Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5

9.1K 549 289
                                    


“HEY, Luna!” Napatigil si Luna sa paglalakad sa pagtawag ni Professor Ferreira. “Luna na lang din itatawag ko sa ‘yo. Ang haba ng pangalan mo, e. Anyway, are you going to the cafeteria?”

Napakaganda talaga ng bukas ng mukha nitong gwapong propesor. Ang manly ng ngiti na match na match sa lalaking-lalaking mukha at pangangatawan nito. Swerte ng girlfriend nito. Maaliwalas ang awra nito ngayon. Hindi nakaka-nerbiyos dahil ang cool ng vibe. Parang iyong taong madaling kaibiganin. Kapag medyo seryo at madilim ang mukha nito ay ang lakas din naman ng dating. Parang ang mysterious. Parang may dark side na itinatago. May violence na kapag kumawala ay mapapa-rawr ka. Iyong light side ay pang public display habang ang dark side naman ay pang private. Iyong tipong ilalabas kapag sexy time.

Napalunok si Luna nang bigla na lang naging malaswa ang imahinasyon niya. Bigla na lang naisip kung paano ito sa kama. Bigla na lang pumasok sa kanyang isipan ang hubo’t hubad na imahe nito at biglang uminit ang hangin sa paligid niya, pero bago pa lumala ang epekto niyon ay agad na niyang iwinaksi iyon. Gusto niya ang kanyang nararamdaman. May kakaibang sensasyong nanunulay sa kanyang mga ugat at pakiramdam niya ay malulunod siya kapag hinayaan niya. Si Fhergus ay muli na namang nag-iba ang ekspresyon. Ang dark side na sinasabi niya ay siyang nakikita niya sa anyo nito habang nakatitig sa kanya. At hindi iyon nakatulong para pababain ang temperatura ng kanyang katawan na bigla na lang tumaas dahil sa kalaswaan na naisip. Ibig sabihin ay natu-turn on siya sa dark side nito. Shit! Bakit ganito? Bakit natototo na siyang mag-isip ng mga ganitong bagay? Bakit nagagawa na niyang bigyan ng deskripsiyon ang ganitong pakiramdam na hindi naman niya nagagawa noon? Nagagawa na niyang bigyan ng pansin? Ni pagkakaroon nga ng crush hindi niya napagtuonan ng pansin tapos ngayon masyadong advance. Ano ang mayroon sa lalaking ito para kusang maging wild ang imahinasyon niya at reaksiyon ng katawan niya nang walang educational talk about it? Walang experience. Ni hindi siya nanonood ng porn, nagbabasa ng article about sex, at mas lalong hindi pa siya nakaramdam ng ganito sa kahit na sinong lalaki.

Agad na nag-iwas ng tingin si Luna at nagpatuloy sa paglalakad at sumabay naman ito sa kanya. Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Fhergus. Ang awkward ng katahimikan na namagitan sa kanila kaya nag-isip si Luna na maaaring bumasag sa katahimikan at maging normal ang lahat.

“May girlfriend ka na, Sir?” Bigla na lang iyon lumabas sa kanyang bibig. Napangiwi siya. Hindi na naman niya pwedeng bawiin pa. Bahagya niyang nilinga si Fhergus para makita ang reaksiyon nito sa kanyang tanong. Tumibok nang mabilis ang kanyang puso nang makita ang malapad na pagkakangiti nito. Ito naman ang light side nito. Ang light side personality nito ay puso niya ang pinapatibok habang ang dark side naman nito ay hiyas niya sa pagitan ng kanyang hita ang pinapatibok. Oh my goodness! Nakulam ba siya at ganito siya mag-isip?

“Wala pa. May irereto ka?” Kung ang totoong itsura lang sana niya ang nakikita nito inireto na niya sa sarili niya. Eighteen na naman siya at ilang buwan na lang din naman ay nineteen na siya. Saka naniniwala rin siya sa kasabihang age didn’t matter.

“Wala akong kilalang bagay sa ‘yo. ‘Di naman bagay sa ‘yo si Zanaya. Lalakero ‘yon.”

Malakas na tumawa ang lalaki. Lalong gumugwapo. Kaso medyo nakakahiya dahil mas lalo pa silang nakakuha ng atensiyon ng mga estudyante na kanina pa nga nakatingin sa kanila. Pakiramdam nga niya pinagti-tsismisan na sila nito at siguradong naiinggit sa kanya ang iba. Tatlong araw na rin kasi itong sumasabay sa kanya sa pagkain. Wala pa rin sigurong friend sa faculty kaya siya ang pinagta-tiyagaan.

“Si Ms. Naval? Date again?” He always addressed Beatrix by her last name—even her other classmates. Pero siya, Luna. Bakit kaya? Espesyal?

“First boyfriend kaya priority muna.”

“So you are gonna be alone again?”

“Parang ganu’n na nga.”

“Good.”

Tumaas ang makakakapal na kilay ni Luna. He chuckled at her reaction. “That means na may makakasama ulit ako. Wala rin akong kasabay kumain. Wala pa akong close na mga professor dito. Wala ka bang ibang kaibigan dito maliban kay Beatrix?”

“Si Zanaya. Magta-transfer na siya rito kaya magiging dalawa na sila. Saka hindi ko naman kailangan ng maraming kaibigan.”

“Tatlo na kami.”

Nilinga niya ito. “Tatlo na kayo?”

“Sali ako sa circle n’yo.”

Napangiti si Luna. “Kung type mong magkaroon ng pangit na kaibigan bahala ho kayo.”

“Cute ka.”

“Alam ko. All animals are cute kahit ano pa ang itsura nila. Pero iba ang cute sa maganda.”

His laughter resonated through the corridor, making her wince. Ang sarap sa pandinig ng tawa nito kaso laging agaw atensiyon. Kaloka itong si prof. Hindi na nahiya.

“Anyway, I have something for you.” Inabot nito sa kanya ang librong hawak. It was a hardbound book. May pagtatakang inabot niya iyon at binasa ang titulo niyon—Lycanthropes. Ang cover ay isang Lycan illustration habang ang background ay bilog na buwan.

“Lycan real history,” basa niya sa nakasulat sa ilalim ng Lycanthropes.

“Baka lang interasado kang basahin. Baka may kulang sa kung ano ang nalalaman o pinaniniwalaan mo. We don’t know the real story, but it would be better to know other theories.”

“I believe what I know. I don’t need to read other theories.”

“That’s unfair. You are judging Lycans without hearing their side.”

Huminto sa paglalakad si Luna. Itinaas niya ang hawak na libro. “So you mean this is the Lycan’s side?” Sinilip niya ang author na nakalagay roon pero wala. “Unknown author,” usal niya saka muling ibinalik ang tingin sa mukha ni Fhergus. “Where did you get this, Sir?”

“I just saw that from the old bookstore in Manila. They sell secondhand books…just keep it. Basahin mo kung gusto mo at kung ayaw mo naman, just throw it.”

Ilang sandali niyang tinitigan ang mukha ni Fhergus na ngumiti naman sa kanya. She involuntary made a face that made him chuckle. Inabot nito ang pisngi niya at marahang pinisil. “Cute mo talaga.”

“Tara na nga, Sir. Gutom lang ‘yan.” Isinilid niya ang libro sa kanyang bag. Muli na sana siyang maglalakad nang bigla siyang mabundol ng isang lalaking nakikipagharutan na nadaanan nila.

Medyo napalakas ang pagkakabundol sa kanya kaya naitulak siya palapit kay Fhergus. Agad naman siya nitong naalalayan.

“I’m sorry, Luna,” hinging paumanhin ni Cali. Kaibigan ito ni Kajick. Hindi niya akalain na kilala siya nito.

