Kolonyalismo

5 0 0
                                    

Dadaigin ko si Magellan
Kung sinubukan niyang ikutin ang mundo
Ako nama'y susubukang lisanin ito
Papatunayang may tagumpay pa rin
kahit walang aangkinin

Sa pangatlong hakbang
May tumawag sa akin
Apat na beses akong umurong
Muli, ako'y lumingon

Traydor ang aking mga paa
Binabawi ang mga naunang apak
Ipinangako ko sa hangin
Tatalikuran na ang tinig

Maglalakbay akong muli
patungo sa paglimot
pero sandali...

Buksan mo ang pinto

Talo na ako kay Magellan

Pinaikot ako ng daigdig

Nagpadaig ako sa pag-ibig

Natagpuan na lang ang sariling
humihikbi't nakakulong na muli
sa iyong bisig


Kolonyalismo,

ang pagsakop mo sa puso ko.

Words Are Born Before DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon