Peru lumipas ang ilang oras at natapos na ang klase ay ramdam ko pa rin ang hapdi. I felt a sting every time I walked. Tinanggal ko ang ang sapatos sa medyas peru wala naman akong nakitang sugat o kahit na ano. Peru ang hapdi talaga. Baka sa sobrang pagod ko, kahit ano na lang ang nararamdaman ko.Yumakap ako sa bag ko at naka-upo sa parking lot ng school habang naghihintay na tumila ang ulan. Ma-le-late na ata ako sa trabaho nito.
Nang tumila ang ulan ay dumeritso na agad ako sa trabaho.
Makalipas ang limang oras ay naka-uwi na ako sa bahay at napahiga sa kama. I was spacing out when I realized how sad my life was. Hindi ko na malayan na may luhang dumalos sa pisngi ko. Hinayaan ko lang ito, pumikit ako ng mariin. Kung hindi lang sana dahil sa mga walang kwenta kong mga galaw ay hindi pa sana ako nag-iisa sa bahay ngayon.
I just realized how our house was supposed to be the happiest home in town. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dahil sa mga nangyayare sa buhay ko at dahil na rin sa pagod. Dahil hindi madali ang mabuhay ng mag-isa.
Unti-unti akong pumikit at marahan na nagdasal.
Wala akong ibang ma-isip kung di ang aking kinabukasan. Napa-isip ako kung anong gusto kong gawin dahil alam ko naman na kailangan ko talaga ng permanenting trabaho. Sana ay matupad lahat ng pangarap ko.
I hope that my dreams will come true.
***
Nasilaw ako sa dilaw na ilaw na nakatutok sa gawi ko. Hindi ko ma-idilat ng maayos ang aking mata dahil sa ilaw. Unti-unti kong narinig ang mga tunog sa paligid.Napagtanto ko na nasa sasakyan ako at nakatingin sa bintana. Biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang isang lalaking naka black suit at naka shades.
"Ma'am, we need to go." Tugon sa akin ng lalaki. Dahil sa bilis ng pangyayare lumabas ako ng sasakyan na nakapikit dahil sa nakakasilaw na flash ng mga camera sa harap ko.
"Miss Guenniva? Is it true about you and Mr. Dela Vega?" Sumbat sa akin ng isang reporter na may hawak na mic na tinutok sa akin. Di ako makasagot dahil sa pangyayare. Nalilito ako sa mga tao na nasa harap ko. Tinatanong nila tungkol sa issue namin ng isang sikat na actor.
"Ma'am? Kailan po naging kayo? Official na po ba kayo?" Tanong ng isang nakasalamin na lalaki.
"Guenniva, are you aware that two months ago lang po ang break up nina Rio at ex-girlfriend niya?"
What the heck? Bakit ako tinatanong ng mga 'to. Sikat na actor pa talaga at two months ago lang ang break up?"Miss Guenniva, what can you say about this issue? You're a world-famous actress, yet you can't handle your actions. "
Sumbat sa akin ng isang bakla sa harap ko na may hawak sa cellphone na naka-live.
Famous actress? What's happening? I don't understand, I was just about to sleep last night. Dahil sa di ko mapaliwanag na pangyayare ay nagdidilim ang aking paningin dahil na rin sa mga flash at ingay ng mga camera sa paligid.I'm blinded by the flash of their cameras around me. Nagtutulakan ang mga tao sa paligid ko, mabuti na lang ay maraming guard ang nakapalibut sa akin para ako ay protektahan.
Nagpatuloy kami sa paglakad palayo sa mga nagtutulakang mga tao.
Biglang dumilim ang aking paningin at nagsimulang mag panic ang mga guard."Si ma'am, baka hihimatayon ito dito. Dalian niyo na diyan!" Sabi ng isang guard sa gilid ko.
Natakasan namin ang mga tao sa labas at nasa loob ako ng isang hotel. Huminga ako ng malalim para hindi na tuluyang himatayin."Where's Guenniva?"
Sabi ng lalaking naka suot lang ng sleeveless shirt at naka pajama pants. Hindi ko kilala ang lalaking nasa harap ko. Lumuhod siya para magpantay ang aming mata dahil ako ay naka-upo sa sofa.
BINABASA MO ANG
He's the Dream
FantasyGuenniva is a particular girl who has big goals for herself. Every night, in every dream she had, she lived the life she desired. But she had no idea how long she would be able to enjoy her life in it. There is a man she frequently sees with a vivi...