Nginitian niya naman ito para ipaalam na ayos lang siya. Tiningala niya si Fhegus para sana magpasalamat sa pagkakasalo nito sa kanya pero ang gusto niyang sabihin ay hindi na nasambit pa nang magtama ang kanilang mga mata. Matiim ang pagkakatitig ng asul na mga mata nito habang ang mga kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang mga braso. Masyado pala silang napalapit sa isa’t isa. Nakadikit ang kanilang mga katawan habang ang kamay niya ay nakalapat sa dibdib nito. Dama niya ang tibok ng puso nito sa ilalim ng kanyang mga palad. Para bang nahahawakan niya mismo ang puso nito.

“I’m sorry, Sir,” mahina niyang usal. Naramdaman niya ang daliri nitong humaplos sa kanyang balat at nabigla siya sa kakaibang enerhiyang gumapang sa kanyang balat. Pinanayuan siya ng balahibo sa katawan. At hindi lang iyon. May kung anong init ang tila tumupok sa kanyang kaselanan higit na mas matindi sa mga unang naramdaman. Tumiim ang bagang ni Fhergus habang mas lalong humigpit ang mga kamay nito sa kanyang braso. Tila ba napakahirap na bagay ang bitawan siya. Humugot pa kasi ito ng napakalalim na paghinga bago siya dahan-dahang binitawan, pero ang mga mata nito ay nakatuon lang sa kanya at ganoon din siya rito.

“Tara na po?” mahina niyang usal habang nanatiling nakatitig sa magagandang mata ng propesor. Tumango naman ito pero hindi kumilos. Nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya habang nakatiim ang mukha. Ito na naman ang dark side, pero wala siyang galit na makita roon. Hindi nagre-replek sa mga mata nito ang matigas na facial expression nito.

Siya na ang unang nagputol ng pagkakatitig nila at nagsimulang maglakad muli. Narinig niya ang maingay na paghugot ng malalim na hininga ni Fhergus. Sumabay ulit sa kanya sa paglalakad ito. Tahimik. Nakikiramdam lang siya. Hindi niya maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakalapit sila ng lalaking ito. Bagay na kailanman ay hindi niya naranasan kahit na kaninong lalaki. Naguguluhan na talaga siya.

Mother nature! Totoo kaya talaga ang love at first sight? Jusme! Hindi naman siguro. Baka sadyang ang lakas lang ng dating nito. Hindi lang naman siya ang natulala pagkakita rito at tiyak na hindi rin siya ang nag-iisang nakakaramdam ng ganito para sa lalaking ngayon pa lang niya nakikilala.

Hanggang sa marating nila ang cafeteria ay walang imik ang dalawa. Napapitlag lang siya nang bigla niyang maramdaman ang kamay nito sa kanyang likuran kaya bigla niya itong tiningala.

“I’ll get our meal. Just find a seat for us.”

Tumango si Luna saka ito iniwan. Naglakad siya patungo sa dulo ng cafeteria kung saan may bakante.

“I think Professor Ferreira just pities her,” narinig niya sabi ng isang babae sa mesang nadaanan niya.

“Huwag n’yo ngang pag-isipan ng ganyan si sir. Pati na rin si Luna. Alam mo namang loner ‘yang si Luna. Walang gustong makipagkaibigan.” Kahit medyo nakalayo na siya ay malinaw na umabot iyon sa pandinig niya.

“Sabagay,” pagsang-ayon ng isa pa. Grabe! Mga tsismosa. Pinag-iisipan ba sila ni Sir Ferreira na may relasyon? Nakakatawa ‘yon, ah. Siguro kung maganda siya ay mag-aalala nga siya sa paglapit ni Fhergus sa kanya dahil alam niyang iba nga ang iisipin ng mga tao. Pero ganito na itsura niya, may nag-iisip pa rin ng kamalesyosuhan sa kanila.

Inilapag niya ang bag sa bakantang silya at naupo naman siya katabing silya. Bumaling siya sa kinaroroonan ni Fhergus. Agad siyang nagbaba ng tingin nang makitang nakatingin ito sa direksiyon niya. Biglang nag-init ang kanyang mukha dahil doon.

“Grabe! Ang swerte ko siguro kung ligawan ako ni, Sir Fhergus. Tapos siya ang magiging first kiss ko.” Bumungisngis si Luna sa sariling iniisip. “Asa ka, Luna. Siguradong may magandang girlfriend ‘yan. Saka bata ka pa, girl. You are just eighteen,” patuloy niyang pagkausap sa sarili habang binubuklat ang libro. Pinasadahan ng mata ang table of contents hanggang sa makuha ng atensyon niya ang titulo ng pahina 55-60.

The origins of werewolves. Mabilis niyang binuklat ang libro sa pahinang iyon at binasa.
It was unclear exactly when and where the werewolf legend originated. The werewolf myth began with the oldest known prose writing—The Epic of Gilgamesh. In the story, a young shepherd that had fallen in love with a goddess had turned into a wolf because she grew bored of his devotions. Werewolves made another early appearance in Greek mythology with the Legend of Lycaon. In Fabulae, Lycaon, the son of Pelasgus, served Zeus a meal made from the remains of a sacrificed boy to prove Zeus’s weakness. As punishment, the enraged Zeus turned Lycaon into a wolf. In Ovid’s version, Lycaon murdered and mutilated a protected hostage of Zeus, but suffered the same consequences. Werewolves also emerged in early Nordic folklore. The Saga of the Volsungs told the story of a father and son who discovered wolf pelts that had the power to turn people into wolves for ten days. And there were lots of other infamous werewolves’ stories.

No one could tell which of the stories were real.

The werewolves’ reputation as ravening beasts was constructed by many storytellers. The characterization of the wolf as a symbol of rapacity and greed in different forms of literature endured until recent times.

Were werewolves really bad? Or were they just victims of other wicked creatures?

Napataas ang kilay ni Luna dahil sa huling nabasa. Hindi na rin niya naituloy pa ang pagbabasa sa paglapit ni Fhergus dala ang pagkain. Napakunot-noo si Luna sa nakikitang ngiti sa labi nito. Pinipigil nito ang ngiting iyon. Ano ba ang nangyari? Bakit parang kinikilig itong parang schoolboy?

“Bakit po kayo nangingiti, Sir?”

“Can you just drop the formality kapag tayong dalawa lang?”

“Ano po ang itatawag ko? Ferreira?”

He let out a manly chuckle. “Fhergus. Just call me Fhergus and drop the po and opo.”

Her gaze dropped to the food in front of her that Fhergus placed. “Fhergus.” His name slowly rolled off her tongue. It sounded sensual but Luna wasn’t aware about it.

“Damn!”

She shot her gaze back to his face. He was staring at her intently. “Bakit?”

Umiling ito. “Nothing. Kumain ka na.”

She nodded and started eating. “Pescatarian ka?” tanong niya nang mapuna ang pagkain nitong puro gulay na hinaluan ng sapat na portion size ng seafood.
“Obvious?” nakangiti nitong tanong. Napansin na niyang ganito rin ang pagkain nito noong mga unang araw na sumabay ito sa kanya sa pagkain. Gulay, isda, at seafood lang pero walang karne.

“Boring naman ng diet mo. Masarap din maging meatatarian paminsan-minsan.”

“Plant-based meat alternatives are available in the market today. Masarap naman. Healthy pa.” Isinubo nito ang laman ng kutsara. Ang sexy nitong kumain. Ang hot ngumuya.

“How do you maintain your masculine physique? In order to gain lean muscles, you have to intake enough protein. Animal proteins are the highest quality of protein source because they contain a good balance of all the amino acids that we need, while some plant proteins are low in certain amino acids.”

Ngumiti si Fhergus. “Naaawa kasi ako sa mga animals, e.”

Lumabi si Luna. “E ‘di huwag ka ring kumain ng lamang dagat na may buhay.”

Malakas na humalakhak si Fhergus. Nagyuko bigla ng ulo si Luna nang magtinginan ang lahat sa kanila. Nakakahiya. Tahimik na lang na kumain si Luna.

“Do you have a boyfriend, Luna?” tanong ni Fhergus pagkaraan nang ilang sandali.

Itinuro niya ang mukha. “Tingin mo may papatol?”
“You are cute.”

“Men don’t like cute girls, they like hot.”

“I do,” he said before stuffing his mouth with food. She bet he was referring to real cute girls—petite, small faces with cute pouty lips. Hindi iyong cute na mukhang pet katulad niya.

“I’ve never had a boyfriend,” pag-amin niya.

“So you’ve never experienced a kiss?”

“Hmm…nadilaan na ako.”

Literal na nasamid si Fhergus sa sinabi niya. Uminom ito ng tubig at nagpunas ng bibig. Napatawa naman si Luna nang mapagtanto ang sariling sinabi. “Ng tigre. Maharot na tigre. Is that considered a kiss?”

“Oh, I see.”

“Grabe ka, Prof. Dumi ng isip.” Nagkatawanan ang dalawa at muli ay nakaagaw na naman ng atensiyon iyon kaya biglang pumormal si Luna.

*

NAG-UNAT si Luna at humikab. Nakakaramdam na siya ng antok. Matapos ang kanyang klase ay nagtungo siya sa library at doon nag-aral. Malapit na ang finals, at medyo maraming project na kailangan tapusin lalo sa general archaeology. More on research lang naman. Tapos na rin naman siya sa iba. Mabuti na nga lang at pinalitan ni Fhergus si Professor Suarez. Matindi pagpa-project ‘yon. Ngayon ay term papers lang naman ang project na kailangan nilang gawin sa anthropology subfield.

Sinipat niya ang relong pambisig. Alas nueve na at wala pa rin si Beatrix. Ang sabi ng babaeng ‘yon magkikita sila rito. Sinalansan niya ang mga libro na nasa mesa at inilagay ang mga gamit sa bag. Kinuha niya ang kanyang phone na nakapatong sa mesa at binasa ang message mula kay Mang Bart.

Nasa parking lot na ito. “Naku, Beatrix!” Masyado na talagang nawiwili si Beatrix sa pagsama-sama kay Kajick. Ganyan ba talaga kapag nagkakajowa? Nakakalimutan ang mga kaibigan? Ang kaibigan na mula pagkabata ay kasa-kasama na. Napaka-unfair!

Tumayo siya. Isinukbit niya ang bag sa kanyang balikat at binuhat ang mga libro. Lumapit siya sa librarian. “Hiramin ko po muna itong mga libro, Madam Elsa.” Ipinatong niya ang mga libro sa wooden counter.

“Masyado ka nang ginabi, Luna?”

“Oo nga po. Maraming kailangan aralin, e. Malapit na finals.” Inilapag niya sa counter ang student borrower card. Madam Elsa tapped it on the reader mounted by the computer desk and waited for it to beep.

“Dapat kasi dito ka na lang sa dorm para hindi mo kailangan umuwi sa malayo.” Madam Elsa placed the card back on the counter.

“Ayaw ni Nanay. Mami-miss kasi ako n’on.” Tiningnan ni Madam Elsa ang title ng apat na libro at itinype iyon sa system. “Salamat, Madam Elsa.” Binuhat niyang muli ang mga libro saka naglakad na patungong exit. Paglabas pa lang niya ay nanginig na siya nang malakas na umihip ang hangin at nanuot ang matinding lamig sa kanyang buto. It was the ber months na—bed weather. Mga ganitong panahon masarap kumain ng comfort food. Christians were excited during ber months. It was the official start of Christmas season in the Philippines, which was known as the longest in the world. As early as the first day of September, Christmas carols can be heard in establishments, and neighborhoods start decorating their houses with the traditional parol, colorful lights and other Christmas decorations.

She, as a witch, was excited for the celebration of Solstice. Iyon ang ipinagdiriwang nilang mga witches na ipinagdiriwang tuwing December 21.

“Grabeng lamig!” Makapal na sweatshirt na ang suot niya pero baliwala sa tindi ng lamig. Maliwanag naman sa paligid ng unibersidad. Maraming poste ang nakahilera sa labas, pero malayo-layo ang lalakarin niya patungong parking lot. Niyuko niya ang kanyang bag nang tumunog ang phone niyang nasa loob. Si Beatrix ang tumatawag. Naka-aasign ringtone iyon kaya alam niyang si Beatrix ang tumatawag. Hinalughog niya ng isang kamay ang bag at kinuha mula roon ang phone niya at sinagot ang tawag.

“Hello! Nasaan ka na? Ikaw na babae ka ang landi-landi mo, ah! Uuwi na tayo. Nandito na si Mang Bart. Bilisan mong haliparot ka!”

Malakas na tawa ang naging sagot ni Beatrix sa pagbubunganga niya. “Papunta na ako sa school. Sa sasakyan mo na lang ako hintayin.”

Inikutan niya ito ng mata kahit hindi naman siya nakikita saka pinatayan. Ibinalik niya sa bag ang phone at naglakad na patungong parking lot kung saan naghihintay si Mang Bart. Mukha namang masaya ang kaibigan niyang haliparot. Huwag lang talaga itong iiyak-iyak at masasabunutan niya ito.

Nasa parking lot na siya at hinahanap ang area kung saan naroon ang sasakyan. Sabi ni Mang Bart nasa dulo ng first line nakaparada ang sasakyan. Marami-rami pang sasakyan ang naroon. Marami pa rin kasing estudyante sa library at ang panggabi rin na schedule. Dalawa ang parking space rito. Ang isa ay covered parking space at ito naman ay open lang.

Napatigil si Luna sa paghakbang nang may marinig na ingay. Mga ipit na ungol ng isang babae na tila sinasakal. Nilinga niya ang pinanggagalingan niyon. Mukhang nasa kabilang line pa. Apat na line ng mga sasakyan ang naroon at mukhang nasa fourth line ang pinanggagalingan ng mga iyak ng babae kung saan medyo madilim na parte dahil nagtatayugang mga puno.

She glanced at the direction where their car was parked but then gazed back to the direction where the strange noise came from. Baka nangangailangan ng tulong ang babae. Inilapag niya ang mga librong dala sa ibabaw ng isang sasakyan at kinuha mula sa bag ang isang silver knife.
This weapon was made for monsters. Ito lang ang klase ng sandata ang maaaring sumugat sa isang Lycan. Punyal o ano pang bagay na gawa sa pilak. Lagi siyang may dala nito. May partikular na area ang kailangan tamaan sa katawan ng Lycan para masugatan ito nang malala—sa spine at puso, but it was not enough to kill them. Lycans could only die from severe physical trauma, such as decapitation or destruction of the heart and ripping their heads apart.

Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ni Luna. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng ingay. Nang marating ang ikaapat na lane ay sumilip siya mula sa tagiliran ng isang sasakyan. Ganoon na lang ang pagkabigla ni Luna sa nasaksihang tagpo. Wala naman sakitan na nagaganap. Mukhang gustong-gusto pa nga ng babae ang ginagawang pagbayo rito ng lalaki habang nakasubsob ang mukha nito sa ibabaw ng compartment ng sasakyan. Nakahawak ang kamay ng babae sa pang-upo ng lalaki na ngayon ay sinasambit na ang mga katagang more, harder and faster. Exposed ang pang-upo ng lalaki. Wala itong pang-itaas at nakakaba ang pantalon hanggang hita. He had a nice and a muscular butt. Biglang pumalit ng anggulo ang dalawa, mula sa tagiliran ay lumipat ito sa pinakalikod kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para makita ang mukha ng babae.

Hindi ito isa sa mga hottest girls sa campus but she was definitely the hottest girl she’d ever seen. Long shapely legs, small waist, gold hair that flattered her porcelain skin. Nakasabunot ang lalaki sa buhok ng babae habang nagpapakawala ito ng malalakas at mabibilis na ulos mula sa likuran ng babae. The girl’s beautiful face was distorted, and she assumed it was from the pleasure her mate gave her. Inilipat ni Luna ang tingin sa kaniig ng babae. Nanlaki ang kanyang mata at umawang ang labi nang makilala ang lalaki.
“Fhergus!” mahina niyang usal at tila ba narinig siya nito na biglang bumaling sa direksiyong pinagkukublian niya. Agad siyang nagtago. Natutop niya ang kanyang bibig. Mas matindi pa sa murder ang nasaksihan niya.

“Luna!” Napapitlag si Luna nang marinig ang boses ni Beatrix. Agad niya itong sinalubong na lalapitan sana siya. Ibinalik niya ang punyal sa bag at hinila ang kaibigan palayo.

“Ano ang ginagawa mo roon?”

“Wala. May narinig akong ingay, mga pusa lang palang nagse-sex.”

“Ow!” Bumungisngis si Beatrix. “Hindi lang pala ako nadiligan today.”

Luna looked at her in disbelief. “Did you surrender your v-card?”

Kinikilig itong tumango. “Oh dear, it felt amazing! Really, friend. Hindi pala fake news ang mga naririnig lang natin. Heaven. As in heaven.”

“Kayo na ba ni Kajick?”

“Oo, kanina lang.”

“Beatrix naman. Sigurado ka na ba riyan? Baka mamaya niyan masaktan ka lang.”

“I can feel that we’re meant to be. Don’t worry about me.” Niyakap siya ni Beatrix mula sa kanyang tagiliran habang naglalakad sila patungo sa sasakyan.

“Sandali. ‘Yong mga libro pala. Magkwento ka sa ‘kin mamaya, ah?” Parang tangang tumango ito habang may pagkalapad-lapad na ngiti.

Nang nasa sasakyan na sila at nasa daan na ay nagsimulang magkwento si Beatrix.
“Ang sarap palang minumukbang.”

“Nagmukbang kayo? Ano naman ang minukbang n’yo?”

Malakas na tumawa si Beatrix. “Gaga. Ako ang minukbang ni Kajick,” pabulong na sabi ni Beatrix na tumingin pa kay Mang Bart para masigurong hindi ito nakikinig.

“Anong ikaw ang minukbang? Ikaw ang kinain niya?”

Humagikhik si Beatrix saka tumango. Inilapit nito ang bibig sa tainga at bumulong, “He mukbang my pussy.”

“Ew!” Itinulak ni Luna ang kaibigan. Malakas itong tumawa.

“Ew ka riyan. Kapag narasanan mo ‘yon matatawag mo lahat ng diyosa.”

Bigla na lang nag-flash sa isipan ni Luna ang nasaksihan sa parking lot. At ang malikot niyang imahinasyon ay gumawa bigla ng kalaswaan. Bigla na lang niyang nakita ang sariling nakabukaka habang nasa pagitan ng hita niya si Fhergus at minumukbang siya. Mariin niyang ipinikit ang mata at marahas na umiling para iwaksi ang maruming imahinasyon.

“Kadiri!”

Malakas na tumawa si Beatrix sa pag-aakalang reaksiyon iyon ni Luna sa sinabi nito. “I’m just kidding!”

“What?” Nakakunot-noo si Luna.

“I didn’t surrender my v-card yet. Iniinggit lang kita. But maybe one of these days.”

“Pag-isipan mo nga muna 'yan.”

“I love him.”

“Kahit na!”

HINDI mawala sa isip ni Luna ang nakitang tagpo kanina. Hindi tuloy siya makatulog. Kanina pa siya nakahiga pero ito siya’t mula na mulat habang nakatitig sa kisame. Tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata mukha ni Fhergus ang nakikita niya. Mukha nito habang nakikipagtalik. Nakatiim ang mukha. Ang ma-muscle nitong mga braso at likod. Ang maumbok nitong pang-upo.

Ipinikit ni Luna ang mga mata. Kung anong init ang nanulay sa kanyang mga ugat habang nakikita ang gwapong mukha ni Fhergus. His sex face alone awakened all the femininity within her. Tumagilid nang pagkakahiga si Luna at pinagsalikop nang mahigpit ang mga hita nang may kakaibang kiliting maramdaman sa pagitan ng kanyang mga hita.

“What did you do to me, Fhergus?” She clutched the pillow

Lua AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon