG! He waved at me!” Pigil ang tili ni Beatrix at kumaway pabalik sa propesor.

“Limot mo na agad na si Kajick ang crush mo?” mahinang angil niya rito.

“Hindi naman. Ito talaga, OA.”

Muling niyuko ng professor ang iPad. Kapansin-pansin ang pagseryoso ng anyo nito. He lifted his gaze from the iPad and scanned the students, as if looking for someone. “Lucienne Nariah Navarro.”

She was called by her full name while his gaze was fixated on the first row, expecting for someone to raise a hand. Nagtaas ng kamay si Luna.

“Sir,” kuha niya sa atensiyon nito. Ilang sandali ang lumipas bago nagawa ng propesor ang magbaling ng tingin sa direksiyon niya. There was something strange in his reaction. The emotions she identified were shock and anger. What was wrong?

“Are you Lucienne Nariah Navarro?” tila naniniguro nitong tanong.

“Oho, Sir.” Matagal na sandali itong nakatitig sa kanya bago marahan itong tumango. Para bang hindi nito gusto ang nakikita. Ang katotohanang siya si Lucianne Nariah. Ang ganda naman kasi ng pangalan niya. Hindi bagay sa itsura niya. Kahit noon pa naman ay ganito ang reaksiyon ng mga tao sa kanya. Kapag naririnig ang pangalan niya, akala ay maganda ang nagmamay-ari. Scam daw.

Muling ipinagpatuloy ng propesor ang pagkuha ng attendance ng klase hanggang sa matapos.
“I’ll be your professor in the meantime until Mr. Suarez comes back. So, maaaring hanggang final or posible na abutin pa ng second semester.”

“Sana hanggang second sem, Sir,” halos sabay-sabay na sabi ng mga babae.

“Parang ngayon lang may napadpad na gwapo at batang propesor dito sa St. Louis,” ani Shane.

“True. Ilang taon ka na po, Sir?” tanong naman ni Gwen na seatmate ni Shane.

“Why don’t you guess my age?” He flashed them a playfully roguish grin. Ito na naman ang kakaibang nararamdaman niya sa puson niya at kumakalat iyon pababa. Ang ngiti nito ay parang hindi normal. May kakaibang epekto ang ngiti nito.

“I guess late twenties. But is it possible to be a professor at such a young age? Mabuti po sana kung PE teacher kayo.”

“Late thirties. Thirty-seven to be exact.”

“Oh!” reak ng lahat maliban kay Luna. Sa totoo lang, hindi ito mukhang treinta y siete. Tama si Gwen na mukha lang itong late twenties o papasa pa ngang mid-twenties ang itsura ng mukha. May mga kaedad kasi itong propesor dito pero ang tanda na kung titingnan. Hindi naman pwedeng sabihing dahil may dugong banyaga ito. Iyong PE professor nila ay half-Filipino, half-American din naman at nasa trenta anyos na, pero mas matanda pa ang itsura sa lalaking ito.

Ang bata rin masyado ng get-up nito. She was used seeing their professor in their formal attire. Polo at slacks ang laging suot ng mga professor dito maliban sa PE prof nila. But this man was different. He was just wearing a white long-sleeved shirt with the sleeves scrunched up to his elbows and dark denim jeans, pairing them with casual chestnut boots. His super-sexy top knot hairstyle could pretty much make women swoon. The combination of his icy blue eyes and bronze skin created a stunning look. Sobrang kaswal lang ang porma pero iyon ang mas lalong nagpalakas ng dating nito—not to mention the high hollow cheekbones and the rough stubble accentuating his strong jaw that gave him a raw Greek god beauty. His broad shoulders and well-defined chest were exquisitely showcased by a body-hugging shirt. He was like a perfect hero straight out of a book.

Hindi gaanong makapal ang suot nito. Hindi kaya ito nilalamig? Bumalik ang mga mata ni Luna sa mukha ni Fhergus. Nag-focus ang kanyang mga mata sa senswal na mga labi nito.
Really, Luna? Since when did you use that adjective to describe a man’s lips?

Hindi niya makita mula sa kanyang kinauupuan ang nunal nito sa labi. Sana matitigan niya ulit ito nang malapitan. Ano ba naman, self? Bakit ka ba nagkakaganyan? Propesor mo ‘yan at bawal ang faculty/staff and student relationship. Marahang natawa si Luna sa mga naiisip na kalokohan. As if naman na papatulan nga siya ng propesor na ito.

Hay, Luna! Ang aga-aga nananiginip ka na agad.

Unti-unting napawi ang pagkakangiti ni Luna nang mapansing nakatitig sa kanya ang lahat kasama na ang gwapong propesor.

“Bakit sila nakatitig sa ‘kin?” pabulong niyang tanong sa kaibigan.

“Gaga, tumatawa ka kasi wala namang nakakatawa. Ano ang nakakatawa sa tanong ni sir?”

“Nagle-lecture na ba?”

“Kanina pa, gaga! Tinatanong ka nga.”

“Ako?” Itinuro ni Luna ang sarili.

“Hindi. Ako, ako.”

“Ms. Navarro?” tawag ng propesor.

“Sir?” Dahan-dahan siyang tumayo.

“You want me to repeat my question?”

“Yes, please.”

“What are the Philippines languages that disappeared and why?” He repeated the question she didn’t hear earlier because she was busy ogling at him.

“Philippines has 183 living languages, almost ninety-six percent of which are indigenous. Thirty-two of these languages are spoken by different Negrito ethnolinguistic populations scattered throughout the archipelago. Two Aeta languages, Dicamay Agta and Villa Viciosa Agta, are already extinct while the rest of Negrito languages are in trouble.” Saglit siyang tumigil at muling nagpatuloy para sagutin ang pangalawang tanong. “How do languages die? The most salient reasons for language endangerment are ethnocide and the tribal extinction.”

Tumango ang propesor at binigyan siya ng matalim na titig. Kitang-kita rin ang paggalaw ng buto nito sa pagang na nagiging dahilan lang pagtatagis ng mga bagang kapag nanggigil o kaya’y galit. Which one was the reason? Hindi naman pwedeng magalit ito sa kanya? Wala namang dahilan. Nanggigil? Bakit naman ito manggigil sa kanya?

Umupong muli si Luna at nagpakawala ng mahabang hininga. The emotions he expressed—intentionally or not—bothered her a lot. Hindi naman dapat pero iyon ang nararamdaman niya.

*

SUMAMA SI Beatrix kay Kajick kaya naman mag-isa siyang nag-tungo sa cafeteria para kumain ng pananghalian. Tuwang-tuwa ang kaibigan niya dahil sa wakas ay nai-date na ito ni Kajick. Masaya siya para rito. Si Kajick ang magiging unang kasintahan nito kung sakali man. Not that Beatrix had no options. Marami itong options kung tutuusin, pero hindi naman mahilig sa flings si Beatrix. Gusto nito pang-matagalang relasyon talaga. E, ang mga nanliligaw rito may mga itsura rin naman kaso nga lang ay hindi nito type. Si Kajick lang yata ang lalaking nagustuhan nito. Sana lang ay hindi ito masaktan. Medyo hindi pa naman maganda ang repustasyon ni Kajick pagdating sa babae. Player ng campus ‘yon.

“Thank you!” She smiled at the lady after giving her order. She lifted the tray from the stainless counter and looked around for a vacant chair as she walked. May nasipat siyang mesa sa sulok pero hindi iyon bakante. May isang babaeng estudyanteng nakaupo roon. Makiki-share na lang siya. Naglakad siya patungo roon. Nginitian niya ang babae. Ibinalik nito sa tray ang pagkain saka tumayo at binuhat iyon.

“Dito ka na,” nakangiti naman nitong sabi. Sa halip na ngumiti at magpasalamat ay sumimangot siya na ikinawala ng ngiti ng babae saka nagmadaling umalis.

“Jeez!” Sighing, she set the try on the table and sat on the chair.

Actually, hindi naman bully ang mga tao rito. They never mocked her because of her unpleasant appearance. Most students threw her a pity glance. She was delighted about that. At least there was humanity in them. In fairness naman, malayo sa mga telenovela at pocketbook ang nararanasan niya sa mga nararanasan ng mga bida na naaapi lagi dahil sa itsura.

Pero noong bata pa siya, madalas siyang ma-bully ng mga kapwa bata at maraming natatakot sa itsura niya. Kahit ngayon ay maraming natatakot sa kanya at marahil ay nandidiri na rin kaya ganito siya iwasan. Pero hindi naman siya nilalait.

Inalis niya mula sa pagkakabalot ng tissue paper ang kubyertos. Sinira mula sa magandang porma ang isang cup of rice gamit ang kutsara at tinidor saka sinimulan kainin ang baby back ribs with tamarind glaze, pero hindi pa man lang nadudurog ang pagkain sa kanyang bibig ay may nang-estorbo na sa kanya.

“Hi, can I sit with you?”

Nag-angat si Luna ng tingin. Agad na namilog ang kanyang mga mata at natigil sa pagnguya nang mapagsino ang lalaki. Noon lang din niya na-realize na kilala nga niya ang boses. Inilapag nito ang tray sa mesa na naglalaman ng brown rice, salmon with taragon white sauce at isang basong tubig.

“The cafeteria is crowded.” He seemed to be complaining rather than commenting. Inalis nito ang kubyertos mula sa pagkakabalot sa tissue at katulad ng ginawa niya ay sinira rin nito sa pagkakahulma ang kanin.

Nagsimula itong kumain pero si Luna ay nanatiling nakatitig sa lalaki. Confused. Nag-iba bigla ang ekspresyon nito, ang aura nito. Wala na ang galit at gulat sa mukha nitong visible masyado kahapon. Hindi magawa ni Luna na kumain. Nakatitig lang siya sa mukha nito. She was memorizing every detail and contour of his face. It was perfect. He was a perfect creation of his parents. Kudos to them. Saka ang amoy na kahapon pa niya kinahuhumalingan. Confirmed. Pabango ngang gamit nito.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti. “Gusto mo ‘tong pagkain ko?”

Bahagyang umawang ang bibig niya at pagkatapos ay umiling. “No, Sir. Sorry.” Nahihiya siyang nagyuko at sinubukan ipagpatuloy ang pagkain kahit naiilang siya. His presence affected her—big time. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon. Parang kung may anong matinding pwersang mayroon ito na hindi niya kayang baliwalain. 

Goodness! Ito kaya ang tinatawag na love at first sight? Muli siyang napatingin sa lalaki na abala sa pagkain. May napansin si Luna sa itsura nito. Nakatiim ang bagang nito at malalim ang paghinga. Niyuko niya ang kamay nitong madiin ang pagkakahawak sa kubyertos. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam.

Tumikhim si Luna at lakas loob na nagsalita. “May hypertension ka po, Sir?”

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Ha?” clueless nitong tanong.

“May sakit sa puso?” tanong niya.

Umiling ito at marahang natawa. “Wala. Something odd about me?”

Marahang tumango si Luna.

“It’s nothing. Just heat.” He let out a deep breath.

“Heat?” mahina niyang usal. Paanong heat, e, ang lamig-lamig nga.

Tumitig sa kanya ang lalaki. Muling tumiim ang mukha nito. Kinabahan bigla si Luna nang makita ang paguhit ng galit sa mata nito pero may kung anong emosyong humalo roon na hindi niya naman matukoy. Mukhang na-beast mode sa pag-usisa niya.

“Sorry,” agad niyang sabi at muling itinuon ang atensiyon sa pagkain. Nakaka-nerbiyos naman ang lalaking ito. Mukhang mainitin ang ulo.

“Luna frenny!” Matinis na tili ang muling nagpaangat ng tingin ni Luna. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ang kaibigang si Zanaya na patakbong lumapit sa kanya.

“Zanaya!”

Umupo ito sa kanyang tabi at mahigpit silang nagyakap. “I missed you!”

“Kailan ka pa dumating?”

“Last night. I felt so tired after a long flight kaya hindi na kita napuntahan. I went to your house just earlier but you’re not so kind aunt told me that you went to school na. That’s why I’m here!” Itinaas nito ang dalawang kamay habang patiling sinabi ang mga huling salita. “Anyway, I have pasalubong for you and Beatrix. Where is she nga pala?” Tangka nitong lilingahin ang paligid pero natigil nang mapansin nito si Professor Fhergus. Napasinghap pa ito.

“Gosh! Who is he? Your boyfriend?”

“Hindi! Mother nature! He’s my professor. Nakisabay lang kasi wala nang bakanteng mesa.”

“Oh, I see! Goodness! He’s the hottest professor I’ve ever seen. Inspiration to study hard.”

“Tse.” Ayan na naman itong babaeng ito. Hilig-hilig sa gwapo. Kaya ito ipinadala ng magulang sa Europa dahil napaaway sa isang babae dahil lang sa isang lalaki. Maganda itong si Zanaya. Pang-model ang figure dahil bukod sa may unrealistic body type ay matangkad talaga ito sa taas na limang talampakan at sampung pulgada. Napakaganda rin ng mukha. One of the hottest babes in campus. Matanda ito sa kanila ni Beatrix nang dalawang taon.

“Dito na yata ako mag-study ulit.” Inilahad ni Zanaya ang kamay kay Professor Ferreira.

“Zanaya,” pagpapakilala nito habang hindi inaalis ang malagkit na tingin sa lalaki. Mga titig na para bang nanunuri ng pagkatao. Parang binabasa ang isip ng kaharap.

Binitawan ni Professor Ferreira ang kubyertos at inabot ang kamay ni Zanaya. “Professor Fhergus Ferreira.”

“Ow! Can I call you Papa F?”

Marahang siniko ni Luna ang kaibigan sa tagiliran. “He’s a professor. Delakadesa, Zanaya.”

Sumimangot ang babae bago binitawan ang kamay ng propesor. “Para ka namang tatay ko kung magsalita, ah,” may pag-irap nitong sabi bago muling ngumiti nang matamis pagbaling sa propesor.

“You are a professor in what field, Sir?”

“Subfield of anthropology.”

“I just realized something. As in now lang—I’m interested in humanity. Mag-shift kaya ako.”
Napailing si Luna sa kadaldalan at kaprangkahan ng kaibigan. Kapag gwapo ang involved gagawin talaga ang lahat mapalapit lang sa taong iyon.

“Um, Fhergus.” Kitam at feeling close ang gaga. “Do you believe in werewolves?” Mukhang napukaw ang interes ng lalaki sa tanong na iyon ni Zanaya. Sumeryoso ang mukha nito na kanina ay pangiti-ngiti lang.

“Werewolves?”

“Yeah. Like Lycans? Werewolf and Lycan are of the same breed, right?”

“Bakit mo naman naitanong? Did you see one of that kind of creature?”

“No! At hindi ko gustong makakita ng halimaw!” Siya lang ba o may diin talaga ang bigkas ni Zanaya sa huling salita? “Well, ito kasing si Luna, masyadong interesado sa Lycan. Hindi lang behavior at lifestyle ng tao ang gustong pag-aralan niyan kundi pati na rin ng mga halimaw at pinagmulan nito. E, hindi naman ‘yon totoo ‘di ba? It’s just a fictional character.”

Tumingin sa kanya ang gwapong propesor. Tila humihingi ng kasagutan sa sinabi ni Zanaya.
“I’m just curious,” sabi na lang niya.

“May nalaman ka naman tungkol sa kanila?”

“Iba-iba ang sabi sa libro. Some say that a greedy man sold his soul to the demon for power. Some say that they were infected by a virus. Hindi ko alam kung alin ang tama. But one thing is for sure from Lycan lore—cannibalism.” Hindi na niya binanggit ang alam niya at siyang pinaniniwalaan niyang kwento sa pinagmulan ng mga halimaw.

“So you believe that they exist?”

“No! If they exist, where are they? Sana naghahasik sila ng lagim. Wala pa namang kaso ng brutal na pagpatay na maaaring iugnay sa mga halimaw.”

“Maybe because they aren’t beasts like you believe them to be. Maybe they live like normal humans. They don’t hurt people. They don’t practice cannibalism.”

Nagkibit ng balikat si Luna. Maaari. Kasi wala pa naman talaga siyang nakikitang Lycan. Pero hindi naman siguro gagawa ng hukbo ang pinuno ng mga witches kung talagang walang panganib. Ang binuong hukbo ng witches ay hindi lang para protektahan ang lahi nila kundi pati na rin ang mga tao kapag dumating ang panahon na manggulo ang mga halimaw. At paano niyang ipapaliwanag ang nakita niyang halimaw kagabi lang habang naliligo siya at sa salamin?

“Kung saan man sila nagmula, kung bakit naging ganoon sila…siguradong kasalanan nila.”

Bahagyang tumaas ang kilay ng propesor dahil sa sinabi niya.

“‘Di ba there is a price to pay for our actions? People just pay the price they deserve. Baka may masama silang ginawa kaya sila nagkaganoon. Karma. Bad karma.”

Humugot at nagpakawala nang mabigat na hininga ang lalaki. Muli ay gumuhit ang galit sa mga mata nito. Para bang gustong humalagpos ang emosyon na iyon pero pilit na sinisikil. Hindi nga lang maitago ng mga mata nito.

Lua AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon