LUNA bit her bottom lip when Fhergus entered the classroom and automatically looked to her direction. He didn’t smile but the amount of eye contact he displayed showed non-verbal communication. She liked what she saw in his eyes. Bigla na lang itong kumindat bago lumiko sa pagitan ng row ng mga upuan patungo sa unahan.
Napangiti si Luna saka nagbaba ng tingin. Fhergus made this school year very exciting. Parang gusto niya tuloy na laging may pasok. Gusto niyang makasama ito. Hindi mawala sa isip niya ang halik nito. Dalawang beses siyang hinalilan kahapon. The second one was so intense she almost lost control. She didn’t feel any hesitation. She was willing to give in kung saan man iyon patungo.
Siniko siyang bigla ni Beatrix sa braso. Nagtatanong ang titig na ibinigay niya rito. “Ano ‘yon?”
“Ang alin?”
“Iyong titig ni sir sa ‘yo. At iyong kindat.”
Muli siyang napakagat-labi. Pilit pinigil ang ngiti. “Guniguni mo lang ‘yon o baka ikaw ang tinitigan.”
Pinaningkitan siya ni Beatrix ng mata. “Ngiting umiibig ‘yan, Luna. Nagsesekreto ka.” Inilapit ni Beatrix ang sarili sa kanya at bumulong, “Totoo ang tsismis sa inyo ni sir? Agh! Umamin ka!”
“Hindi,” mahina niyang sita sa kaibigan.
“I’m your friend, Luna. I tell you everything. I share everything with you tapos—”
“Shh! Let’s talk about it later. Nasa klase tayo.”
Nagningning ang mga mata ni Beatrix. Parang gusto nitong tumili sa excitement. Ang tsismosa. Inirapan niya ito bago itinuon ang tingin kay Fhergus na nagsisimula nang mag-lecture. Nakatitig ito sa kanya kaya ayon muli lang siyang nagyuko. She couldn’t hold his gaze. Sobrang nag-iinit ang kanyang mukha.
*
SA LIBRARY si Luna nagpalipas ng oras habang hinihintay ang oras para sa susunod na subject. Tutok na tutok ang kanyang atensiyon nang tila may mabining hangin ang dala sa kanya nang mabangong amoy. Pamilyar na amoy na para bang may dalang kakaibang init na nanuot sa kanyang balat at tila nilalason ang kanyang sistema. Musk, woodsy and spice. A very sexy and masculine scent that she only smelled from only one man.
She lifted her gaze from the book only to find Fhergus staring at her from the doorway. Malayo pa ito sa kanya pero ang amoy nito ay umabot na sa kanya. Marami-rami ring tao sa library at naghahalo-halo na ang mga pabango, pero parang lahat ng iyon ay nawala at nangingibaw ang mabangong amoy ni Fhergus. Fhergus started walking towards her direction, eyes fixated on her. Hindi rin niya maalis ang tingin sa lalaki. Parang sila lang ang tao sa loob ng silid aklatan. Walang pakialam sa paligid.
“Hey,” he greeted her just when he reached the table she was occupying. She smiled sheepishly and acknowledged him with a slight nod. “Can I join you?”
Tumango siya.
Akala niya ay uupo ito sa kabilang bahagi ng mesa pero umikot ito at hinila ang silyang nasa tabi niya at doon umupo. Inilapag nito ang bitbit na libro sa mesa.
“How are you?”
Luna pressed her lips tightly, trying to suppress the chuckle but she failed. Nakakatawa lang ang paraan ng pagtatanong nito. Ang seryoso. At kung kumustahin siya ay para bang may nangyaring hindi maganda sa kanya after their make out.
Fhergus nudged her gently. “Ano ang nakakatawa?”
Umiling si Luna. “Nothing. And I’m okay. My hair is still intact on my scalp. My lips haven’t bruised from your rough kiss, but I have red marks on the upper area of my breast.”
Si Fhergus naman ngayon ang natawa sa mga sinasabi ni Luna. Hindi siya makatingin kay Fhergus. Nanatili ang mata niya sa librong nasa harapan. Napansin lang niya kanina ang pulang marka matapos niyang maligo. Kiss mark.
“I’m glad you look okay. No regrets about what we did?”
Umiling si Luna. “There’s nothing to regret. I enjoyed it,” she admitted truthfully.
Fhergus sighed in relief. Bahagyang napapitlag si Luna nang abutin ni Fhergus ang kamay niyang nakapatong sa kanyang mga hita. Ikinulong nito iyon sa mga palad nito at doon ipinatong sa hita ni Fhergus. Nagtatanong niya itong tiningnan. Ngumiti ito sa kanya. “Hawakan ko lang. Aral ka na. Hindi mo naman siguro kailangan ng dalawang kamay sa pagbabasa.”
That gesture made her heart pound wildy. He looked so rough. Feeling niya nga beast ito sa kama pero para itong teenager sa gesture nito ngayon. Ibinalik ni Luna ang tingin sa libro. Naramdaman niya ang pag-usog ni Fhergus sa kanya pero hindi na niya ito nilingon pa. She loved it when he was near her. He really had a unique scent. It was overtly masculine, with sharp notes of spice and woodsy, and it all came together perfectly, creating a fragrance that was mysteriously dark and sexy. It was like a potent drug seeping through her system. It was addicting.
But she had a big question. Ano ba sila? Bakit may pa-holding hands na after ng kiss?
“Damn!” He heard Fhergus curse, making her shoot him a glance. Nakalapit ang mukha nito sa buhok niya. He smiled at her and backed away. “I love the sweet scent of your hair,” he whispered.
“Mukha lang mabaho pero mabango naman. Lagi akong naliligo. Imported ang shampoo at conditioner ko.”
Marahan itong tumawa at pinsil ang kanyang kamay. “I want to stay longer but my next class will be starting a few minutes now—three minutes to be exact.”
Nakaramdam siya ng panghihinayang. Gusto rin niya itong makasama. Makausap pa nang matagal. Gusto niya ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
Nilinga ni Fhergus ang loob ng library. Everyone was very busy, which was good because they didn’t catch their attention. Huwag lang talaga silang gagawa ng bagay na ikakakuha ng atensiyon ng mga estudyante sa loob.
“Luna,” baling sa kanya ni Fhergus. “Follow me,” he said before releasing her hand. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin na tumayo at nag-tungo sa likod ng mga bookshelves. Humagod ang kanyang tingin sa loob ng silid aklatan. Nang makitang wala namang nakatingin sa kanya ay pa-imple siyang tumayo at naglakad patungo sa direksiyon na pinuntahan ni Fhergus. Dahan-dahan ang bawat paglakad na ginawa niya habang nililinga ang bawat pasilyo na madadaanan.
“Nasaan na ba ‘yon?” mahina niyang usal sa sarili.
She was at the end of the aisle when strong arms slipped around her waist and pulled her behind the shelf to an abrupt halt.
“Shh!” Fhergus hushed her, lips closed to her ear, close enough to create an intense heat that immediately enveloped her body. He spun her around, pulling her against his frame. Her breasts crashed against his solid body. Napigil niya ang kanyang paghinga habang nakatitig dito. Hindi kasi niya alam kung saan itutuon ang kanyang atensiyon—sa kamay nitong pinipisil ang likod niya na tila naglalabas ng apoy at nanunuot sa kanyang katawan o sa mga mata nitong parang nagpapawala sa kanyang sarili. Being pressed against his hard frame made her breasts swell. Feeling her hardness against her belly made her sex clench deliciously.
Mother nature! She was young but here she was. Ang landi-landi na niya. Hindi siya ganitong pinalaki ni Maddalena. Baka kapag nalaman ito ni Maddalena isarado ang kabibe niya. She researched about this last night before she went to bed—ang tungkol sa sensasyong nararamdaman niya at isa lang sinasabi ng maraming artikulo sa internet. She was concupiscent. Aroused. Horny. On fire at kung ano-ano pang pwede itawag sa ganito basta isa ang ibig sabihin. She wanted Fhergus.
“I just wanna kiss you before I leave.”
Hinawakan ni Fhergus ang baba niya. Bumaba ang mukha nito hanggang sa sakupin ng bibig nito ang kanya. Ang tanging nagawa ni Luna ay ipikit ang mata at hayaan ang sariling lasapin ang masarap na sensasyong dulot ng halik ni Fhergus.
“See you after your class,” anito pagkatapos putulin ang halik. Sinapo nito ang kanyang mukha. Hinaplos ng hinlalaki ang pisngi niya habang nakatitig sa kanyang mukha na para bang siya ang pinakamagandang babae sa buong universe.
He gave her lips a tender kiss before stepping back. He sighed heavily as he stared at her before he left. Luna reached for her lips and touched it. Wala sa loob na napangiti siya. She stood rooted to the spot for a while before she managed to move and made her way back to her occupied table. Medyo lutang pa siya dahil sa nangyari at nahimasmasan lang siya nang makita si Beatrix na naroon na. May pagdududa itong nakatingin sa kanya. Tumayo si Beatrix at hinila siyang paupo. Tumabi ito sa kanya.
“I saw Professor Ferreira come out from there.” Inginuso nito ang direksiyon kung saan siya nanggaling. “Doon ka rin galing? Ano ang ginagawa n’yo roon?”
“Naghanap ng libro—ow!” tili ni Luna nang kurutin siya nito sa tagiliran. Nagsitinginan sa kanila ang mga naroon. Nagpatunog naman ng bell ang librarian para sa warning. “Ano ba!”
“Umamin ka kasi! May relasyon ba kayo?”
“Wala. Hindi ko alam.”
Mas lalong inilapit ni Beatrix ang sarili sa kanya. “Anong hindi mo alam? Mayro’n nga?”
Bumuntonghininga si Luna. Alam niyang hindi rin talaga siya titigilan nitong si Beatrix hanggang hindi siya nagsasabi ng totoo.
“What?” she asked impatiently.
“We just kissed,” pag-amin niya.
Namilog ang mata ni Beatrix at bigla na lang itong tumili. Agad niyang natakpan ang bibig nito. Muli rin silang nakarinig ng warning bell.
“Mother nature! You kissed? Who initiated it?”
“Siyempre siya! Ano naman tingin mo sa ‘kin—hmm! Huwag kang titili, sasalaksakin ko ngala-ngala mo.”
“Totoo talaga? Frenny, he kissed you in your ugly form. That’s true love. I’m happy for you!” Mahigpit siyang niyakap ni Beatrix at hinalikan pa siya sa pisngi sa sobrang kagalakan. “Kailan siya mamamanhikan?” tanong nito matapos bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.
“Sira ka talaga. Hindi pa nga kami. Nag-kiss lang, mamanhikan agad.”
“Hay!” Beatrix sighed dreamily. “I’m so happy. We’re BFFs talaga. Sabay tayo nagka-boyfriend. Feeling ko talaga sabay rin tayong ikakasal at magkakaanak.”
“Magtapos ka muna.”
“Of course! We are using protection naman when we make love.”
Nangdilat ang mata ni Luna. Tumawa si Beatrix na muling kumuha sa atensiyon ng librarian na sinigawan na silang lumabas kung hindi tatahimik. “I mean, I’m planning to use protection when the time comes.”
Okay. Ang OA niya. Panay ang pigil niya kay Beatrix, pero siya nakipag-make out na kay Fhergus at kung sakaling lumayo pa tiyak na bibigay siya. She didn’t believe that sex was a way to express love. She didn’t believe that having sex without being married was an act of love. People could have sex even without feelings for each other. Love was more than that. Love was patient and kind. It never demanded something that the person you love would suffer harmful consequences from because of wrong choices. Pero hindi niya gusto ang pre-marital sex, pero hindi rin naman niya hinushugahan ang mga gumagawa nito. It was just like—it was for her. She was applying it to herself. She valued waiting until marriage to have sex.
Pero ngayon, parang pinagdududahan niya ang beliefs niyang iyon. Solid ang paniniwala niyang iyon at sigurado siya sa gusto niya dahil kaya sa wala siyang boyfriend at ngayon nakilala niya si Fhergus. Natikman ang unang halik, at ang make out ay parang biglang naging pro pre-marital sex na siya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit kasi ganoon ang nararamdaman niya? Bakit inaatake siya ng matinding init ng katawan tuwing nakikita ito—tuwing malapit ito at higit sa lahat kapag magkalapat na kanilang katawan?
*
“BEATRIX, may lakad kayo ni Kajick?” tanong niya sa kaibigan na nasa cubicle habang naghuhugas naman siya ng kamay sa lababo ng pambabaeng comfort room. May dalawang babae namang nag-aayos ng sarili sa harapan ng salamin.
“Oo. I’ll text Mang Bart na mamaya na tayo uuwi. May gagawin pa naman kayo ni Sir Fhergus ‘di ba?”
She almost groaned upon hearing Beatrix mentioning Fhergus lalo na nang makitang napatigil sa pagre-retouch ng mukha ang dalawang babae at may pagdududang tumingin sa kanya. Freshmen din ang mga ito. Archaeology students pero section B.
“Um…oo nga e. Kailangan kong tumulong basahin ang mga term papers dahil kundi ibabagsak ako ni sir. Grabe rin si sir, ang tamad din, e ‘no? Magpapagawa ng term papers tapos ipapabasa sa iba.”
Sinulyapan niya ang dalawang babae sa salamin. Mukhang nawala na naman ang pagdududa ng dalawa na muling ibinalik ang atensiyon sa mga sarili. Masasabunutan talaga niya itong si Beatrix. Kahit sa kanya ay iba ang dating ng sinabi nito. Palibhasa guilty siya. May ginagawa naman talaga silang kalandian ni Fhergus.
Ipinahid niya ang basang palad sa kanyang leeg para hugasan iyon. Baka kasi mamaya halikan na naman siya ni Fhergus, mabuti ng handa. Marahan siyang natawa sa naisip. Muli ay napatingin sa kanya ang dalawa pero hindi na lang niya pinansin pa. Hinila niya ang kanyang talisman mula sa pagkakatago sa kanyang damit pero nahirapan siyang hugutin iyon. Mukhang nasabit. Hindi niya alam kung sa knitted sweater niya o sa blusa. Inalis niya mula sa pagkakasuot sa kanyang leeg ang kwintas saka inalis sa pagkakasabit ang talisman na nabuhol sa natastas na knitted sweater niya.
Nang maalis iyon ay inilapag niya muna sa counter saka ipinagpatuloy ang paglinis sa leeg at mukha. Ilang minuto rin siyang naghilamos bago nakuntento. Kinuha niya ang towel sa bag na nakapatong sa counter at nagpunas. Tumabi naman sa kanya si Beatrix at naghugas ng kamay. Ibinalik niya ang towel sa bag saka muling isinuot ang talisman. Nang matapos mag-ayos si Beatrix ay lumabas na sila, pero ang dalawang babae ay patuloy pa rin sa pagpapapula sa mga labi. Nagulat si Luna nang makitang nasa labas ng comfort room si Fhergus.
“Fhergus?”
“Ow! First name basis. Very close.”
Marahan niyang siniko si Beatrix.
Humakbang si Fhergus palapit sa kanya. Ang seryoso ng anyo nito. Nararamdaman niya ang matinding pag-aalala nito at galit…galit? Bakit ito galit?
“May tao pa sa loob?” tanong nito. Nilinga niya ang pinto at nagtatakang ibinalik ang tingin kay Fhergus saka tumango.
Tumiim ang mukha nito. Nilagpasan siya at pumasok sa loob. Agad naman itong sinundan ni Luna sa loob. Nakita niya ang pagkagulat ng dalawang babae dahil sa biglang pagpasok ni Fhergus. Binuksan ni Fhergus ang bawat pinto ng cubicle na tila may hinahanap.
“May ibang tao rito kanina maliban sa inyo?” tanong nito matapos mabigo sa paghahanap ng kung sino. Kung ano man ang hinahanap nito ay hindi niya alam pero ang matinding galit at pagkabahala nito ay nararamdaman niya. Ang malakas na tibok ng puso nito nararamdaman niya na para bang nakadikit lang ang kanyang tainga sa dibdib nito.
“Wala ho, Sir. Kami lang saka si Luna at Beatrix,” tugon ng isang babae.
Marahas ang ginawang pagbaling ni Fhergus sa pinto kung saan siya naroon. Humakbang ito. Ang tila walang katapusang karagatang asul na mga mata nito ay tumitig naman sa tila walang katapusang dilim na mga mata ni Luna.
Fhergus raised a hand to reach Luna’s face. Hinaplos nito ang pisngi niya. Dapat ay umatras siya at pigilan iyon pero hindi niya iyon magawa. Ang kanyang katawan, ang puso at isip ay nagkakaisa. Nagugustuhan niya iyon—ang haplos nito at ang pagtitig nito sa kanya.
“Ayos ka lang, Luna?”
Tumango siya. “Oo. Bakit? Ano ba ang nangyayari?”
Sa halip na sagutin nito ang kanyang tanong ay kinuha nito ang kamay niya. Mahigpit iyong hinawakan saka siya hinila palabas ng restroom at naiwan ang dalawang babae, pati na rin si Beatrix na nakatulala dahil sa nakitang romantic gesture ng dalawa. Walang nagawa si Luna kundi ang hayaan si Fhergus sa paghila sa kanya. Nagtungo sila sa archaeology department. Hinila siya nito papasok at walang pakialam sa mga professor na naroon na pinagtinginan sila.
Binitawan ni Fhergus ang kamay niya nang marating ang desk nito. Kinuha ang lahat ng term papers na nasa ibabaw pati na rin ang laptop case saka muling kinuha ang kamay ni Luna at hinilang muli palabas. Kipkip nito sa tagiliran ang lahat ng gamit na kinuha nito sa desk.
“Fhergus, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Baka kung ano ang isipin nila.”
Hindi siya nito pinansin. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa marating nila ang sasakyan nito. Binuksan nito ang backseat at inilagay doon ang mga gamit saka binuksan ang front seat.
“Get in, Luna!” ma-awtoridad nitong utos na sinunod naman niya. Isinara nito ang pinto at umikot sa driver’s seat at lumulan.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa bahay. Doon natin basahin ang mga term papers,” tugon nito na binuhay ang makina ng sasakyan. Hinayaan na lang ni Luna.
“Bakit ka nag-aalala sa 'kin? At bakit galit ka?”
Nilinga siya ni Fhergus. Halos magdikit ang mga kilay nito.
“You knew?”
“I could feel it.”
“Fucking bond!” mahinang palatak nito saka muling itinuon ang mata sa daan.
Bond? Ano naman 'yon?
BINABASA MO ANG
Lua Azul
WerewolfLimited Time: 40% off paranormal stories 🐺🖤 October Sale Alert! Embrace the darkness with these paranormal reads. Unlock now until Nov 3! ** Luna Navarro, a witch trained to be a hunter, falls in love with her handsome professor, Fhergus. Little d...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte