caught in the middle

10 0 0
                                    

Napakagara ng mga gusali sa kabisera
Dapat na tingalain kung nais na makita
Nagkakaisa ang asul, puti, abo at itim
Apat na mga malalamyang kulay lang
ang napagkasunduan nilang piliin
Nagpapaligsahan sa sakop na espasyo

Habang ang mga barong-barong, siksik
Wala pang pumapagitna sa dingding
Hindi magpapatulog ang yari nito

Lalo na sa mga panahong badyang
nagnanais kumalas ang bubong
at magpapatangay na rin sa hangin

Gimising ako mula sa bangungot at pagkagising ay bangungot pa rin
Lubog sa dilim at nag-aabang
Nabubulabog sa busina
ng mga sasakyan
sa ibabaw

Umuugong
at nayayanig
sa tuwing sa itaas
ay may mga dumaraan
Nauupos ang mga kahoy
at nagiging pulbos, anay kumbaga

May kulto ng daga sa likod ng dingding at malakas ang loob nila
kapag wala nang gising
Ang lamok ay busog
sa aming dugo
naninimot

Ang laman
ng bulsa nami'y
sinahod ng mga nakaupo
sa itaas at kahit na ito'y masimot
   kami ay napabilang pa rin sa mga  pesteng gusto nilang puksain

Kaya noong winarak nila sa harapan ko ang mga pinagtagpi-tagping silungan ng mga
maralita parang
nadurog din
ako

Nagdiwang
nang maisip
posibleng namatay
na rin ang mga hayop
na umaagaw sa'ming pagkain
hindi lang pala kami ang talunan

Masarap nga pala sa pakiramdam puksain 

ang mga mas maliit  sa atin

Gumising ako muli mula sa bangungot 

Paggising ko ay nasa bangungot pa rin
Nabubuhay naman ngayon sa pagitan
Umangat kaunti at naipit na sa tatsulok

Walang maaaring mambulabog sa'tin
Makapal ang dinging, makulay na bahay 

at maayos ang dikit ng bubong

Heto nga at simot pa rin ng kapitalismo
At 'di tulad noong kaya pang lumaban
Ngayon ay mas malapit na sa kawalan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Words Are Born Before DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon