NAKABALIK na sila sa Nueva Veda ng ligtas at hindi nahuhuli ng mga guwardiya sa borders. Pagkapasok nila sa village ay bumungad sa kanila ang mga fiesta banners na nakakalat sa paligid. May mga bata ding masayang nagtatakbuhan sa paligid.
Nagtaka naman ang dalawa.
"Anong meron?" tanong ni Angel. Dumapo ang tingin niya sa mga pagkain na nakahanda. Para itong buffet ng isang bansa dahil sa dami.
Nagkibit-balikat naman si Eliot. Hindi niya din alam anong meron pero may gaganapin atang party.
"Oy, Angge, Eliot," bati ni Mang Tim sa kanila. May dala itong nga kahoy at pawis na pawis ang buong katawan niya.
"Magandang hapon, Mang Tim," bati pabalik ni Angel sa kaniya. "Tulungan ko na po kayo."
"Ay nako, huwag na. Last batch na rin naman itong mga kahoy na'to para doon sa bonfire mamaya," sagot niya sa dalaga.
"Ah, Mang Tim, ano po palang meron?" tanong ng dalaga, nagtataka parin.
"Hindi niyo ba nabalitaan?" tanong ng Mama. Nagsimula na itong maglakad at sumunod naman ang dalawa.
"Ang alin po?" tanong ni Eliot.
"Dadating daw ang hukbo nina Eros ngayon. Rarami na naman ang supplies natin sa awa ng Diyos. Tamang tama nga eh papaubos na 'yung stock sa storage," paliwanag nito.
Napatigil naman saglit si Angel nang marinig ang pangalan ni Eros. Napatingin din si Eliot sa kaniya dahil alam niya kung anong epekto ng pangalan na 'yun sa nararamdaman ni Angel.
"Ah, mabuti naman po kung ganoon. Ilang buwan din silang nawala eh, madami pa namang patay-gutom dito sa Nueva Veda," saad ni Eliot.
Tumikhim si Mang Tim. "Tinutukoy mo ba sarili mo, ijo?"
Nagulat naman si Eliot sa sinabi ng matanda at napatawa si Angel.
"P-Po? Grabe naman kayo sa akin, Mang Tim." Kunwaring nagpupunas ito ng luha sa mata.
Napatawa ang matanda.
"Biro lamang. Oh siya, kayo'y umuwi na muna sa inyong mga bahay at baka hinahanap na kayo doon. Ang layo pa naman ng pinuntahan niyo," nakangising wika nito sa dalawa.
"H-Ha?" gulat na sagot ni Angel. "A-Alam niyo po kung saan kami pumunta?"
Tumawa ulit ang matanda.
"Hindi ba't pumunta kayo ng library? Malayo layo dito ang library diba?" sagot ng matanda, hindi parin napapawi ang ngisi sa kaniyang labi.
'Bakit parang may someting sa mga ngiti ni Mang Tim?' wika ni Angel sa isipan niya.
"Library? Hindi po ah, bakit naman po kami pupunta ng—" Siniko naman ni Angel si Eliot upang mapatahimik ito at pilit na ngumiti sa matanda.
"Oo nga po, sa library nga kami pumunta hehe. Sige po, mauuna na kami," saad ni Angel at walang pag-aatubiling hinatak ang braso ni Eliot paalis doon.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
"Ano 'yun? May plano kabang mapurasahan?" inis na saad ng dalaga.
Napakamot nalang sa batok ang binata.
NAKARATING NA si Angel sa bahay nila. Gawa sa kahoy lamang ang kanilang bahay at katamtamang laki lang na kayang pagkasyahin ang buo niyang pamilya. It's not the fancy type of house but it's her home and it's enough.
Inilagay niya ang kaniyang tsinelas sa kanilang shoe rack at binuksan ang kanilang pintuan.
"Ma, Pa, andito na po ako!"
Naamoy niya agad ang niluto ng kaniyang ina. Agad na kumalam ang kaniyang tiyan. Pumunta siya sa kanilang kusina at nakita ang pigura ng kaniyang nanay na nagluluto.
"Mama," yumakap siya sa likuran ng ina at humalik sa kaniyang pisngi.
"Andito ka na pala," bati ng kaniyang ina at ngumiti. "Hindi mo kasama si Eliot?"
"Umuwi na po siya sa kanila, may gagawin daw," sagot ni Angel at kumalas sa pagkakayakap. Nagtungo siya sa lamesa at naglagay doon ng mga plato.
"Nasaan pala si Guss, Ma?" tanong niya. Usually, maingay na naglalaro ang kapatid niyang si Guss dito sa salas kada uwi niya, pero nakakapanibago ngayon dahil hindi niya mahagip ni anino nito.
"Ah nasa labas kapatid mo, naglalaro. Tawagin mo nga," utos nito sa dalaga.
"Hay, ang kulit talaga ng batang 'yun," wika nito sa kawalan at tinapos na ang paglagay ng kubyertos bago lumabas upang hanapin ang kaniyang kapatid.
HINDI NIYA mahagip ang mukha ng kapatid niya kahit saan. Ilang ulit na siyang pumunta sa hall, sa storage, at nilakad niya na ang library at naghanap doon ngunit wala parin. Walang kahit na sign ni Guss.
Pumunta naman siya sa bahay ni Eliot at hinanap doon ang kaniyang kapatid ngunit wala din ito doon. Nagsimula ng makaramdam ng kaba ang dalaga.
"Baka naman nakauwi na sa inyo?" suhestiyon ni Eliot habang prenteng nakasandal sa puno ng bahay nila.
Nagbuntong-hininga si Angel. "Baka nga."
Napatawa naman si Eliot at ginulo ang buhok ng kaibigan.
"Huwag ka na mag-alala, andyan lang 'yun sa tabi-tabi. Knowing Guss, sobrang likot non pero babalik at babalik parin naman 'yun sa bahay niyo."
"Aish, asan kasi 'yun nagpupunta? Kapag bumalik ako doon ng hindi kasama ang batang 'yun, ako ang mapapagalitan," inis na wika ni Angel.
Bigla namang umingay sa paligid na ipinagtaka ni Angel. Nakangiti ang halos lahat ng mukhang dumadaan at nagtatakbuhan sa paligid. Nagsimula ding tumugtog ang isang pamilyar na musika—anthem ng kanilang bansa.
"PAPARATING NA ANG ALFA!"
Bumilis ang tibok ng puso ni Angel nang marinig iyon.
Alfa ang pangalan ng grupo na kinabibilangan ni Eros. Sila ay parte ng mga troops na inaatasan ng mga misyon na pumunta sa city. May iba't ibang grupo at iba't ibang misyon. At isa ang Alfa sa mga grupo na iyon.
Ang misyon ng Alfa ay maggather ng supplies para sa mga daily needs ng tao. Kinukuha nila iyon sa city upang ma-sustain ang buhay ng mga tao dito at walang scarcity of food or water. Out of all the groups, sila ang frequently na bumabalik dahil kinakailangan ang supplies palagi.
"Andito na daw sila.." rinig niyang wika ni Eliot. "Sasalubungin mo ba siya, Angge?"
Napaisip naman si Angel.
Ilang saglit lang ay napabuntong-hininga siya at umiling. "Hindi naman needed ang presensya ko doon, tsaka hahanapin ko pa si Guss."
Napatango naman si Eliot. Alam niyang nahihirapan ang kaibigan niya ngayon pero wala siyang magawa. Ayaw din naman ni Angel na kino-comfort siya kaya kahit gusto niya magsabi ng words of wisdom, hindi niya magawa dahil alam niyang tatawanan lang siya ng kaibigan kapag ganon, o hindi kaya ay tatarayan.
"Sige, mauna na ako, Lio. Hanapin ko lang si Guss, kitakits maya sa buffet."

YOU ARE READING
Freaks
Fiksi IlmiahIn 2035, Earth faces an unexpected invasion by supernatural forces, decimating half of humanity and replacing them with beings of extraordinary power. The remaining humans retreat into shadows, preparing for an impending war. As they sense the appro...